Revenge

2 0 0
                                    

COMEDY.

Kitang-kita ng lalaki kung paano pagtulungang paslangin ang kasama niya na ngayo'y nakahandusay na at wala ng buhay.

Dali-dali itong tumakbo patungo sa mga pumaslang upang maghiganti. Maraming sipa ang ginawa niya dahilan upang mabawasan at mawalan ng buhay ang isang lalaki na kasabwat sa pagpaslang.

Mabilis namang nagtakbuhan ang ilang kasama nito dahil kita nila kung gaano kasakit ang pagsipang ginagawa ng lalaki.

Ngunit hindi tumigil sa paghabol ang lalaki, tila sabik na makaganti. Nang maabutan ang mga ito ay muli niyang pinaranas ang masasakit na sipang ginawa niya sa naunang pinaslang.

Apat, apat ang napaslang niya.

"Tangina ninyo! Huwag 'yong Angela ko!"

Mariin nitong tipa sa kaniyang cellphone kasabay ng pag-pop-up ng MANIAC sa screen nito.

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon