Pasko

2 0 0
                                    

"Merry Christmas," masayang bati ng bunsong anak sa kaniyang magulang at kapatid.

"Let's take a picture," aya ng nakatatandang anak at ipinorma na ang kaniyang cellphone paharap sa kanila.

Matapos ang pagkuha ng litrato ay saka ito umupo sa kaniya-kaniyang pwesto. Masaya ang kuwentuhan habang sabay-sabay na kumakain ng Noche Buena ang isang Pamilya.

Malakas na pagsabog ang bumalot sa tahanang kani-kanina lang ay pinamumugaran ng kasiyahan.

Lahat ay patay.

Kamukhang-kamukha ng pangyayaring natamo ko noong ako'y bata pa lamang.

Ngunit, hindi nila alam na natira ako.

"Ang sabi ko naman sa inyo, gaganti ako."

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon