Bumangon agad ako nang marinig ko ang katok ni mommy sa pinto ng kwarto ko. "Tan gising na first day of class ngayon wag kang usad pagong anak" Pagising na sermon sa akin ni Mommy. First day of class ngayon eto talaga ang hindi ko gusto kasi ang aga-aga mag hahanap pa ng section hassle!
"Eto na po My, babangon na!" Pag tapos kong sabihin yon tumulala muna ako 5 seconds at naligo, nagbihis, at bumaba na agad ako at kumain.
"My, Da alis napo ako" Pagpa paalam ko sa kanila.
"Sige anak mag aral ng mabuti ha" Ani ni Mommy.
"Anak may bagong transfer daw sainyo maganda chicks" Nailing nalang ako sa sinabi ni Dada ganyan lang yan si Dada pero mahal na mahal nya si Mommy.
"Alexa, Anissa. Mauna na si Kuya ha" Pagpa-paalam ko rin sa mga kapatid ko at sabay halik sa mga noo nila.
"Sige kuya, love you!" Sabay sabi nung kambal kong kapatid.
Narito na naman ang dami na namang estudyante pero kapag kalagitnaan na ng School Year halos hindi na makita ang mga 'to. Merong nagmamadali kasi mahuhuli na sa klase, meron namang chill lang kasi first day palang, meron namang normal nalang sakanya at ako 'yon. Naputol lang ang pag-iisip ko nang may tumapik sa likod ko.
"Musta pre? Balita ko may transferees daw ngayon mga lima ata sila, tatlong babae tapos dalawang lalaki" Ani nitong si Nash kaibigan ko na parang hindi.
"Ano naman ang paki ko? Pumasok ako para mag aral hindi mang hunting ng tranferees.
"Tigil-tigilan moko corpuz pumasok na nga tayo" Irita kong sabi sakanya.
Nang makapasok kami sa room namin may mga late na pumasok at nag pakilala sa platform. (stage namin sa room)
"Hi I'm Xet Penelope Vazquez" Pagpa-pakilala ng babae na Xet daw ang panglan.
"That's it?" Ani ng teacher namin.
"Yes, Sir" Walang ganang sagot nito.
"Oh kayong apat magpakilala na kayo" Para bang nainis si Sir sa pag sagot nung babae. Ngunit hindi ko na narinig ang mga pakilala nung iba niyang kasama dahil sa pag tatama ng aming mga mata netong si Xet. Naka pants sya na cargo at naka suot ng t-shirt na black at naka sapatos ng Air Force , Makapal ang kanyang natural na kilay, Mala bond paper ang kanyang kutis, May matangos na ilong, Midlength ang buhok na itim na itim, Malungkot ang kanyang mga mata, at May kantang-karan ng kaunti.
Nagulat na lamang ako ng sya ay mag salita sa harap ko.
"May dumi ba ako sa mukha ko?" Tanong nya. shet bakit ako biglang kinabahan??
"May naka upo ba dito, Tan? Pagtuloy nya na ikinagulat ko.
"A-alam mo yung name ko?" Tanong ko.
"Binasa ko lang sa pin mo tapos pina-ikli ko, bakit may angal ka?" Walang emosyon nyang sabi.
"Ah okay, Oo walang nakaupo dyan" Walang ganang sagot ko.
<3333
YOU ARE READING
SHE WAS MINE, BEFORE
RomanceNangarap kaming mag-kasama, pero bakit sya nalang mag isa ang tumupad?