Eto na nga ang mga babae naming kaibigan. Unang pumasok si Ann ang babaeng kalog with a heart. Pangalawa namang pumasok si Jenn na laging lutang na parang si Klaid. Pangatlo namang pumasok si Sharmain na tiktok iz layp beybeh. Pang apat namang pumasok ay si Iya mabait lang sya.
At ang pang lima ang aking crush for all most 4 years ay si Ysa, mabait sya, tahimik, matalino. Although magaganda at matatalino sila. pero sya talaga yung nag uumapaw sakin basta maganda sya. Katulad ng nag daang 3 years lagi lang syang naka earphone laging walang imik. Kapag hindi mo sya kilala masusungitan ka sakanya pero kapag kilala mo na sya mabait naman sya lagi lang talaga tahimik kaya sya yung gusto ko eh tahimik hindi katulad nitong apat.
"Hi boysssss!"sigaw ni Ann."Na-miss ko kayo hehe Te Leyer dating gawi." Yung dating gawi nya is Ham-silog. Ang babae talaga na'to sakit sa ulo.
"Musta mga pre?"ani ni Sha. "Ayos lang ikaw ba?"sagot ni nash sakanya at ngumiti lang ako.
"What's up guys" walang buhay na ani ni Ysa na nakapag pakaba sakin at agad rin akong tumugon."Ayos naman ka-"na agad pinutol ni Iron. Alam kasi ni Iron na crush ko si Ysa.
"Umupo na kayo, Ysa dito kana sa tabi ko." Sinamaan ko kagad ng tingin si Iron. Tinaasan lang ako ng kilay at nag smirk. Aba'y gag* 'to ah! Panira ng diskarte!
Pagtapos naming kumain ay pumunta na kami sa klase pero syempre hinatid ko muna si Ysa. lagi kong hinahatid si Ysa simula first year college hanggang ngayon walang mintis.
"Musta bakasyon mo, Ysa?" tanong ko. Agad na tinanggal ni Khen yung earphone nya. "Ayos lang naman" sagot nito.
"Alam kong buong bakasyon nag basa kalang ng libro." na ikinangiti nya.
"Kumusta naman sila tita at tito?" tanong ko ulit kasi laging tipid yung sagot nya.
"Okay naman sila pinapakain pa naman ako" at sabay kaming natawa. Hindi ko alam nakatitig na pala ako sakanya habang tumatawa sya at pinitik nya ako sa noo.
"Aray ha! ang sakit" sabi ko sabay sapo sa noo ko.
"Kanina kapa kasi nakatitig! Saka bakit mo nanaman ako hinatid first day na first day." iling nyang sabi.
"Wala lang, hindi ka ba kumportable" kamot ulot kong tanong. Na ikinailing nya.
"Tigil-tigilan mo ako Tantan baka di kina matansta!" Gusto ko talagang tinatawag nya akong Tantan. Ganyan lang talaga sya mag salita pero mabait 'yan. Nabalot na kami ng katahimikan. Nang malapit na kami sa room nya ay pinag tinginan kami sa kadahilanang lagi kong hinahatid si Ysa sa room nya. Pati si Iron lang ang naiba ng section sa magbabarkada nung 1st and 2nd year namin magkaka-klase kami. Nung 3rd at ngayon 4th year lang kami nahiwalay pero ganon parin naman yung bond. Well mas matagal silang mag kasama ni Iron simula elementary up until now magkasama parin sila.
"Hoy Tan nakikinig kaba?" ani nya na nagpa balik sa wisyo ko.
"H-ha? Oo naman!" gulat na sabi ko.
"Anong sabi ko aber?" naka pamewang nitong sabi.
"Sabi mo ang gwapo ko, Well gwapo naman talaga ako Ysa, hindi mo na kailangang sabihin" pagmamayabang kong sagot.
"Luh asa ka" sabi nya habang nakangiti. ang ganda nya talaga kapag ngumingiti sana lagi ako yung dahilan, sana laging ako yung kasama nya, sana ako yung katabi nya sa klase, na sana ako nalang si Iron na lagi nyang kasama kahit saan. Si Iron lang yung dahilan kung bakit laging nakakasama samin si Ysa.
Gusto ko si Ysa.
Nang makabalik ako na classroom namin, Agad akong hinarang ni Nash. "Hinatid mo nanaman si Ysa?" naka-taas ang kilay nitong sabi na parang may alam na.
"Oh dati ko naman syang hinahatid ah? Problema mo Nash? Kulang pa ba yung kinain mo?" Taas kilay ko ring sabi.
"Binabalaan na kita pre hindi si Ysa yung tipikal na babae." aniya at agad naman akong napatingin kay Xet.
<3333
YOU ARE READING
SHE WAS MINE, BEFORE
Roman d'amourNangarap kaming mag-kasama, pero bakit sya nalang mag isa ang tumupad?