Chapter 4

163 5 0
                                    

CHAPTER 4

Dominic's POV (Roi)

I bought a condo malapit sa companya ko ang "Baltimore's Industry", nagpaalam naako kay Tita Emelda or Roi's Mother na titira ako sa condo para na rin iwas hassel sa traffic kasi malapit lang din naman.

Madali akong nakakuha ng condo kaya agad ko rin ipinadala ang mga gamit ko para na rin mailagay ko sa dapat na lalagyan, umupo ako sa upuan sa may bintana para magpahinga nang mabaling ang atensyon ko sa cellphone ni Roi.

Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin na pumunta sa Gallery nito, pagkaopen ko sa app bumungad sa akin ang sangkatutak na pictures ni Blane? may mga videos pa ito na puro tungkol sa kanila.

'sh*t gusto ba ni Roi si Blane?' tanong ko sa isip ko.

I played one of their videos, nasa mall sila.

"Bloom tingnan mo nga ang sarili mo mukha kang Manang sa suot mong yan" pang-aasar ni Roi kay Blane.

Nakatutok ang camera kay Blane kaya kitang kita ko ang mangiyak-ngiyak niyang mata.

"Kailangan mo ba talaga akong laitin" reklamo nito.

"Hahaha bakit ba ganiyan ang suot mo?" tuwang tuwang sambit ni Roi.

"Wag mo nga akong videohan" saway ni Blane kay Roi sabay sita sa camera.

"Hahaha hindi mo pa sinasagot ang tanong ko Bloom" muling sabi ni Roi.

"May sumunog sa mga damit ko na bigay ni Martin" simpling sagot niya sabay lingon sa daraanan niya at nagsimula nang maglakad.

"Oh oh teka, gusto mo ba ang mga damit na binigay sayo?" tanong ni Roi habang nakatuon parin ang camera kay Blane.

Hindi sumagot si Blane sabay nguso nang may inilahad na card si Roi sa tapat ni Blane na nakapagtameme sa kaniya.

"Para sa akin" sabi ni Blane sabay turo sa sarili niya.

"Oo kaya nga niyaya kita dito sa mall para makapamili ka nang mga bagong damit, ayaw ko kasi ng mga damit na binigay sayo ni Martin at sa lahat nang ibibigay niya sayo mapa-alahas, sapatos, damit, ayoko ako na lang ang magbibigay sayo nun" maawtoridad na sabi ni Roi na obvious naman na nagseselos siya sa Martin na iyun.

"Ows...boyfriend ba kita?" sarkastikong sambit ni Blane habang nakatitig siya kay Roi. Natahimik si Roi nang ilang sandali.

"uh...uhm gagamitin mo ba ito o hindi?" sabi ni Roi habang iminuwestra kay Blane ang credit card.

"akin na...siguro ikaw ang sumunog sa mga damit ko" kinuha ni Blane ang credit card.

"A-ano? naku Bloom baka yan ang epekto sayo ng Martin na yun ah ang maging mapagbintang, nililigawan ka lang nun nag-iba ka na, baka gusto mong isumbong kita sa stepmom mo ah 17 ka pa lang tandaan mo" pagbabanta nito kay Blane pero tumakbo lang si Blane papunta sa isang boutique.

Nakaramdam ako ng selos nang mapanood ko ang video, they were so close since childhood and the fact that Roi likes Blane gives me the nerve.

Kay tagal na nung mga video na yun, siguro nung hindi pa nakakapunta si Roi sa switzerland pero hindi pa rin niya dinedelete, sobrang tumitindi na ang selos ko kay Roi, he is just Blane's childhood friend pero marami siyang makatagong pics. and vids. kay Blane, samantalang ako na asawa niya ni anino niya wala sa phone ko.

Live without me (Baltimore clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon