Chapter 3

204 10 0
                                    


Bloom Jane Fabiano's POV

I invited LeRoi na makipagkwentuhan dahil back to nababagot na naman ako sa bahay kaya ayun niyaya kong magkape sa labas.

"So Roi ano na nga ba ang balita sa love life mo?" tanong ko rito.

"W-wala pa akong nagugustuhan" simpling sagot nito.

Sumipsip muna ako ng kape habang nakatitig sa kaniya, why is he acting weird?

"Bakit parang nag-iba na yata ang pakikitungo mo sa akin? nung una panay ang kwento mo pero ngayon ako na yung madaldal" reklamo ko.

"Dala na rin siguro ng lungkot ko, wala kasi akong girlfriend" sabi niya.

"Alam mo napakamanhid mo kahit kailan ang dali dali mo ngang makahanap ng babaeng magmamahal sayo, tingnan mo nga...ang gwapo mo eh" sabi ko.

Naging awkward tuloy ang atmosphere dahil sa sinabi ko 'ang gwapo mo', sumilip sa bibig niya ang ngiti which cut the awkward atmosphere.

"I think we should hang out often so I could introduce you to my friends and take note ha mga model yun at saka super gaganda nila" I said cheering him up.

Muli kaming nagkwentuhan ni LeRoi nakakamiss din kasi eh.

~The Next Day~

I invited Patricia Dean Salvador sa bahay, isa siya sa mga kaibigan kong model ng kompanya ni Dominic, may pagkawierd din minsan si Patricia kasi kinakausap niya si Rosella, ang kasambahay namin sa tuwing mapapadpad siya rito.

Hindi ko lubos maisip na nakikipag-usap siya sa katulong eh ni hindi nga niya gustong makita ang mga mukha ng katulong niya pagdating niya sa bahay niya, ang parati niyang sinasabi sa akin ay ayaw daw niyang mabahiran ng kapangitan ang kagandahan niya, but look at Rosella

Nagluto ako ng makakain ni Patricia and Roi, I have this clever idea kasi eh, papapapuntahin ko din dito si Roi para naman ma-meet niya si Patricia.

Kasalukuyan akong busy sa kusina nang maaninag ko ang malditang kasambahay namin na si Rosella, si Mother in law ang nagsusweldo sa kaniya para pagsilbihan kami pero parang hindi yun ang responsibilidad niya kundi bantayan ang lahat ng kilos ko.

Naiinis talaga ako sa kaniya biruin mo daig pa niya ang donya sa bahay na ito, she just passed me by ni hindi man lang ako inalok ng tulong.

Hindi nagtagal ay narinig ko ang pag-ring ng cellphone ni Patricia, senyales na. may tumatawag sa kaniya.

"I'm so sorry Blane, may emergency kasi sa opisina eh, sorry hindi ko makikilala si Roi, pa-hi na lang sakaniya, gotta go" Patricia run towards the door.

"Ok! ingat!" sigaw ko hanggat sa tuluyang nagclose ang pinto. Lumipas ang ilang minuto'y nagring ang doorbell at mabuti na lang si Rosella na ang nagbukas.

"Hi Bloom" bati saakin Roi, nginitian ko siya.

"Hello Roi, ah maupo ka dito, oh nakapaglunch ka na ba?" its almost 12 na rin pala.

"Hindi pa" sagot niya.

"Uhm Roi pasensya ka na kasi umalis na yung bestfriend ko na gusto ko sanang ipakilala sayo eh, sayang tuloy ang hinanda ko rito baka hindi maubos" sabi ko.

"Ok lang yun Blane may ibang time pa rin naman, sige na nga kainin na nga lang natin to" sabi niya.

Sinimulan na namin ang pagkain sa mga hinanda ko kaya ayun busog kami, pero mukhang si Roi ang mas busog ang lakas kasi niyang lumamon, siguro nasarapan ng husto sa niluto ko, nakakatawa ang mukha niya habang kumakain parang hindi na nakakain sa isang taon kung lumamon.

Rosella POV

Kinausap muli ako ni Ma'am Patricia na bantayan ko daw ang kilos ni Blane at kung may kahina-hinala isumbong ko daw kay Sir Dominic.

Tinawagan ko si Sir Dominic ulang sabihin sa kaniya kung ano ang nakikita ko sa mga iras na ito.

"Hello sir"

"Oh Rosella, may problema ba riyan sa bahay?" tanong ni Sir.

"Malaking problema ho sir"

"Ano?"

"May lalaki pong bisita si Ma'am Blane at mukhang nagkakatuwaan po sila, bigla pa rin pong pinaalis ni Ma'am ang kaibigan niyang si Ma'am Patricia." sumbong ko rito.

"Malilintikan sa akin ang babaeng yan, bantayan mo sila baka mamaya gumagawa na ng milagro ang mga yan" galit na sabi ni Sir.

Binaba ko na ang tawag at nagmasid sa kanila, kinakailangan kong gawin ang utos sa akin ni Ma'am Patricia nang sa ganun hindi masayang ang binabayad niya sa akin, malaking tulong din yun para sa pagpapagamot ng Tatay ko.

Dominic's POV

Tumawag sa akin si Rosella at sinabi sa akin ang kalandian ng babaeng yun, Fvck malilintikan talaga siya sa akin, ano na lamang ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa pamilya ko? na pumatol ako sa isang malanding babae?.

10 pm na akong nakauwi sa bahay at pagdating ko sa loob ng bahay ay nakita kong nakaupo si Blane sa sofa nanonood ng tv.

"Oh good evening hubby" nakangiting bati niya sa akin at nagsimula siyang humakbang palapit sa akin at akmang hahalikan ako sa pisnge pero tinulak ko siya.

"Hubby bakit? napagod ka ba sa trabaho?" tanong niya sa akin.

"Sino ang lalaki mo?" tanong sa kaniya.

"A-anong lalaki, wala akong lalaki, you're the only man in my life Dom"

"Fvck! ginagago mo ba ako ha! habang wala ako dito may kinakalantaryo kang ibang lalaki ha! bakit! di ka ba makuntento sa akin?" galit na sambit ko sabay bagsak sa vase na nakalagay sa gilid ng pinto.

"Si-Si Roi lang naman ang naririto kaninang umaga, si Roi kababata ko" mangiyak ngiyak niyang sabi hanggat sa nagsimulang magsituluan ang kaniyang luha.

"Ano na lamang ang sasabihin ng ibang tao? na pumatol ako sa pvta!!!" sa galit ko'y hindi ko na namalayan ang malakas na pagdampi ng kamay ko sa makinis niyang mukha.

"Wala akong ginagawang masama Dom, maniwala ka huhuhu" umiiyak na sambit niya.

Dominic's POV (Roi)

Umuwi na ako sa bahay pagkatapos kong asikasuhin ang mga kakailanganin ko for Roi partnership with my company.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama dahil sa tindi ng pagod ko, How I wish na sana naririto pa rin si Blane sa tabi ko, namimiss ko na ang pagaalaga niya sa akin whenever I come back home, she will make me coffee, massage my back and she'll feed me.

Matagal tagal na rin nung malasahan ko ang masarap niyang luto nung bagong kasal pa lang kami she cooked me her very own style of Caldereta, 'I miss you Blane'.

A/N: Thanks for reading, icomment niyo lang po ang tingin niyo sa istorya for feedback, don't forget to vote.

Live without me (Baltimore clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon