Chapter 8

121 4 0
                                    

CHAPTER 8

Patricia's POV

"I love you Boss" sabi ko, hindi ito sumagot kaya tiningala ko siya, sabihin mong mahal mo rin ako please.

"Sh*t this is wrong Patricia hindi ito tama at maaari pa itong gumawa ng malaking eskandalo na ikababagsak ng kompanya" Tumayo siya kaya ako na lang ngayon ay nakahiga sa kama.

"Alam natin pareho na mali ito pero ginawa pa rin natin because we love each other boss" naglalambing na sabi ko sabay abot ng aking kamay sa pisnge nito, tumayo siya at humarap sa akin.

"Mahal kita boss walang mali rito" sabi ko.

"Sorry Patricia" mahinang sambit ni Dom

"No Boss hindi pwede, hi-hiwalayan mo na lang siya, I know she can't give you something that could please you, she can't make you happy but me, I will give you everything you need." Pagsusumamo ko rito.

If I have to kill Blane for him, I will do it mapasaakin lamang si Dom. Hindi nagsalita si Dom at basta lamang nagtungo sa banyo, narinig ko ang pagbukas ng shower, he's taking a shower.

Dominic's POV (Roi)

So nalaman pala ni Blane ang kagaguhan ko noon, gusto kong kutusan ang sarili ko, gusto kong iuntog ang ulo ko sa galit nung makita ko ang pagbuhos ng luha ni Blane, wala na akong maisip na gawin para maibsan ang sakit na dinaramdam niya kaya hinapit ko na lang kamay niya at tumalon sa bangin pabagsak sa asul na dagat.

Nainis siya sa akin dahil nabigla daw siya sa ginawa ko pero yun nga ang gusto ko ang mabigla siya at mainis sa akin nang sa ganun mabaling ang atensyun niya.

Nagiging balisa na ang bawat kilos ni Blane. Ang dating masiyahin at maligalig na Blane ngayun mukhang namatayan sa sobrang lungkot at tahimik.

Kasalukuyang nagkakasiyahan ang mga empleyado ko sa beach, puro nakabikini ang mga babae at swimming trunks naman ang mga lalaki, ipinalibot ko ang mata ko sa buong paligid hanap hanap ang pigura ni Blane.

Wala siya dito sa labas kaya napagpasiyahan kong pumasok sa villa at hanapin doon si Blane, alam ko ang bawat pasikot sikot sa villa kasi nga pag-aari ko to.

I found her crying in the kitchen, she was washing the dishes kaya nakatalikod siya but I still hear her sobs. Lumapit ako sa kaniya at kumapit sa magkabila niyang braso. Hindi ko na talaga kayang marinig ang iyak niya kasi parang anumang oras babagsak ako, I really want to change the past baka hanggang ngayon masaya pa siya, baka ngayon ok pa kami.

Nakita kong tumaas ang magkabilang kamay niya papunta sa mukha niya, pinahid niya ang luha niya bago harapin ako.

"Oh Roi bakit nandito ka? akala ko lumabas ka" sabi niya habang pilit na ngumingiti, fvck bakit mo tinatago ang sakit mo Blane? why didn't you slap me? why didn't you punch me then?

"Bakit hindi ka magpakasaya? kalimutan mo ang problema Blane" sabi ko, kumapit ako muli sa kaniyang braso.

"Hindi ko kaya Roi, ang sakit sa puso eh para akong nawalan, I want this pain to go away *hik* *hik*" she was sobbing at bakas sa kaniyang mga mata ang kanina pang pag-iyak.

"I-I'm sorry Blane" Napayuko ako nang unti unti nang nagsilabasan ang luha ko, gusto kong aminin sa kaniya na ako to, ako si Dom at gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko.

"Ba't ka nagsosorry Roi? at ayan na naman ang tawag mo sa akin, naaalala ko tuloy si Dom" malungkot na sambit nito.

Tiningala ko ang magandang mukha ni Blane at kitang kita ko pagkasalubong ng kaniyang kilay. Basta ko na lamang siya niyakap ng mahigpit at bumulong sa kaniyang tenga.

"It-It's me, It is I, I am Dominic...and I'm so sorry, I love you so much Blane" sabi ko rito.

"What are you saying? Roi?" ang huling tanong na narinig ko mula sa bibig ni Blane nang makita ko na lang ang pag-ikot ng paligid...Nagising na lamang ako sa condo na binili ko, habol habol ang aking hininga.

'Ba't ganun? nasaan si Blane?' tanong ko sa isipan ko.

'Bumalik ka sa nakaraan para makita lang ang dating asawa mo hindi ang baguhin ang nakaraan' rinig kong bulong sa akin ng isang boses, batid kong yun ang mahiwagang fairy sa kagubatan.

"Hindi hindi! binabawi ko yun gusto kong baguhin ang nakaraan ko! hayaan mong baguhin ko ang sarili ko ang nakaraan ko!" sigaw ko pero wala na akong ibang narinig na boses.

Hindi ko na namalayan ang pag-agos ng aking luha sa aking pisnge.

"Please I miss her and I regret hurting her I regret it" bulong ko sa sarili ko.

A/N: Tnx for reading.❤

Live without me (Baltimore clan #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon