Chapter 12

72 8 0
                                    

Napag desisyunanan kung tumira sa tabi ng apartment na tinutuluyan ni Roiland .Umayaw man si ate sa desisyun ko hinde ako nag Patinag dahil desidido akong makilala si roiland,

Kaya agad Kung tinawagan Yung Katiwala ng apartment namin na e reserve na sakin ang Isang bakanteng unit. Sa pamamagitan ng pag Tira ko sa tabi ng apartment ni roi, Ito na Yung pag Kaka taon na magkakilala kami. Pero dahil sa kasungitan ni Roiland tingin ko ang hirap niyang lapitan  para magpa kilala.. Kaya nag isip ako ng paraan Kung Papaano ba kami magkaka pag usap?

Hiniram ko ang masterkey sa landlord namin, nagkunwari nalang akong gusto Kung tingnan Yung master key, buti na ngalang naniwala ang matanda sa kalokohan Kung dahilan..

Siniguro ko muna na walang tao sa labas bago ako pumasok sa apartment ni Roiland... Nang Naka pasok naku sa loob.. Pinalitan ko ng sirang fuse ang kanyang breaker.. Alam Kung puputok ang kanyang breaker dahil sa ginawa ko at pag nagkataon hi hingi ng tulong si Roi at siempre lalabas ako sa apartment ko Para tulungan siya..

At nangyari nga ang lahat ng plinano ko, Ang Saya dahil sa wakas nagka usap narin kami, Hinde parin maalis Sa boses ni Roi ang pagiging masungit niya pero OK Lang sakin yun, Ang Mahalaga mag kakilala na kami, Ang pinag tatakahan kolang bakit Kaya hinde niya ako matandaan na ako Yung bini p niya sa loob ng clinic ni dra Chua.

Pasalamat nga rin ako kay ate dahil sa kanya napilitan na magpanggap kami ni Roiland na mag partner, Pagkamalan ba naman kami ni ate na mag jowa? Sino ba naman ang hinde matutuwa non ..kahit sa pagpapanggap man Lang eh panandalian ko siyang naging boyfriend

Pero Sana hinde pagpapanggap Lang, Sana tinutoo nalang pero parang ang hirap mangyari. Pakiramdam ko napaka manhid niya, Sinubukan Kung ipinaramdam na  gusto ko siya, Ngunit manhid  talaga. Hanggang sa nakuntento nalang ako na makita ko siya araw araw at makasama sa iisang bubung dahil naniniwala naman ako na darating din ang panahon na mapapasakin din siya..

.Pero nakakalungkot dahil heto ako Ngayun pabalik naku sa bahay namin.. Nag wakas na ang pagpapanggap namin dahil si roiland na mismo ang umayaw na..

Maybe we are not meant to be.. Ako Lang siguro ang nag assume na magiging kami.. I think roiland is a straight guy.. Kaya hinde niya nararamdan na gusto ko siya..

Anyway Im going to u.s. narin naman in 2 months.. Baka during my operation sa heart ko eh mawala narin ang pagmamahal ko Kay roiland..

Gabi na Nang dumating ako sa bahay.. Agad akong sinalubong ni ate sa main door ng bahay namin

"Welcome back Erick" sambit ni ateh, sabay niyakap niya ako. " Its ok.." Bulong niya sakin

Tipid akong Ngumiti sa harap ni ate..

"Halika, Naka ready na Yung kuarto mo"..

.... 1 1/2 months After...

Nasa cafeteria ako nang ospital Nang biglang tumunog ang cellphone ko.. Video call... Si mama ang tumatawag.

" Hi nay. Kamusta kayo?"

"Oh anak mabuti naman kami... Eh ikaw kamusta kana diyan?"

"Ayos Lang ako nay, nga Pala nay bukas naku mag papadala sa inyo huh"

" Anak Sabi ko naman sayo, Ayos Lang kami dito eh kahit Papaano kumikita naman kami sa pag aani ng Palay at mais, ipunin mo yang Pera MO sa pag a apply mo sa abroad, kamusta na nga Pala pag a apply mo?".

"Nag submit naku nay ng application papuntang Saudi, Sana nga ma tawagan ako for interview"

"Eh anak Ayos kalang ba? Mukhang pumayat ka? My problema kaba?"

Napalunok ako ng laway sa tinanong sakin ni nanay..

Ayos nga Lang ba talaga ako?.. Hinde Kongarin maiintindihan ang sarile ko.. Bakit simula ng umalis na si Erick sa bahay parang nakaramdam ako ng lungkot, sa tuwing umuuwi ako sa bahay Tila nakakabingi ang katahimikan, Samantalang Nong nasa bahay Pa si Erick, Napaka ingay sa loob ng bahay.. Wala na Yung lalakeng hilig Mang asar sakin.. Dapat nga eka tuwa  ko yun dahil wala na siya sa bahay Ngayun, Yun Naman ang gusto Kung mangyari  noon pa na umalis na siya, Ayoko Na kasi ng sakyan ang kalokohan niyang pagpapanggap bilang mag boyfriend sa harap ng ate niya,

Pero Ngayun parang nabaliktad Ata ang nangyari, dahil ramdam ko ang lungkot, ayoko man umamin pero parang ang dahilan Ata eh  yung pag  alis  ni erick sa bahay.

Simula Nang umalis na siya sa bahay hinde kona siya nakita, Isang buwan at kalahati narin ang lumipas pero parang hinde pa ako masyado nakaka move on Hanggang Ngayun..ewan ko Ano bang nangyayari sakin...

"Ahhh nay sige na po, balik napo ako sa duty, tawag nalang po ako sa inyo bukas"...

Mas mainam pang binaba kona ang video call bago pa mag usisa si nanay...

... ERICK...

Nasa balconahe ako Nang lumapit sakin si manang yolly..

"Sir nasa labas po si Sir Jethro"

"Papasukin mo nalang manang"

Few minutes later, nasa harap kona si jeth, Naka t shirt Lang ito at walking short..

"Nag mumuk muk ka na naman dto?"

Hinalikan niya ako sa pisngi.. Sabay abot ng box ng Tiramisu cake

"For you" Sabi niya sakin

Ngumiti ako " Thank you, bat nag dala kapa nito, hinde pa nga nauubos Yung fruit cake na dala mo Nong isang araw"

"it's ok baby" Naka ngiting Sabi niya

Nong bumalik na ako dito sa bahay, Isang linggo palang pumunta na  agad dito si jetth, hinde ko Alam Kung paano niya natunugan na bumalik na ako dito.. Nong first day niyang pumunta dito hnde naman siya nag usisa ang tungkol kay roiland ni pangalan niya  hinde niya binanggit, Na kahit Papaano  ipinag pa salamat ko Kay jetthro

Nang muli Kung makita so jeth, normal na ang naramdaman ko sa kanya, wala na Yung galit gaya ng dati, At higit sa lahat wala na Yung pagmamahal ko sa kanya.. Normal feelings nalang ang pakikitungo ko sa dati Kung boyfriend..

Ngayun Alam Kung sinusubukan niyang ligawan ako pero parang hinde kona nakikita ang sarile ko na muli ko siyang mahalin..

"Nga Pala, nalalapit na ang alis mo papuntang u.s"

Naupo siya sa harap ko.

"3 Months pa" Sabi ko, habang nakatingin lang ako sa mga orchid na malapit sa kina uupuan ko

Ngumiti si jeth " Alam mo, I have a surprise for you... Nag leave ako sa work at sasama ako sayo sa u. S."

"jeth, hinde mo naman ako kailangan samahan sa u.s dahil andon naman si mommy at saka hinde na bago ang u. S sakin, Naka Ilang balik naku Don"

Hinawakan ni jeth ang kamay ko.. "Babe gusto ko nasa tabi mo ako, during your bypass surgery"

Tipid ako ngumiti kay jeth " thank you"...

Bypass Surgery... Yes that's true. Ito ang reason Kung bakit ako pupunta ako ng America for my surgery.. Nakaka lungkot isipin at tanggapin, ayaw ko man sabihin pero maliit ang chance Kung Maka survive, Kaya ito ang dahilan Kung bakit ayaw ni mommy na lalabas ako NG bahay na wala akong kasamang private nurse or si ate dahil anytime baka atakihin naku at hinde ako Madala sa ospital

Ito rin ang dahilan Kung bakit takot na takot si ate Nong lumipat ako ng apartment sa tabi ni Roiland. Dahil ako Lang mag Isa, Kaya Nong pinagkamalan kami ni Roiland ni ate na mag jowa kami pinilit ako ni ate na lumipat nalang sa apartment ni Roi para kahit Papaano may kasama ako at kampanti si ate dahil isang nurse si roiland.

"Let's have a lunch sa labas" pag Yaya sakin ni Andrew

"Okey, magpapalit Lang ako"...

Never Gonna Say Goodbye  1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon