Chapter 17

56 6 1
                                    


4 YEARS AFTER...

OMG Tanaw kona sa ibaba ang bansang pilipinas sa sinasakyan Kung eroplano.. Ilang minuto nalang at sa wakas balik Pinas naku.. Nakaka excite naman na uuwi ako sa bansang pinanggalingan ko, apat na taon na walang uwian at ginugul ko sa Saudi..

Ano Kaya ang buhay ang nag hihintay sakin Ngayun, Lalo na at hinde naku babalik ng Saudi.. Na pag desisyunan ko kasing mag for good na at mag Tayo nalang ng piggery sa probensiya namin.

3:45 Afternoon Lumapag ang Boeng 777 Etihad Airline sa Naia terminal 3. Halos hinde magka undagaga ang mga pasahero na Maka labas na sa eroplano.. Naiintindihan ko naman sila dahil kahit ako din naman excited Nang Maka labas, eh Kung pede nga Lang sa bintana ako dumaan ginawa kona.

Past five Nang hapon na ako Naka labas ng airport dahil ang Haba ng pila sa immigration...

Nagpalinga linga ako, dahil sa dami ng sumusundo halos hinde ko makita si Andrew... Hanggang sa meroong kumakaway sakin na my dalang panyung pula... Agad ko naman na kilala si Andrew Kaya tulak tulak Ko ang aking trolley na lumapit sa kanya...

Agad ko siyang yinakap...

"Andrewwww"...sabi ko, sabay yakap

Nang kumawala na ako nang yakap, tinitigan  ko si Andrew , mas Lalo Atang gumwapo ito at medyo lumaki narin ang mga braso.. Sabi nga nang mga kakilala Kung beki sa Saudi.. Papabulls..

"Kamusta?". Walang mapagsidlan ang tuwa ko talaga na nasa harapan ko si Andrew ngayun

"Heto mabuti naman, eh ikaw amoy Arabo kana ah.." pag bibiro niya

"Uy hinde naman pinoy na pinoy parin to".. Bigla akong natigil Nang bigla Kung may naalala.

" Sandali Lang, nasan siya kasama mo ba siya?"  Naka ngiting Tanong ko

" Ahhh, ito siya" Naka ngiting hinarap ni Andrew ang Isang lalakeng kasama niya

Tingin ko Mas matangkad ito kay Andrew, at tisuyin.. Ang puti at ang kainis ng balat..

"Hi, ikaw ba si Larry?"  Tanong ko..

Mukhang mahiyain dahil parang hinde Maka tingin sakin ng deretcho  na ikina halata ni Andrew

"Hon siya Yung kinukwento ko sayo si Roiland, best friend ko"

Tumingin ako kay Andrew sabay ngumiti...

Sa wakas na tanggap narin ni Andrew na hinde talaga kami para sa isat Isa. Kasi kahit anong pilit ko talaga, talagang hinde ko siya magawang mahalin as a boyfriend.. Sabi ko nga sa kanya, Mas ma inam pang maging mag best of friend kami at least hindeng hinde kami mag hihiwalay eh kung maging kami my possibility na mag hiwalay kami at sa pag hihiwalay na namin baka hinde na pedeng maibalik bilang mag kaibigan.. At Mas masarap si Andrew bilang kaibigan kaysa maging boyfriend siguro...

Masaya ako Para sa kaibigan ko na sa wakas nakahanap narin Nang lalakeng mamahalin niya at mamahalin siya.. Natawa pa nga ako dahil Nong ikaw tatlong taon kona sa Saudi nag PA Alam pa ito na Kung pwede daw manligaw daw siya  na nang iba... Dahil Yung guy na nakilala niya sa isang department store Mukhang na develop daw siya..

Nang sinabi niya yun sakin, natuwa ako Para sa kanya... At Ngayun more than one year na sila ni Larry..

"HI nice to meet you" sambit niya sakin

"Nice to meet you din.. Wag Kang mahihiya sakin dahil yang boyfriend mo walang hiya yan"... Pag bibiro ko, Natawa naman siya na ikinatawa din namin ni Andrew    " O Ano, asan na Yung kotse nyo,?.."

"Sandali Lang po kunin kolang Yung kotse Naka parada kasi sa parking"

Tumango nalang ako sabay ngiti... Pagka alis niya binalingan ko si Andrew

Never Gonna Say Goodbye  1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon