1 Week After...
Mahigit isang linggo na pala ako dito sa probensiya buhat nang dumating ako galing Saudi.. Kahit Papaano nakaka pag adjust narin ako..
At sa isang linggong pamamalagi ko dito, ma sasabi ko narin naman medyo may closeness na samin ni joros..Unti Unti ko narin siyang nakikilala.. Mabait naman siya, laging katulong ni tatay sa mga gawain sa bukid.. Hinde ko nga Alam bakit niya ginagawa yan ang pagsasaka tapos ang pag iigib ng tubig dito sa bahay.. Kaso medyo pilyo Lang palibhasa kasi bagets pa.. Kaya iniintindi konalang
Tama nga sinasabi nila nanay at tatay halos dito na tumira itong si joros sa bahay.Umaga palang andidito na sa bahay.. Gaya Ngayun nakahiga Paku, halos dinig ko ang boses niya mula dito sa tinutulugan ko..
Bumangon naku, at nagpalit ako ng short at sandong puti..
Pagka deretcho ko sa kusina.. Aba meroong nakahaing almusal.." Gising kana pala,.. Sinilip Kita kanina sa kuarto mo kaso tulog kapa eh Kaya hinde muna Kita ginising"... Sabi ni joros...
Kunot noo akong humarap sa kanya, sabay na upo na..
" Oo nga eh, ikaw na itong alarm clock ko, dahil sa lakas ng boses mo sa labas.." Pag bibiro ko sa kanya..
" Ito naman.. Nga Pala.. Ako nag handa niyang almusal para sayo"
Napapa ngiti naman ako nitong lalake na ito..
" Asos... Ikaw nag prepare nito?.. Hmmmm Mukhang ma sarap naman". Pag bibiro ko...
" Talagang ma sarap yan" sagot naman niya, sabay na upo sa harap ko " Pati Yung nag luto niyan ma sarap din"
Natawa ako na hinde sinasadya... Talagang my pagka mahingin din itong joros na ito..
" Yung confidence level mo din ang taas noh?" natatawang Sabi ko...
Hinde inalis ni joros ang pgkaka tingin niya sakin na agad ko Namang napansin..
" Oh bakit pikon ka?" pang aasar ko sa kanya
" Bakit hinde ba ako gwapo sa paningin mo?" Tila nahihiya pa siyang mag Tanong..
Biglang nag salubong ang kilay ko sa tanong niya
" Tumigil ka nga, bat ka nag tatanong ng ganyan?" inis Kung Sabi..
Ngumiti Lang siya..".. Ahh mamaya pala, inom tayo, Sama natin si tito Simeon " bigla niyang iniba ang usapan...
" Bakit anong Meroon?"
"Birth day niya Ngayun anak"
Napalingon naman ako sa pintoan.. Si nanay pala
" Talaga, birth day mo Ngayun?"
Tumango tango si joros sabay ngisi.. " Oo birth day ko Ngayun, Kaya mamaya inom tayo, tapos kunting handaan"..
BINABASA MO ANG
Never Gonna Say Goodbye 1
RomanceTagos ang galit ni Roiland kay Erick Nang muntikan na siyang masagasaan nito. Ang inaakala ni Roiland ay hinde na mag crocross ang landas Nila Nang Erick na ito ay nagkaka mali siya dahil kinalaunan ay naging mag kapit bahay Pala sila nito and the w...