=2= First Encounter

15 0 0
                                    

*DugdugDugdug*

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko dahilan ng kaba.

"Hahahaha!" hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Baliw ata to halos 3min. na siyang ganyan, move on din pag may time.

Hindi ko alam kung dapat ba kong mainis kasi alam ko namang ako ang pinagtatawanan niya o kaya kung dapat ba kong matakot at baka may kung anong gawin to sakin na masama.

Tumingin ako sa paligid pero hindi ko siya makita. Waaaah! kinakabahan na talaga ko. Tatakbo na sana ko pabalik samin pero pagtalikod ko bigla na lang lumitaw sa harapan ko ang isang lalaki. Nakayuko siya sakin kasi mas matangkad siya and.... Omg! Ang lapit ng mukha niya sakin halos ramdam ko na ang paghinga niya. Napatitig ako sa kanya chinito, pula yung mata niya nakacontact lens siguro, matangos ang ilong, red lips ang  sarap ikiss. Ohmygod! Ano ba tong iniisip ko? Erase eraaaaassssse. Nakatitig pa din siya sakin na para bang manghang mangha siya. Feeling ko nagblush ako kaya napayuko ako.

"Isa, dalawa, tatlo............anim."

"Anong binibilang mo?" nagtataka niyang tanong.

"Yung abs mo....Ay! ano hindi..ano...binibilang ko yung ano...ah..yung...yung daliri ko." waaaah! Kill me now! Nakakahiya bat ba kasi half naked to hindi ba siya nilalamig? *insert kalandian thoughts here*  Charlotte behaaaave!!!

"Bakit mo binibilang?" tinignan ko siya, nakatingin siya sakin na parang takang taka.

"Wala. Teka, sino ka ba at bakit ka nandito?"

"Ako nga pala si Clyde Flow, nandito ako kasi dito ako nakatira. Ikaw sino ka at bakit ka din nandito?"

"I'm Charlotte Scarlet but you can call me Red." mukha naman siyang harmless kaya sinabi ko na yung pangalan ko.

"Ang haba naman ng pangalan mo Aymsharlotbatyukenkolmired." mangha niyang sabi.

Tinignan ko siya ng masama. "Wala akong oras makipagbiruan sayo."

"Pero hindi naman ako nagbibiro Aymsharlotbatyukenkolmired." 

"I don't have time to joke around with you. You're pissing me off!" irita kong sabi sa kanya.

Tinignan niya ko na tila hindi naintindihan ang sinabi ko. "Ipagpaumanhin mo pero hindi ko maintindihan ang sinalita mo."

"Seriously? So hindi ka nakakaintindi ng english?"

Tumango siya na parang bata. Arrrgh bat ang cute niya? Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya medyo kumalma na ko.

"Charlotte Scarlet ang pangalan ko pero pwede mo kong tawaging 'Red'."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE WOLF THAT FELL IN LOVE WITH RED RIDING HOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon