Akira's Pov:
Bigla nalang akong napabangon sa pag-kakatulog nang bigla nalang sumakit yung ulo ko. Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa matinding sakit nito.
Nag-tataka naman akong napatingin sa harap ko nang makitang may mga taong nag sisi-iyakan sa harapan ko lalong lalo na yung dalawang mag-asawa na may korona sa kanilang ulo.
Ano ba ang nang-yayari? And where the hell am I? Sa pag-kakatanda ko ay namatay na ako dahil pag-kakabangga ko ng truck?
Napatingin naman ako sa hinihigaan ko at bigla nalang lumaki ang mata ko sa gulat nang makitang nasa kabaong ako nakahiga.
The f*ck! Ako ba ang pinag-lalamayan nang mga taong toh? Pero hindi ko naman sila kilala para pag-lamayan at iyakan ako sa araw ng libing ko?
At ang mas nakakapag-taka lang ay bakit buhay pa ako?
"Who are you people?" maotoridad kong tanong sa mga taong nag dadalamhati pa dahil sa pag-kamatay ko. At hindi sa pag a-assume pero Alam kong ako ang iniiyakan nila dahil ako lang naman ang nag-iisang nakahiga dito sa kabaong.
Napatingin namang lahat sila sakin at nag singhapan dahil sa matinding gulat ay napatayo pa sila nang makita akong buhay at humihinga. Ang dalawang mag-asawa naman ay napahagulgol nalang nang makita ako at dali-daling kumalas sa pag-kayakap sa asawa niya yung babaeng naka korona at nabigla ako dahil sa sunod na ginawa niya nang pumunta ito sa harapan ko at niyakap ako nito nang mahigpit.
"A-alisha, ang anak ko... A-akala ko a-ay i-iwan mo na k-kami n-nang d-daddy m-mo. Nag-papasalamat ako sa diyos at diyosa at nabuhay kang muli..." humihikbi nitong saad habang yakap-yakap ako nito nang mahigpit.
Pumunta rin ang lalaking naka korona na asawa nang babae at saka niyakap rin ako nito nang mahigpit.
Hindi ko alam kung anong nang-yayari. Naguguluhan ako. Ba't ako tinatawag nang babaeng ito na anak? And Alisha? Is that the name of their daughter? Pero bakit ako ang tinatawag nilang anak kung hindi naman Alisha yung pangalan ko?
Bigla naman akong napatingin sa lalaking may korona nang biglang mag-salita ito.
"Alisha anak, okay kana ba? May masakit ba sayo?" Sunod sunod nitong tanong na ikinagulat ko pero hindi ko pinahalata.
"I'm fine. But who are you? And why are you calling me your daughter?" Taka kong tanong sa kanilang dalawa.
Mukha naman silang hindi makapaniwalang napatingin sakin at nakita ko pa ang mata nung babae na pinipigilan nitong umagos yung luha niya nang dahil sa tanong ko. Hindi ko alam pero bigla nalang kumirot yung puso ko nang makita ang lungkot sa mata nung babae kaya napaiwas nalang ako nang tingin dito dahil sa hindi malamang dahilan ay parang nag-guilty ako.
"H-hindi mo kami maalala?" tanong nang asawa nang babae na ikinatango ko lang dito bilang sagot.
"Kami ang iyong mga magulang. At Princess Alisha Akira Kirisaki ang iyong ngalan." Sagot nito na ikinalaki bigla nang mata ko sa gulat.
The hell! Princess Alisha Akira Kirisaki? Ba't kapangalan ko siya sa second name nang Alishang ito? At ka apilido ko rin? What in the world is happening here!?
"Can you give me a mirror?" kumuha naman sila nang isang salamin at kinuha ko naman ito at itinapat sa mukha ko.
Ganun nalang ang pag-kagulat ko nang makita ang mukha ko. Ako parin naman yung nasa salamin pero ang ikinagugulat ko ay dahil hindi ang 22 years old na mukha ko yung nasa salamin kundi yung 16 years old kong mukha dati.
Doon ko nang napag tagpi-tagpi ang lahat nang impormasyon na nalaman ko.
Kaya pala kanina pa ako tinatawag na anak nang mag-asawang ito at tinatawag na Alisha.
YOU ARE READING
I Got Reincarnated Into a Princess (On Hiatus For Now)
RandomThis is the story of a woman who got accident and reincarnated into the body of a b*tch princess.