Akira's Pov:
Nagising nalang ako nang dahil sa katok na nag-mumula sa aking pinto. Kaya napabangon naman ako saking pag-kakahiga at sinabihan ang taong nasa labas na pumasok kaya agad naman nitong sinunod ang utos ko.
Nang buksan na nito ang pinto ay nakita ko naman si Angelica ang bago kong personal maid.
Nalaman na kasi nang magulang ko ang nang-yari kagabi kaya ayun pinadalhan ulit ako nito nang bagong maid. Pero wag raw akong mag-alala dahil bata pa man si Angelica kuno ay dito na ito nag-tatrabaho kaya makakaasa ako na makakapag-katiwalaan ko raw ito at hinding hindi ito mag-tatraydor sakin.
Kaya kahit napipilitan man ay sumangayon nalang ako sa sinabi nina mom at dad.
At mukhang mapag-kakatiwalaan naman talaga ito dahil halata mo talaga na hindi ito plastic at mabuti yung puso niya hindi kagaya nang Ella na yun na mapag-hahalataan talaga na may tinatago itong baho.
Sa una palang ay alam ko nang plastic ito pero hindi ko na lang yun pinansin kasi ang akala ko ay kaya ito ganun ay dahil sa pag-mamaltrato sa kaniya ni Alisha I mean ako pala. Pero may tinatago pa pala itong sikreto at yun ay ang isa itong spy at assassin rin at ako ang target niya.
Ang sabi naman nina mom and dad na isa raw ito sa mga alagad nang Hari ng Dark Kingdom at mukhang ito rin ang nag-utos sa babaeng yun na ipapatay ako...
"Mahal na Prinsesa, maligo na raw po kayo at mag-ayos nang sarili dahil nag-hihintay na sa hapag-kainan ang inyong ama at Ina upang makasabay kayo sa pag-kain." pahayag ni Angelica sakin na ikanatango ko naman rito bilang tugon.
Tumayo na ako at mag-lalakad na sana papuntang banyo para maligo pero bigla nalang akong napatigil nang maramdaman si Angelica ay nakasunod sakin. Nang lingunin ko ito ay nag-tataka naman itong napatingin sakin na parang pinapahiwatig sakin na kung bakit ako tumigil.
Pero tinaasan ko lang ito nang kilay at saka inirapan.
"What do you think you are doing?" Tanong ko rito sa malamig na tono.
Medyo nagulat ako nang konti na imbes na matakot ito sakin dahil sa lamig nang boses ko ay ngumiti lang ito sakin pa balik at sinabi ang katagang...
"Sasamahan kayo sa banyo para paliguan kayo." Nakangiti nitong sagot sakin na ikinalaki naman nang mata ko dahil sa gulat.
Ehh? Ano raw? Tama ba yung naririnig ko? Papaliguan? Ako?
"WHAT THE HELL!" napangiwi naman ito nang dahil sa pag-mumura at pag-sigaw ko sa harapan niya.
Ehh pano naman ako hindi mag-rereact nang ganon kung hindi lang dahil sa sinabi nang pervert na maid na ito. Tomboy ba toh? Kung ganon man, ay puwes hindi kami talo kaya no way in hell na pupunta ako sa banyo na kasama siya.
Naiimagine ko lang kapag nasa banyo na kami ay nadidiri na ako. Kaya napatakip nalang ako nang dibdib ko habang tinitigan ko siya nang mapang-husgang mata.
Nag-tataka naman itong napatingin sakin at nang ma realize nito kung bakit ako nakahawak sa dibdib ay bigla nalang itong na patawa nang malakas na ikinataka ko naman.
"PFFT! HAHAHAHA!"
=____=
"Are you done?"
"T-TEKA L-LANG PFFT! WAHAHAHA! A-ANG S-SAGWA M-M-MONG PFFT! M-MAG-ISP P-P-PRINCESS PFFT! WAHAHAHAHA!" Tawa pa rin nitong tawa na ikinainis ko naman bigla.
"Shut up!" inis kong sabi rito kaya napatigil rin naman ito pero nag-pipigil parin ito nang tawa.
Pero hindi ko nalang yun pinansin pa at padabog lang ako na pumunta sa banyo at sinarado ang pinto at ni-lock ito para hindi makapasok ang bruhang Angelica na yun.
YOU ARE READING
I Got Reincarnated Into a Princess (On Hiatus For Now)
De TodoThis is the story of a woman who got accident and reincarnated into the body of a b*tch princess.