Chapter 5

113 8 1
                                    

Sofia's Pov:

Hi guys, Alam kong kilala niyo na kung sino ako pero mag-papakilala akong muli sainyo. My name is Sofia Aquarius and I'm the Princess of the Water Kingdom.

So nasan na ba tayo?

Nandito kami ngayon sa Hm office at kanina pa nakatingin kay Princess Alisha na mukhang totoong walang memoriya dahil ni minsan ay hindi ito tumingin man lang sa mukha ni Prince Nathan.

Simula rin nung pag-kawalan nang memoriya nito ay ang pag-babago rin nang ugali nito. Kung maarte ito dati ay ngayon naman ay wala ka ni kahit anong emosyon na makikita rito at sobrang cold na rin nito kung mag-salita.

Noong unang pag-bisita namin kay Princess Alisha ay ang akala namin ay nag-papanggap lang ito na walang maalala at wala na ring nararamdaman para kay Nathan pero sa pag-kakataong yun nang tinanong ito nang kaniyang mga magulang kung sino ang gusto nitong pakasalan, ay doon narin akong nag-doubt nang tumingin ito kay Kaizer.

I have this ability to feel the person if she/he was really telling the truth or not.

I secretly used my ability that time. And I am really shocked that she was really telling the truth.

Hindi ko ito nasabi sa mga kaibigan ko dahil sa pag-kabigla at baka ay ayaw pa nila akong paniwalaan kaya pinatili ko nalang na nakatikom ang bibig ko.

Heto kami ngayong lahat maliban kay Kaizer na nakayuko parin, na nakatingin kay Alisha na nakakunot na ngayon ang noo pag-katapos mag-pakilala ni Kaizer. Sa aming lahat na mag-kakaibigan ay ako ang pinaka-expert pag-dating sa pag-basa nang emosyon.

At sa nakikita ko ngayon sa mukha ni Alisha ay mukhang nag-pipigil ito na yakapin si Kaizer.

Kanina pa ako rito nag-pipigil nang tawa dahil sa itsura ng mukha nito. Habang ang mga kasama ko naman ay mukhang wala talagang alam sa nang-yayari ngayon kay Alisha.

Mukhang napansin ni Ashton yung pag-pipigil ko nang tawa dahil napalingon ito sa gawi ko at nakakunot na ang noo nang makita nito ang itsura ko.

"Ba't ka natatawa?" tanong nito na ikinahagikhik ko naman at pa simpleng binulongan siya sa kung bakit ako natatawa.

'I know why Princess Alisha was making that face. Hihi." kinikilig kong bulong rito.

Wag kayong ano kinikilig kasi ako sa kanilang dalawa ehh. I really ship them!

'Why?' curious nitong bulong sakin.

'Pinipigilan niya ang sarili na yakapin si Kaizer.'

Lumaki naman ang dalawang Mata nito nang marinig ang binulong ko.

Hindi ko alam na narinig pala itong lahat nang mga kaibigan ko maliban kay Kaizer na kunot ang noo nitong napatingin samin. Nalaman ko nalang ito nang bigla nalang silang napasinghap at gulat na napatingin sakin at mukhang pati rin si Prince Nathan ay narinig ang binulong ko dahil mukhang nag-bago ang mood nito at napalitan ito nang dark aura.

Si Alisha naman ay mukhang wala parin sa katinuan dahil ni hindi man lang nito naramdaman ang pag bagsak nang temperatura rito sa loob.

Si Head mistress? Ayun nanonood lang at mukhang enjoy na enjoy pa ito  sa kapapanood samin dahil ni hindi man lang nito pinag sabihan si Prince Nathan tungkol sa pag-gamit nito nang kapangyarihan.

I Got Reincarnated Into a Princess (On Hiatus For Now) Where stories live. Discover now