Callixa's POV
'I can't predict, but I can read.' motto ko 'yan na kailangan kong dalhin kahit saan. Kasi kong hindi ko tatandaan iyan ma-bubudol-budol ako.
Katulad nito,
"Ate, palimos po, pangkain lang." talaga lang a, "Ate sige na po, gutom na po ako—."
"Sorry be ah, may pera ako, pero hindi ako namimigay sa mga katulad niyo."
Oh, diba? Ang mean ko—ha! 'kala niyo lang 'yun.
"Ate parang awa mo na, may lola po kaming lumpo—."
"Ah,"
"Ate..." paawang tawag niya habang nakanguso. Napatingala nalamang ako sa langit dahil sa pagtitimpi. Hindi ko na talaga alam kung sumpa 'eto o biyaya. "Ate—."
Tinignan ko siya ng may nanlalaking mga mata. "Tigilan mo ako! Wag mo akong utuin ha, alam ko namang pang-rugby mo lang yan at wala ka talagang lumpong lola! Tch!" sabay talikod sa batang iyon. Naglakad na ako palayo sa kan'ya at nakita ko naman ang ibang taong nakatingin sa amin.
Sige lang, husgahan niyo lang ako...
Kahit hindi ko nakita kung saan papunta ang jeep na iyon ay pinara ko nalamang. Padabog akong sumakay at umupo, dahilan upang pagtinginan ako ng mga pasaherong may mapanghusgang mga mata.
'Baliw ba 'to?'
'Grabe, kababaeng tao...'
'WOW! Ganda ni ate! Muntanga ngalang,'
Pasadahan ko lang sila ng tingin alam na alam ko na agad mga nasa utak nila. Bakit ba gan'to mga tao sa mundo? Grabe...
"BAYAD PO," abot ko ng bayad, pero wala kaagad na umabot. "Kuuuuyaaaa, pakisuyo naman." malumanay na sabi ko, sinamahan ko pa ng isang plastik na ngiti.
Napairap nalang ako ng mag-alinlangan pa siyang abutin iyon. "Sa Greenhills subdivision lang manong."
"Miss, pa bayan ang nasakyan mo—."
"Ay oo!" acting ko, "Sa bayan nga po." napakamot ako ng ulo sa kasaklapan ng araw ko ngayon.
'Tanga,'
'LT talaga!'
Ylona's POV
Pesti! Bakit ba parang dinadaya ako? Lagi nalang akong talo kapag sila ang nakakalaban ko, kara krus na ngalang talo pa—BWESIT!
Sayang isang-daan!
Inis akong napakamot ng ulo ko bago lumiko sa isang eskinita. Kanina pa akong umaga na nasa lansangan, hindi ko na alam kung ano ng nangyayari sa may bahay. Basta, bahala na.
"TUMABI!" pagpapa-alis ko sa mga adik na bigla nalang humarang sa akin.
"Haha... Si Ylona, talo na naman siguro, sabi ko naman kasi sayo akin ka nalang, hindi ka pa malulugi—"
"ULUL!" tiim ang bagang akong sinubukang dumaan sa kaliwa ng isa pero hinarang ako ng gago. "Hindi ka tatabi?" maangas na tanong ko.
"Kiss muna—"
BLAG!
"Ano haharang pa?" napangisi ako ng makitang tumumba ang lalaking sinutok ko sa semento. Agad na umagos ang dugo mula sa panga niya—basag, ang mukha ng gago.
"P-pa'no? Paano m-mo ginawa iyon! Hayop ka Ylona—!"
"Dadaan lang hayop na agad? Aba'y kung hayop ako, anu kayo? E~mpakto?" nang-aasar kong tinignan ang dalawa pang natitira, agad silang napaatras ng makitang ako ay nakatingin sa kanila.
"Hindi na kami lalaban! Daan ka na, E-Ylona hehe..." nanginginig na sabi nung isa.
"Salamat." with matching ngiti na palastek. Naglakad na ako paalis sa kinaroroonan nila, pero bago tuluyang makalayo ay hinarap ko sila sabay sigaw "HOY! PAKYU ALL!" with matching middle finger.
Wag niyo kasing gaguhin ang matagal ng gago... Tch!
Nathalie's POV
Crystal blue or sky blue?
No! I much like that one, the baby blue. Kinuha ko ang baby blue dress then, face the mirror. Like before, I am still pretty. Ha! I love it, I'll choice this one.
"Mommy, let's go na, nakapili na ako."
"Ooh lemme see, lemme see." pinakita ko kay mom and napili ko baby blue dress. "Great choice, honey! Let's go to the counter, we'll buy that."
We're going kasi to the dinner with the who bayun? Ah! Si miss or misis Villamore, I think. But still, I do not care... Yeah, I know, I am mean.
Pagtapos bayaran ni mom ang baby blue dress ko ay lumabas na kami sa shop na iyon, so here we are, at the mall. Parang nawiwiwi ako, yeah, oo nga. "Mom, I'll go the powder room lang ah, just wait for me."
"'K, honey." hinanap ko ang comfort room, hindi naman nagtagal at nakita ko narin. Pumasok ako sa loob then, I saw nothing. Nothing important, just CR. Pumasok ako sa isang cubicle and nagwiwi, but, I heard some noice.
Maybe, nothing...
Nang lumabas ako ng cubicle ay agad akong na-shock ng makita kung ano ang nakita ko—no, no, it's who-someone to be exact. He is a lalaki! God! Ba't may boy dito?!
"Hi, miss, beautiful." then he smirk playfully.
"Keep your presence away from me."
"Miss," then, he stepped forward.
"Huwag kang lalapit." mas madiin ng banta ko.
"Sige na, saglit lang naman—"
"Ha~~HA~~HAAA~~woooooh~wooaho...~~" I sang.
"P-pa'no—"
"Haaa~"
I leave that man, unconscious. Sleeping, paralized, in coma? Oh, I forget—I don't even care, anymore.
A/N: Sorry kung lame.
BINABASA MO ANG
Fire In Water
Science FictionLaw is pleading; Pleading for who they are. Law needs them, for country and for safety. *** Women in one group. Working well with every twist, a twist that is so complicated. Even the maker, can't resist. Genre: Science fiction Created when: Novemb...