Callixa's POV
BAKIT BA hindi nalang nila ako tanggapin? Maganda naman ako, matalino at... May dating. Pero bakit—Eh, bakit ba ako tanong ng tanong? Alam ko naman kung bakit eh.
Diba nga 'I can't predict, but I can read.' kaya alam ko na kung bakit hindi ako tinatanggap kasi insecure sila, takot sila, takot sila na baka mataasan ko pa sila kapag tinanggap nila ako.
Oh, diba? Ironic, imbes na tanggapin ang magagaling—anyare? Binabaliwala. Pagiging Journalist lang naman gusto ko—hindi pala! Mas malala doon, pero dahil mahal ko ang buhay ko, Journalist nalang siguro.
Padabog akong lumabas ng not-so-high network na iyon. Paglabas ko ay agad akong sumakay sa nakahintong taxi. Bubulong-bulong akong napaupo sa upuan sa may likod.
"Manong sa Greenhills subdivision lang."
"Sige po ma'am."
Ano na naman magiging trabaho ko? Assistant ng pinsan ko sa isang Toodler's School? Hay! Kakasawa na du'n e. Hindi naman sa ayaw ko sa mga bata, nakakaloko lang naman mga pinag-iisip nila.
Kinuha ko ang cellphone ko ng maramdaman kong nag-vibrate iyon. One text message from unknown number. Dahil hindi naman si Globe iyon ay inopen ko na. Ganun nalamang ang hindi ko pagkagulat ng may mabasang death-threat.
From: Unknown Number
-Hey, Callixa Avaleer, I know you're reading this, and you know? Your death is near...
Kung ito lang naman ang paunang message ng death threat, bakit ka pa matatakot?
I'd like you to know, that I'm STILL watching you. Alam kong galing ka sa isang T.V network at alam ko rin na sumakay ka sa isang taxi.
Mas malala pa pala ito sa mga batang tinuturuan namin ni pinsan.
So beware, your death? Maybe today, maybe tomorrow? Or, maybe in other day...
Ps. I love your pretty face.
-R. Tianco
Sanaol Tianco. Kamag-anak ba ito ni Mel Tianco? Wag naman, favorite ko kayang news anchor si Mel Tianco, ta's ship ko sila ni Mike. Hehe...
To: Unknown Number
- Salamat sa death threat, you made my day.
Ahm, suggestion ko lang ah, na sana wag namang obvious yung mga stalker ko. Tignan niyo si manong driver, halata.
Ps. Wag niyo muna ako ipapatay ngayon, gusto ko may-thrill.
- Callixa Avaleer
Tignan lang natin. Pero ang totoo, takot akong mamatay, sino ba namang hindi? Mahal ko buhay ko, pati narin mga nakapaligid sa akin. Kaya lang naman hindi ako natatakot—sige sabihin na natin na oo, takot ako, pero konti lang. Hindi ako nagpapalamon sa takot, kasi alam kong kaya ko.
Kaya itong si manong driver na isa sa mga stalker ko. Hinahayaan ko lang, wala pa naman sa plano nilang ipapatay ako. Kita ko—basa pala. Well, nagtataka lang ako na, bakit nila ako gustong ipapatay.
Tatlong beses na'yan. Una sa e-mail ko, pangalawa sa messanger ko at ito yung third. Alam ko rin kung sino yung mga may intensyon, motibo—masama man o hindi sa akin. Tignan ko lang sila, know na dis.
"Miss, ipapasok pa ba?"
"Hindi na HO manong, magshu-shuttle nalang PO ako."
"Sure ka miss? Mas matipid kung ipapasok natin ito, discountan nalang kita—."
"Salamat PO, pero hindi ako tanga." Nang maiabot ko ang bayad ay padabog ako na lumabas ng taxi-ng iyon. Palingon-lingon ako sa taxi habang naglalakad papasok sa gate ng Greenhills. Nang makita kong paalis na ang sasakyang iyon ay nagtuloy-tuloy na ako sa pagpasok.
"Good afternoon, ma'am!" masiglang bati nung guard.
"Lamat." pumunta ako sa waiting shed at nag-abang ng shuttle (sasakyan ng subdivision). Hindi din naman nagtagal at agad akong nakasakay at inihatid pauwi...
Welcome to my House!
Bungalow lang naman ito. As in, sakto lang sa akin, wala ngalang second floor kasi nga, bungalow. Pumasok ako sa loob at binuksan ang ilaw sa may sala. Pabagsak akong humilata sa isang sofa na naroon. Nakakapagod pala kapag wala kang napala...
Papikit na ang mga mata ko ng may nag-doorbell ng sunod-sunod! "Pa-open ng gate!"
Kapag gan'yang makapal ang mukha kilala ko na iyan.
Gisselle Salvador
BINABASA MO ANG
Fire In Water
Научная фантастикаLaw is pleading; Pleading for who they are. Law needs them, for country and for safety. *** Women in one group. Working well with every twist, a twist that is so complicated. Even the maker, can't resist. Genre: Science fiction Created when: Novemb...