TRES---THREE

20 7 0
                                    



DIETHER






"Kuyaaaa!"




Napatakip ako ng tainga dahil sa tili ni Mayen na papalapit sa akin.





Dinamba niya ako ng yakap at muntik na kaming matumba. Mabuti nalang at naibalanse ko din agad ang postura.




Humalakhak naman siya dahil sa nangyaring iyon.




"Kuyaaaaa, bakit ang tagal mo?" Ngayon naman ay nakasimangot na siya.




Ang bilis magbago nang mood niya.




"Kasi nga may work pa si Kuya. Saka eto pasalubong mo oh!" Binigay ko sa kaniya ang isang supot na mansanas.





Galing pa ako sa Coffee shop na pinagta-trabahuan ko. O mas tawag na 'part-time job' since nag-aaral pako. Sa isang linggo, apat ang pinagtatrabahuan kong coffee shop dahil kailangan talaga namin ng pera. Lalo na at ako lang ang inaasahan nila.





Apat kaming magkakapatid. Ang una si Deira Kayne Jones. Siya ang ate ko, ngunit mas nauna lang siya ng dalawang taon. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa isang exclusive school at scholar siya doon. Matalino siya at maganda. Ngunit siya yung pinakamahiyain sa amin.





Sunod sa aming magkakapatid, ako. Grade-11 ako sa isang sikat ding paaralan at scholar din ako.





Sumunod sa akin, si Gyer-hia. Grade-10 siya at kasalukuyang nag-aaral sa katulad kong paaralan. Siya ay nakuha bilang isang captain ng volleyball. Matangkad siya at boyish kung gumalaw.






At ang bunso, si Mariena o kilala bilang tawag na Mayen. Kinder na siya sa isang Catholic church. Siya ay bibo at kung minsan pang- Grade 6 ang isipan.






"Kuyaaaa naman eh! Bakit ka nakatulala sa taas? May ipis ba? Manananggal? Kuyaaaaa!!"





Nabalik ako sa ulirat dahil sa lakas ng boses ni Mayen habang niyuyugyog ako.





Binaba ko siya at pumantay sa kaniya.





"Mayen, ayos lang ba kapag tatawagin mo si Ate Giyer at Ate Deyr?"





Tumango siya sa utos ko at agad na nagtatakbo papunta sa kwarto ng dalawa kong kapatid.






Ilang minuto akong naghintay sa sala at nakatingin sa kalawakan.






Iniisip kung tatanggapin ko ba ang alok ng modelong iyon o hindi.





Iniisip ko din ang sitwasyon dito sa bahay. Parang ang hirap nilang iwanan. Pero malaking offer iyon lalo na at may ibibigay ding sahod si Miss Myer.






Naupo ako sa maliit na sofa at sumandal doon. Muli akong tumingin sa bubong at maya-maya'y yuyuko para guluhin ang buhok.





Naiinis na akoooo!





Hindi ako makapili. Ayokong iwan ang pamilya ko, pero hindi din namin mabibili ang kakailanganin namin kung hindi ko tatanggapin iyon. Hindi din sapat ang pag-part time ko kahit na dodoblehin ko ang oras sa pagtatrabaho.






"DT, nandiyan kana pala." Anang Ate sa maliit na boses.




Naupo siya sa tabi ko na siyang sinundan naman ni Giyer.




LUCIFERIO ACADEMY: THE HIDDEN KEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon