MACEYRELLE MONDRAGON
"Wala kana bang nakalimutan?" Paulit ulit na tanong ni Daddy habang nag aayos ako ng gamit.
Para siyang kiti-kiti dahil kanina pa siya palakad-lakad dito sa kwarto ko. Animo siyang kinakabahan o ano. Mas excited pa kasi siya sa akin.
"Dad, konti lang naman daw ang kukunin na damit, para di hassle sa pagbuhat paakyat ng bundok." Yan namang kataga ang paulit ulit kong sagot sa kaniya.
"Alright. Basta wag ka munang magboyfriend don ah?! Saka isa pa, mag aral kang mabuti don. Wag puro ganda dapat gagamitin mo din yang utak mo." Biro niya.
Tumayo ako at pabiro siyang sinuntok.
"Nakakalimutan mo yatang dean's lister ako nung bata." Saad ko dahilan para matawa siya at kurutin ang ilong ko.
"Dati sanggol kapa lang, ngayon sobrang ganda at tangkad mo na." Ginulo niya ang buhok ko dahilan para muli ko siyang suntukin sa dibdib.
"Basta mag-iingat ka don ha."
Muli niyang paalala kaya tumango tango nalang ako.
"By the way, wait me here may kukunin lang ako."
Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto ko at naiwan naman akong nakatulala sa kawalan.
Magagawa ko bang makapagtapos ng pag aaral? Makakasurvive kaya ako?
Huminga ako ng malalim at saka determinadong ngumiti.
Kaya ko to! Walang Mondragon na mahina at mabilis sumuko. Dahil ang totoong Mondragon, may paninindigan at may determinadong puso.
Hinanda ko ng maayos ang mga gamit na dadalhin ko. Ngumisi ako dahil nandito ang mga damit na dati'y hindi ko masuot-suot dahil sa pagbabawal ni Mommy.
Let the real Mondragon shine. Ilalabas ko na ang tunay na ako. Ayoko nang makipagplastikan sa mga tao. Gusto ko nang ipakita kung ano talaga ako. Kung anong buhay na gusto ko.
Sana nga lang ay hindi ako masipa palabas ng paaralan kung gagawa ako nang kahit konting kagaguhan lang.
Hays. Ansarap pala talaga sa feeling kapag malaya ka na. Kapag nagagawa mo na lahat ng gusto mo. Kapag nasayo na mismo ang limitasyon mo. Wala nang mangingialam sa mga desisyon mo at mas lalong wala ka nang pakialam kung anong sabihin nila sayo.
Isang medyo kalakihan na bag ang dadalhin ko sa LA at gaya nga ng sabi ko, dito nakalagay ang mga damit na maiiksi.
Bitbit ang bag ay lumabas na ako ng kwarto. Sakto namang papaakyat si Daddy.
"Halika dito, Macey. May ibibigay ako sayo." Mahinang bulong niya at muli kaming pumasok sa aking kwarto.
He locked the door at saka hinila niya ako paupo sa kama.
May kinuha siya sa kaniyang bulsa at pinakita sa akin.
"Alagaan mo ito. Ito nalang ang kahuli-huling pamana ng Lola mo sayo." Aniya sa malambing na boses.
Isa itong pendant na kulay royal blue. Kung hindi ako nagkakamali, ang original na hugis ng pendant ay diamond. Pero dahil parang pinaghiwalay ito, naging tatsulok na.
"Dad, anong pangalan ng pendant na ito?" Tanong ko sa kaniya.
Ang ganda kasi at kumikislap ito kahit walang araw. Parang magical necklace pero hindi naman.
"Hindi ko maaring sabihin, Anak. Pero yan ang simbolo ng isang magkasintahan. Magkasintahang hindi naghihiwalay kahit anong dumating na problema. Pinapasa lang yan sa magiging apo mo. Ingatan at alagaan mo yan. Wag na wag mong ipapakita sa iba dahil madaming magtatangkang kumuha niyan."
BINABASA MO ANG
LUCIFERIO ACADEMY: THE HIDDEN KEY
AléatoireThis is my first story;) Maceyrelle Mondragon. Isang dalagang maldita pero pagdating sa pamilya, tikom siya. Isa siyang modelo ng isang kilalang industriya dahil sa angking ganda at postura nito. Pero iyon ba talaga ang gusto niyang gawin? Ang pagmo...