If there was one thing that would describe me more than any other adjectives or nouns invented, it would have to be scaredy-cat. For sure, kung nakikita lang ako ng 11-year-old and 5-year-old nephews ko, they would call me exactly that.
It was late into the night. 11 PM na din. Kagagaling ko lang sa isang dinner and after-dinner chikahan with my friends. Kasalukuyan akong naglalakad-takbo sa gitna ng dilim, at pinipigilang manlamig dahil naka plain gray polo shirt, denim pants, at strapped sandals lamang ako.
Sa totoo lamang, wala na 'kong masakyang jeep kaya initially, kinailangan ko nang mag-taxi pauwi. Ang kaso, nasiraan naman ang sasakyan kahit malayo-layo pa ako sa tinitirahang apartment complex. Two streets away pa.
Ayaw na sanang magpabayad ni Manong Driver no'ng tumirik ang kaniyang sasakyan, dahil nahihiya daw siya. Pero konsensiya ko naman kung 'di ko babayaran, e, nakalayo-layo na kami. Tsaka kawawa si Manong! Hinikayat niya akong maghintay na lamang ng ibang taxi, o 'di kaya ay mag-Grab na lamang.
In the end, I decided na lakarin 'yung natitirang way pauwi. 'Di bale nang parang kinapos yata sa budget pampagawa ng streetlights dito. 'Di bale nang medyo malayong malapit na hindi mo maintindihan ang layo pa ng lalakarin ko. Sala sa layo, eh. Sayang kung mag-ta-taxi o Grab pa ako. Kaso, ayon na nga. Grave mistake yata 'yong pinilit ko pang maglakad na lang.
Kasi, ilang minuto pagkaliko ko sa unang street mula sa pinagtirikan ng taxi, may naramdaman akong taong nakasunod sa likod ko. Hindi naman ako mag-pa-panic kung eventually, lumiko siya sa mga nadaanang streets. Color me asyumera, pero luh, sinusundan yata ako no'ng tao.
Lord, hindi ko pa naman time, 'di ba? Medyo may kadiliman kasi talaga dito sa sidewalk, lalo na't nakahilera ang mga nagtataasang puno kaya't natatabunan ng anino ng mga ito mula sa buwan ang daanan.
Binilisan ko ang paglalakad, talagang nag-pa-panic na. Hindi ko sigurado kung bumilis din 'yong paglalakad noong nakasunod sa'kin, pero narinig ko ang tunog ng mga naaapakang maliliit na sangay ng puno at tuyong dahon.
Just to be safe, dali-dali kong kinuha ang cellphone ko. Hinanap ko sa contact list ang number ng kaibigan kong si Kelsi, pero unattended siya. In the end, inilagay ko ang cellphone sa tenga at nag-panggap akong may kausap.
"Uy, Kelsi, nasaan ka na ba?" tanong ko, na nilalakasan ang boses. Siyempre, walang sumagot dahil wala naman talaga akong kausap. "Ha? Kasama mo ang matitipuno nating mga friends na mga pulis na sina Ollie at Serge?"
Hindi naman talaga pulis sina Ollie at Serge. Sa katunayan, instructor sa UP si Serge at boyfriend ng kaibigan at katrabaho naming si Clara. Collaborator din namin siya sa isang ongoing research sa work. Si Ollie naman, system administrator namin na kabarkada nitong si Serge, so matik kasama na din siya sa tropa.
Itinuloy ko pa ang fake narrative ko, mas nilalakasan ang boses every time na f-ini-flex ko ang mga pulis-kuno friends ko. Naging lawyer kunwari pa 'yung isa.
"Aba, wow, sige. Malapit na yata ako. Oo, 'wag mo na 'ko —"
Who is that boy tonight I hope he is a gentleman~
Kelsi Marin calling...
Walanjo, biglang nag-ring 'yung cellphone ko. Kung kailan naman hindi na kailangan, tsaka pa tumawag pabalik itong si Kelsi!
May narinig akong tumawa sa likuran ko. Boses lalaki. Malalim. Naalala kong nilalakad-takbuhan ko nga pala siya kaya naglakad na ulit ako at mas binilisan pa. Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Kelsi.
Naririnig ko pa din ang malakas na pag-tawa ng kung sinuman. Hihimatayin pa yata ito sa kakatawa. Ayan tuloy, instead na matakot, parang nakararamdam yata ako ng inis. Bwisit 'tong lalaking ito, ah. Napahiya ako do'n pero ayaw kong ipahalata. Chill lang diyan, Unica. Chill lang.
BINABASA MO ANG
soliloquy
Romance"You're so annoying and talkative. Here, go talk to the hand." This is a story of a scientist... and the artist who manages to enter her world. Light story only. Taglish.