I work an 8 to 5 job. Madalas, before 7:30 ng umaga, handa na akong pumasok. This day was like any other day.
Except hindi ako maka-get over sa nangyari kagabi. Naririnig ko pa rin ang mapang-asar na tawa noong 'Sir Philip' at ang nakaloloko niyang tingin nang lagpasan niya ako papasok ng apartment building. Never kong aaminin sa kaniya (also, as if magkikita pa kami!) na hiyang-hiya ako sa nangyari kagabi.
Gusto kong maghanap ng kakampi, pero sigurado akong tatawanan ako nina Kelsi, Clara, at iba pa naming mga kaibigan kapag nalaman nila. Ayoko namang maging butt of the joke; ang pikunin ko pa naman.
Umiling ako at mas nag-focus na lamang sa pag-aayos ng gamit. Baka mamaya, sa sobrang distracted ko kakaisip, malimutan ko na naman ng mga important stuff ko — nangunguna sa listahan ang eyeglasses at lunchbox box ko. Nagpaalam ako sa roommate kong si Ate Abi, na nagtatrabaho bilang instructor sa UP. Anak naman siya ng family friend ng nanay ko, kaya matagal na din kaming magkaibigan.
Sa kabilang kwarto naman ay mga kaklase ni Ate Abi noong college, na kaibigan ko na din ngayon. Isang 2-bedroom apartment kasi itong tinutuluyan namin. May maliit na sala, joined kitchen and dining area, at isang banyo. Sapat na ang laki nito para sa aming apat. Sinuwerte lang talaga akong nagkataong naghahanap ng isa pang makakasama sa bahay sina Ate Abi noong naghahanap din ako ng matutuluyan.
By 7:30, nasa hintayan na ako ng jeep. Pinasadahan kong muli ng isa pang check ang backpack ko para makasigurong wala akong naiwan bago ibinalik ang paningin sa daan at naghintay ng masasakyan. Naka-abang pa din ako nang makatanggap ng text mula kay Clara.
Clara
what time ka papasok?Napaisip ako. Himala yata, gising na siya? Sinagot ko na lang siya na nag-aabang na ako ng jeep, at na makakarating ako sa office before 8. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anong tamang isagot sa tanong na "anong oras ka papasok?"
Anong oras ba ako aalis sa bahay, o anong oras ba ako makakarating? Ano nga ba ang tunay na ibig sabihin ng tanong na 'yun?
Clara
ok. may dadaan kasing kaibigan si serge sa office. kailangan bayaran. pa-abono na muna hehe. 750.Bago pa ako maka-reply sa kanya, may tumigil nang itim na kotse sa tapat ko. Umurong ako para hindi mahagip kahit na malayo naman ako sa daan. Ibinalik ko ang atensyon sa cellphone at nagsimula nang mag-tipa.
Maya-maya pa, may sumagitsit. Umangat muli ang paningin ko at tumama ito sa lalaking nasa loob ng kotse. Nakababa ang bintana sa tabi ng passenger side at sumisilip siya mula sa driver's seat.
"Hello, neighbor," aniya.
Umikot ang mga mata ko. I decided to just ignore him. Why was it that suddenly, he was everywhere?
"Awit, attitude," sabi pa niya. Narinig kong napahalakhak 'yung manong na katabi kong nag-aabang ng jeep. May nakakatawa do'n? Sinamaan ko ng tingin ang Sir Philip. "Tara, hatid na kita kung saan ka man."
Didn't he know the concept of don't talk to strangers, let alone go with them?
"Sorry, I don't talk to strangers."
He looked confused. "Huh, pero sumagot ka naman no'ng tinanong kita? Tsaka anong strangers? Ang dami na nating pinagdaanan, I think level up na tayo to acquaintances. Kaya halika na. Hatid na kita."
"Level up naman na pala," kumento ni Manong na katabi ko. Pansin ko lang na na-e-enjoy yata niyang makinig sa usapan ng iba. "Sumama ka na, Miss."
I crunch my face. "Uh, no thanks, Manong. Tsaka may stalking tendencies 'yang si Kuyang nasa kotse."
I hate that he always seemed to find something amusing in everything I said. Ayan na naman siya, parang mahahati ang mukha sa sobrang lapad ng ngiti. Halos maningkit pa ang kanyang mga mata. Hindi daw ako funny sabi ng mga kaibigan ko. So anong ikinatatawa niya?
BINABASA MO ANG
soliloquy
Romance"You're so annoying and talkative. Here, go talk to the hand." This is a story of a scientist... and the artist who manages to enter her world. Light story only. Taglish.