02

16 2 1
                                    

Medyo complicated ang trabaho ko. I'm not exactly a scientist, pero parang gano'n na nga. In fact, may degree ako sa physics, pero ibang kind of physics 'yung sa'kin. Hindi katulad ng mga nasa movies kung saan nagtatrabaho madalas sa lab (at naka white lab coat pa) ang isang physicist, ako naman ay nasa isang normal na office lang.

I still practiced what I learned in college, though. It was just that, nasa sangay ako ng physics na mas kaharap ang computers. Computational physics ang tawag do'n. Sa ngayon, nagtatrabaho ako sa isang non-governmental organization na naka-focus sa high-performance computing. May mga research kami dito, at part ako no'n.

Kasalukuyan akong nasa isang meeting kasama sina Sir Karel at Gael. Pawang parte kami ng isang AI research. Nandito din ngayong meeting na ito si Ollie, dahil siya ang kausap naming system administrator para sa production stage ng research namin.

Seryoso lamang kaming nag-uusap sa loob na ng halos dalawang oras. Nagmamadali na kasi kami. May hinahabol kaming paper submission para sa isang international conference na ang deadline ay sa December na. Sa totoo lang, nagugutom na talaga ako. Malapit nang mag-3 PM. Ganitong oras, nagpapa-milk tea na si Kelsi.

Nasa kalagitnaan kami ng isang discussion nang may kumatok sa dark mahogany door ng conference room. Isa sa pinakamaliliit na conference rooms itong R&D Hall. Merong isang pahabang wooden table kung saan kami nakapalibot, at may higanteng multiple-monitor display sa gitnang dulo. Sa isang sulok ay sala set na madalas namin tulugan ng mga kaibigan ko dito sa trabaho tuwing lunch break.

Dahil maliit lamang itong kwarto, sobrang lamig din niya. At kapag may pagkain, amoy na amoy. Relevant itong information na ito ngayon, dahil si Ma'am Layla 'yung kumatok, Executive Secretary ng division namin, at kasalukuyang may dala-dalang dalawang higanteng boxes ng Angel's Pizza.

Shaks, one of my favorites!

"Wow, Karel, thanks sa pa-pizza!" bulalas ni Gael. Tuluyan na kaming nawala sa research meeting nang mailapag ang mga boxes ng pizza sa lamesa. "Dapat pala nag-request na din kami ng dalawang tig-1.5 L na Coke."

Napahalakhak si Sir Karel sa sinabi ni Gael. Samantala, tahimik naming binuksan ni Ollie ang mga kahon. Isa pa 'to, eh. Low-key PG tulad ko.

Dahil naisipan naming mag-break muna sa meeting, tinawag na din namin ang iba naming teammates para makapag-merienda. Wala pang ilang minuto, napuno na ng ugong ng chikahan ang R&D Hall. Kumuha ako ng tig-isang slice sa magkabilang kamay bago umupo sa couch sa pagitan nina Clara at Kelsi.

"Nabuksan mo na 'yung paper bag?" tanong ko kay Clara. Dala-dala niya ang kanyang classic hot pink water bottle habang tahimik na nginunguya ang pizza niya. "Tsaka grabe, 7500 'yun? Ginto lang?"

"Hindi ko pa nabubuksan, eh," sagot niya. "Sabi kasi ni Serge, buksan ko na lang daw kapag magkasama kami mamaya. E 'di sana, sa office niya na lang ipinaabot kay Pipo."

Suminghap ako at exaggerated siyang hinarap. "Oo nga! Dapat sa kaniya na lang!" pag-segunda ko. Kumagat muna ulit ako sa isang slice ng pizza bago nagpatuloy. "At bakit kasi 'yung Philip pang iyon ang may dala ng package? Wala na ba siyang ibang kaibigan?"

Napakagat ng labi si Clara. Maya-maya pa, tinatawanan na niya ako. May paghampas pa siya sa braso ko.

"Ew, Clara, ang mamantika naman ng kamay mo!" suway ko sa kanya. Nanghilakbot ako nang maramdaman ang mantika sa braso ko. "Magpunas ka nga muna bago ka manghampas!"

Umiiling-iling pa siyang natatawa. Feeling ko mauubusan yata ito ng hininga. Aba, mabenta yata ako since last night? Ano bang nakakatawa?

"Eh kasi —" Hindi niya matapos-tapos ang sasabihin dahil sa kakatawa. "Kasi —"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

soliloquyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon