"REHAS"

25 3 0
                                    


Wang-wang, hudyat, at paalala na pumasok na sa loob ng rehas.

Mga tao'y mistulang bilanggo na naka posas.

Takot ang karamihan na lumabas.

Pag ikaw ay nadapu-an kukutyain ka at sasabihan na malas.

Sa loob ng mahabang buwan walang trabaho kahit pagkain walang makunan.

Kaawa-awa ang karamihan lalo na ang mga mahihirap na lubhang naapektuhan.

Virus na galing sa Tsina, sinadya nga ba?


COVID lang pala ang makapaglalagay sa atin sa bilibid.

Iba nga namamatay na wala ang pamilya sa paligid.

Doktor, nars at iba pang frontliner, mga makabagong bayani ng lipunan sa virus nakikipaglaban.

Nakikipaglaro ng habulan kay kamatayan mga nagbuwis ng buhay ay dakila kailanman.

Huwag malumbay bagkus ay maging matatag para mabuhay.

Makakalaya din tayong lahat,
manalig lang sa Diyos ng buong puso't tapat.

Unspoken ( A Compilation Of Poems And Quotes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon