Ama Ng Inang Bayan..?

13 3 0
                                    

[TW// EJK]


Ama ng inang bayan?

Ama nga ba? Ama ka ba? Sino ka ba?

Binigyan ka naming ng pagkakataon para makilala

Ngunit bakit ganito ang naging resulta

Kapakanan mo ang iyong inu-una

Akala ko'y dala mo pagbabago

Ngunit bakit nagbunga ng mga peligro

Lalo na sa inang bayan na dapat ay inaalagaan mo


Pinangko mo sa buong sambayanang Pilipino

Ang ligtas na pamumuhay sa bansang ito

Anim na buwan ang palugit para sugpu-in ang droga

Nagawa ba? Napatunayan ba? Bakit di mawala-wala

Maraming namatay sa marahas at madugong paraan

Subalit hindi nga napatunayan.


Karatula dito, karatula doon,

Eto ang nakapulupot sa mga bangkay ngayon

"R4pist ako, wag tularan, drvg pvsher ako, wag tularan"

Hindi man lang napatunayan ang mga sarili

Pero ito na ngayon ang nangyayari, at ito ang masakit na realidad at katotohanan.

Unspoken ( A Compilation Of Poems And Quotes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon