Chapter 2

1.1K 21 0
                                    

Chapter 2

Tulad ng marami sa mga bagong college graduates, Wilda scanned the newspaper's ad para maghanap ng mapapasaukan nang matitigan niya ang advertisement ng Guttierez Engineering. Nangangailangan ito ng executive secretary.

Hindi na sana niya papansinin iyon dahil natitiyak niyang hindi siya matatanggap. Ang mga executive secretaries ay karaniwan nang hindi baguhan kung nagmula sa rank and file ng ibang department at napo-promote sa posisyon na iyon.

Kung nagpapa-advertisement man ay natitiyak niyang ang kinukuha ay yaong mga may karanasan na at galing din sa ibang malalaking kompanya. Pero kumuha sa interes niya ang nakalagay na preferably with experience but not necessary. Nang muli niyang basahin ang pangalan ng kompanya ay naisip niyang pamilyar iyon sa kanya.

Bitbit ang peryodiko ay agad siyang tumawid sa kabilang bakod, sa bahay ng pinsang si Aurora. Ang ina ni Rory at ang daddy niya ay magkapatid at isang hanggang dibdib na bakod lamang ang pagitan ng mga bahay nila.

"Tiya, si Rory po?" tanong niya sa tiyahin niya na kasalukuyang nagti-trim ng mga tanim na halaman.

"Ayun sa loob at dalawang oras nang kausap ang boyfriend." Puno nang disgusto ang mukha nito nang umiling. "Puntahan mo na at awatin at baka dahil magliyab na iyong telepono. May tawag pa naman akong inaasahan mula sa kumare ko."

Nakatawang dumeretso na siya sa sala. Naroon ang pinsan, nakahilata sa sofa at nakataas pa ang mga binti sa sandalan. Sa wari nga ay nagliliyab na ang telopono.

Naupo siya sa mismong paanan nito at sumenyas na tapusin na nito ang pakikipag-usap. Tinakpan nito ang mouthpiece at bumulong ng "Bakit ba?"

"Ibaba mo ang telopono nang malaman mo." Aurora rolled her eyes.

"O, hang up na muna, Noy," sapilitan nitong sinabi sa kausap. "May kailangang mahalaga ang isang tao rito sa akin. Sino? Eh, di sino pa ba... di ang pinsan kong pinalad na gumanda sa akin ng kalahating puntos." Wilda chuckled.

"O, ano na naman iyang ipapakita mo sa akin?" anito matapos ibaba ang telepono. "Ad na naman ng mga sale items?"

"Sorry to disappoint you. Not this time, cousin" nakatawa paring sabi niya at tinapik ito pausod sa sofa upang makaupo siya ng maayos.

Matanda sa kanya si Aurora nang tatlong taon at sa kasalukuyan ay nagtatrabaho sa call center. Hindi siya miminsang niyaya nitong doon na rin magtrabaho at tinitiyak sa kanyang mas mataas ang suweldo kaysa alinmang kompanyang papasukan niya bilang clerk, receptionist, o sekretarya.

But she didn't like the idea of working graveyard shift, na karaniwan na sa mga ganoong trabaho. Hindi lang siya ang hindi papayag kundi ang daddy niya. Sasabihin na naman nitong sa patahian nalang siya magtrabaho. Na kung tutuusin ay inalok din kay Rory ng daddy niya. But like her, hindi gusto ni Rory ang trabahong sa isang pag-ikot nang tingin at ilang hakbang ay nasa bahay na ito.

"Tsismis ng mga artista?"

"Hello?"nginusuhan niya ang pinsan. "Ikaw lang ang mahilig doon." Ibinaba niya ang flower vase sa sahig at inilatag sa coffee table ang peryodiko, sa mismong advertisement.

"Ah, so trabaho iyang ipapakita mo sa akin."

"Tumama ka rin," nakangising sabi niya. "Hindi ba at dati kang nagtrabaho sa Guttierez Engineering?"

Umasim ang mukha ni Aurora pagkarinig sa pangalan ng kompanyang binanggit niya at inalis ang mga mata sa classified ads at kunwari'y sinisipat ang mga kuko.

"So?"

"Nangangailangan uli sila ng sekretarya, Rory. Executive secretary. Gusto kong mag-apply. Bigyan mo ako ng tip para madali akong makalusot sa exams at interviews."

Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon