Chapter 12

1.6K 26 8
                                    

Chapter 12

Mahihinang yabag niya ang marining sa pasilyo ng building sa fifth floor. Hindi siya makapaniwalang naroroon na naman siya. Ano ba ang maaari pa nilang pag-usapan ni Brent?

Tila ba mabibiyak ang dibdib niya sa kaba at agam-agam nang nasa tapat na siya ng pinto ng unit ni Brent. She took a deep calming breath. Itinaas ang kamay upang kumatok nang bumukas iyon at sumungaw si Brent.

"Ibinilin ko sa guwardiya sa ibaba na itawag kapag dumating ka," anito bilang paliwanag sa pagtatakang nasa mukha niya.

Unti-unti niyang ibinaba ang kamay niya na nakaporma pa sa akmang pagkatok.

Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng dilaw na three-fourth-sleeved cardigan at sa ilalim niyon ay yellow and green horizontal striped tube blouse. Huminto ang mga mata nito sa pagitan ng ugpungan ng tube blouse niya at sa denim jeans niya. The jeans rode low on her hips at kapag kumilos siya'y matatanaw ang bahagi ng puson niya.

Walang silbing magsuot siya ng mga dati niyang isinusot sa opisina sa pagkakataong iyon. Nakita na ni Brent ang totoong siya. Besides. Magtataka lang ng husto ang mga magulang lalo at nabanggit na niyang mare-resign siya. Kaya hindi na kailangan na ipagpatuloy ang pagbabalatkayo.

Ang tuwid, makapal, at layered-cut niyang buhok na lampas balikat ay nakalugay. Naglagay siya ng bahagyang makeup para hindi gaanong mahalata ang pamumugto ng mga mata niya. Hindi niya kailangan ng mascara dahil mahaba at makakapal ang pilik niya.

Suot niya rin ang paboritong kulay niya na lipstick, a shade of tangerine. She would have worn dark glasses. But knowing Brent after last night, kinakabahan siyang tatanggalin din iyon.

Something akin to admiration crossed his eyes.

"And knowing you," he added, "not a minute late."

The corner of his lips twisted a little in a smile.

"Kung ano man iyong gutso mong pag-usapan natin ay simulan na natin, Mr. Guttierez," wika niya sa business voice, nilampasan ito at pumasok sa loob.

He chuckled. "Old habits die hard, my efficient and proper secretary."

She stopped on her tracks as her eyes focused on the spot where she and Brent had sex last night. Images of them together flashed on her mind. And she couldn't believe the sudden heat that gathered and pooled between her thighs. Napahugot siya ng marahang paghinga.

"Pleasant memories?" tukso nito na nahuhulaan ang sanhi ng pagkatigil niya sa gitna ng sala.

Nag-init ang mukha niya at ipinagpasalamat na nakatalikod siya rito. Lumakad siya patungo sa pang-isahang stuffed sofa at naupo roon.

Sinundan siya at muli siyang sinuri ng tingin. "My god, you look like a seventeen-year old, Wilda! I can't decide of I want your old self back. Sa ganyang ayos mo, I feel fifty-ish."

"Mr. Guttierez-"

"Brent."

"All right, Brent," she snapped. "Hindi ako maaring magtagal."

"Care for anything?"

Gusto niyang magsisigaw sa pagiging kalmante at kaswal nito gayong lahat ng mga nerves niya sa katawan ay tila pinagpuputol-putol sa tensiyon.

And that man had that foolish grin on his face. Gusto niyang abutin ang mukha nito, kuyumusin ng kamay para mabura ang nakakairitang ngisi nito.

She groaned inwardly. She was being childish. Yet she had the feeling that Brent was enjoying every minute of this.

Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon