PROLOGUE

36 3 4
                                    

WARNING: READ AT YOUR OWN RISK.

13th day of November 1998.

Maria's Point of View

Gabi na nang matapos ang klase ko at madalang na ang nagdadaang mga pampublikong sasakyan kaya naman ilang oras pa akong naghintay bago makahanap ng jeep na byahe kung saan ako nakatira.

Malalim na ang gabi na at tanging liwanag na lamang mga poste ng ilaw, mga ilan-ilang bukas na establisimento at bilog na buwan ang nagsisilbing tanglaw ko.

Laking pasalamat ko nang makatiempo ako ng isang jeep na bumabyahe papunta sa tinitirahan ko. Naupo ako sa pinaka gitna ng upuan sa gitnang parte para makalanghap bg sariwang hangin na nagpumapasok sa rehas na bintana ng jeep. Habang bumabyahe ay saka ko lang napansin ang mga taong kasama ko sa jeep na sinakyan ko. Isang matandang lalaki na sa tinggin ko ay natutulog dahil natakpan na ng nahulog nyang sumbrero ang kabuuannng mukha nya, dalawang babae na nakasuot ng uniporme na pang nurse, ang driver at isang lalaking nagkapukaw ng atensyon ko.

"Para po!" sigaw ng isang Nurse dahilan para huminto ang jeep.

Tumingin pa ko sa labas at saka pinagmasdan ang dalawang Nurse na bumama. Bumababa sila sa isang madilim na eskinita nang kumurap ako ay bigla na lamang silang nawala.

Sa takot ko ay agad akong tuminggin sa gawi ng driver na nasa harapan ko. Nahagip ng mata ko ang mata ng driver mula sa rear mirror na kataka-taka ang tinggin sa akin. Nang umandar ang jeep ay nawala rin ang tinggin nya.

"Ineng..." bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ko ang nakakakilabot na tinig na yon na nagmula sa matandang kanina ay natutulog.

Nanginginig akong nilingon sya.

"Nakita mo rin ba?" napakunot ang noo ko sa tanong nyang yon.

"A-alin ho?"

"Yung dalawa." tugon sya at saka tumingin sa gawi kung saan bumaba ang dalawang Nurse na sa tinggin kong tinutukoy nya.

Hindi ako makasagot.

Nanginginig na ang mga kamay ko.

Sa tinagal-tagal kong sumasakay ng jeep ng ganitong oras ay kahit kailan hindi ko ito naramdaman.

Tiningnan nya ako ng diretso sa mga mata ko. Ngumisi sya ng nakakakilabot na nagpabilis ng kalabog ng dibdib ko.

Natatakot ako.

Kinakabahan.

"Alam mo bang.." panimula nya matapos nyang ibaling sa iba ang tinggin nya na nagpaluwag ng hininga ko. "Tuwing sasakay ako sa jeep na ito ay lagi ko silang nakikita na bumababa at biglang maglalaho." pahina ng pahina ang boses nya ngunit naririnig ko pa rin iyon.

Muli nyang ibinaling ang tinggin nya sa akin na naging dahilan para makita ko ang kabuuan ng mukha nya. Kumubot na ang balat nya, kakaiba ang mga mata nya, nangingitim ang labi nya, nakasuot sya ng balanggot na abaka, nakadamit sya na parang sa pulubi dahil sa rumi nito at wala rin syang sapin sa paa kapansin pansin ang nangingitim nyang mga kuko.

"Huwag mo akong sauluhin ineng hindi maganda kapag nasaulo mo na ang kabuuan ko." malumanay nya lang usal pero lalo itong nagpakabog ng dibdib ko. Batid kong may ibig sabihin ang katagang 'yon.

'Di'os ko! Ano ang nangyayari?"

Gusto ko nang bumaba ng sasakyang ito pero wala pa akong sa destinasyon ko kung bababa naman ako dito ay magiging delikado dahil bukod sa madilim ay natatakot din ako sa pwedeng mangyari.

"Para!" maawtoritadong sigaw ng matanda.

Huminto ang jeep sa ikalawang pagkakataon. Hindi na ako lumingon pa sa kung saan bumaba ang matanda.

Nang makausad ang jeep ay may kung ano sa akin na gustong lingunin ang pinagbabaan nya.

Kaya nilingon ko iyon.

Habang papalayo ng papalayo ang jeep ay papalakas ng papalakas ang kabog ng dibdib ko.

Nakita ko mula sa kinauupuan ko ang matanda at ang dalawang Nurse na duguan at pawang may nakatarak na salamin sa iba't ibang parte ng kanilang nakatawan na nakatinggin sa gawi ko saka ko napansin na isang sementeryo pala ang pinagbabaan nya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Nanginginig ang buong katawan ko.

Pakiramdam ko ay may naghahabulan sa dibdib ko sa lakas ng kalabog nito.

Napasapok na lang ako sa mukha ko.

"Huwag kang matakot.."

Biglang huminto ang tibok ng puso ko. Para akong nabingi sa narinig ko.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at laking gulat ko nang makita ang matanda na nasa tabi ko. Nakatinggin sya sa isang lalaki na kasama na'min habang nakangisi. Pinagmasdan ko ang lalaki. Nakayuko pa rin ito gaya ng kanina.

Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko sa tabi ko kung nasaan ang matanda.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko matapos nyang ngumisi.

Nakita ko kung paano mamula ang mga mata nya, kung paano ang mga ngipin nya ay nangingitim at kung paano ang mabahong hininga nya ay maamoy ko dahil sa lapit ng mukha nya sa akin.

Pilit kong ginalaw ang katawan ko pero hindi ko ito maigalaw. Napako ako sa pwesto ko at tanging mga mata ko lang ang naigagalaw ko kaya ipinikit ko ito. Habang nakapikit ay amoy ko pa rin ang hininga nya batid kong nakaharap pa rin sya sa akin nang may humawak sa akin dahilan para maimulat ko ang mata ko.

"Miss?" isang lalaki ang biglang bumungad sa akin. Nang ilibot ko ang paningin ko ay nakita ko ang ilan pang mga kasama namin na kapwa rin nakasakay sa jeep.

"Miss? Ayus ka lang ba?" tumango lang ako sa lalaki na ngayong katabi ko.

"K-kanina pa ba ako n-nandito?" nangingig ang kamay ko ng tanungin ko sya kaya palihik ko iyong itinago sa bulsa ng palda ko.

"Oo.." sagot nya at pumuwesto na parang nagiisip. "Nung sumakay ka pagkaupo mo ay napansin kong bigla ka na lang pumikit. 'Yon pala ay tulog ka na." bahagya pa syang tumawa habang kinakamot ang ulo.

Pinagmasdan ko ang mukha nya. Kung titingnan ay halos kasing edad ko lamang sya at nakauniporme batid kong kagaya ko ay estudyante din sya. May itsura sya sa tinggin ko pero wala akong pakialam tungkol sa kagwapuhan nya. Pamilyar sya sa akin pero hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita.

"Umuunggol ka pa nga at para kang binabangongot hehehe kaya kita ginising" nakangiting dagdag nya.

"s-salamat." tanging nasabi ko na lamang sa kanya.

"wala yon" pilit ako ngumiti sa kanya. Pinagmasdan ko ang lahat ng sakay ng jeep. May mga estudyante, bata at ordinaryong mga tao. Nakaluwag ako nang wala akong makitang nurse o di kaya naman ay matandang lalaki.

"Ako nga pala si Paulo Avario" pagpapakilala nya saka inilahad ang kamay nya. Tinanggap ko iyon at nagpakilala.

" Ma-Maria Andres"








The Mystery of Maria AndresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon