Chapter 7

35 6 1
                                    

Sorry

Pagkapasok ko pa lamang sa gate ay dumagsa ang mga lower year sa harapan ko.

"Ate Heaven, totoo bang wala na ulit kayo ni kuya Nero?"

"Ano po bang nangyari?"

"Talaga bang nilandi siya ni ate Haniya?"

"May relasyon po ba sila?"

"Hindi kaya, naghihiganti lang sila sainyo, ate?"

"Ate magkwento ka naman. Fans pa naman kami ng Nero-Heaven."

Sa dami nila sa harapan ko'y  napaatras ako. Hindi rin ako makahanap ng butas na pwedeng lusutan.

Lalabas na sana ako ng gate nang biglang umangat ang tingin ng mga lower year sa likuran ko at natahimik.

"Padaan, pwede?"

Impit na kinilig ang mga lower year. Paglingon ko ay halos maduling ako sa  kaharap kong dibdib ni Craig. He's really tall. Amoy na amoy ko rin ang pabangong gamit niya. It's so manly and seductive. Kung aamuyin ko iyon buong araw ay paniguradong hindi ako magsasawa.

I looked up and saw his cold black eyes again.

"Tabi."

Kaagad akong sumimangot at nakaramdam ng inis. This guy is so rude!

Nang makadaan na siya'y, sinundan siya ng mga lower year. Akala mo naman kung sinong gwapo!

Hindi ko napansin ang bulungan ng mga classmate ko pagpasok ko sa room dahil sa sobrang inis ko kay Craig. Paglingon ko sa banda ni Haniya ay tsaka ko lang naalala ang mga nangyari noong isang araw.

Mag-isa siyang nakaupo at parang iniiwasan siya ng mga kaklase namin.

"Grabe, parang ayokong maniwala pero nung napanood ko iyong video, nadismaya ako."

"Sa tingin mo, naghihiganti lang kaya sila ni Nero kaya nila nagawa iyon?"

"Bulag ka ba? Kung naghihiganti sila bakit magda-drama ng ganuon si Haniya?"

"Oo nga naman, parang siya pa iyong biktima kung makaiyak eh sila na nga ni Nero itong nakasakit kay Heaven."

"Ano ba naman iyan, hindi na matapos tapos iyang issue ng mga Soraniez tsaka yung mag-bestfriend."

"Kawawa naman si Heaven, laging dehado."

Parang bubuyog ang mga kaklase ko sa loob ng classroom. Animoy nililipad ng hangin ang pinag-uusapan nila at klaro ko iyong naririnig.

Pumasok ang grupo ni Deidara na kaagad napatingin sa nakaupong si Haniya. May ibinulong pa ang isang alipores nito sa likuran niya tsaka dumiretso sa kinauupuan ko.

"Hi, Heaven."
Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis pero dahil badtrip pa rin ako ay ginantihan ko siya ng ngiting plastik.

Umirap siya at nang aambang aalis ay nabangga niya si Erien. Hindi ko yata napansing pumasok siya.

"Ano ba? Tumabi ka nga!" Paasik na utos ni Erien.

"S-sorry, Eri."

Tumabi silang lahat at kaagad na umalis doon nang hindi mapagalitan sa amasonang kaibigan ko. Natawa ako sa kanya dahil maaga palang ay badtrip din yata ito.

"What's funny?" Tinaasan niya ako ng kilay at masamang tinitigan ang black board.

"Wala naman. Badtrip din kase ako eh."

"Malamang. Sino ba namang hindi mababadtrip eh tinuklaw ng bestfriend mo yung bo-"

"Erien. Hindi iyon."
Umiling ako. Kahit kailan talaga ay iba rin ang tabas ng dila ng isang ito.

From A Distance(Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon