Ikalwang rampa

154 6 2
                                    

DYOSANG DEMONYITA! Kakasa ka ba??!! Ikalwang rampa

--Nice Name--

Well, ano pa nga bang pwedeng mangyari pag may roong prinsepe sa school mo? Syempre di yung normal na araw-araw na nangyayari pero parang timang naman itong mga babaeng ito kung makatili sa lalaking yun akala mo naman pinapansin sila.

E wala namang pinagkaka-abalahan yang mokong na yan kung hindi ang guluhin ako!

Palagi nya akong sinasabayan sa paglalakad. May ilang atempt din syang hawakan ang kamay ko. At ano ngang ginagawa dapat ng babae kapag may pervert sa kanan mo na aakbayan ka? Syempre kinuha ko yung braso nya at parang sako ng bigas ko syang ibinagsak sa simento.

Akala ata ng ga** hindi ako marunong ng self difence. Sorry na lang sya pero nakita ko yan kay lolo noong bata pa ako. Ayaw nya akong turuan ng mga moves nya baka daw makapatay ako kaya ayan na lang. Ang kulit kasi.

"Hey idiotic bastard! Leave. Me. Alone!" Matapos kong sabihin iyon ay nilayasan ko na sya.

Lumapit naman sa kanya yung mga babae na concern na concern. Mga flirt talaga.

"Prince Handerson. Don’t go near that girl she’s a goddess demon." Sabi noong isa.

Binilisan ko na lang ang lakad ko suot ang bago kong high hills at nagpunta kay tito Daniel.

-----

P.O.

-----

"Tito eto na po yung pinapapasa ni Vice press. Para daw sa hagdan noong pond sa pagitan ng building G at building I." Sabi ko at ibinagsak yung mga papeles.

"Thera, balita ko ikaw daw ang natitipuan ng prinsepe." Sabi nya.

"Paki ko naman tito. Ayaw ko sa maputi. At kahit magpa-Tan pa yan di ko yan magugustuhan. Nga pala, anong sabi ni papa uuwi na daw ba sya?" Si tito kasi ang nakakaalam kung uuwi na si papa galing amerika e.

"Malapit na siguro. Kaya linisin mo na yung bahay mo." Sabi nya at nag-gesture na umalis na ako.

Agad akong nagtatakbo palabas ng PO pati na palabas ng school. Hehehe.. uuwi na ako para makapaglinis.

Malit lang yung bahay ko. May tatlong banyo sa first floor with bath tub tapos may kitchen na kasya ang labing limang tao. Ewan ko ba sa akin at ganyan kadami ang binili kong upuan tapos may sala na may anim na mahahabang sofa. Sa second floor naman ay may labing-limang silid kasama na ang silid ko. Sa isang silid doon. Sa makeup room ay may isang pinto na hagdanan ang naroon kasya ang isang tao sa lawak tapos papunta iyon sa rooftop. Ang rooftop ko naman ay may mataas na triangle glass na iniilawan ko kapag gabi. Trip ko lang. The rest noong roof ay malawak na semento at may railings. Tanaw dito yung MoA pinagmamalaki nila yan. Ewan ko ba e ang liit-liit naman. Tss..

Tapos sa kanang parte nitong bahay kapag nakaharap ka sa bahay ay may malaking building, dyan daw nakatira yung apo ng may-ari ng mall na yan.

Dyosang Demonyita(kakasa ka ba?) A.R. SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon