Ikalimang Rampa

72 3 0
                                    

Lumaban kami sa mga alien at iba pang may kapangyarihan. Nagtago kami at namuhay ng masaya kahit maraming inaalala.


Lalo ng lumambot ang puso kay Andrago pero ito rin pala ang magiging dahilan ng kaguluhan sa aming hinaharap. Isa ako sa dahilan ng pagbabago sa nakaraan at hinaharap. Isang pagkakamali ang nabuong pagmamahalan namin ng bagong Andrago subalit kung hindi ito mangyayari ay hindi mabubuo ang isa sa mga kasamahan namin ngayon kaya naman may mabuti rin itong naidulot.


Ang problema lang dahil doon nagkaroon ng anumalya sa seyensya ng mga seyentipiko at nalaman nila na mga alien kami. Mga alien na kahit ang aking ama ay hindi maipaliwanag iyon. Kaya nyang ipaliwanag pero pinili nyang hindi na lang ipaliwanag sa akin.


Okay lang naman noong una pero dumating na sa punto na kinailangan na naming magpaalam sa mundong ito. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan naming mga morphers at mga tao na may mga kakaibang robot na ginawa para lang puksain kami kahit na wala naman kaming ginagawang masama.


Nagkaroon ako ng pagkakataong kausapin si Keiko isang beses ng nasa Isla valerian kami.


"Keiko, tingin mo ba may makakatulong pa sa atin? Alam mo namang mahirap kalabanin ang libo-libong tao na nasa loob ng mga malalaking robot." pahayag ko sa kanya.


"Isa akong Mafia boss Sky, yan ang hindi ko inamin sa inyo pero kahit na marami kaming mga kaalyado iilan lang ang sumang ayon na tumulong at iyon ay ang UNAng Veco." matapos nyang uminom ng tsaa saka nya iyon sinabi.


"Hindi ako makapaniwala. May pagkakataon bang makikilala natin sila?" tanong ko sa kanya na agad naman nyang sinagot.


"Hindi. Si Uno ay hindi nagpapakita o nagpapakilala sa sino man. Pagpasyensyahan mo na Sky pero hindi talaga iyon maaari. Lalo pa ngayong tayo ang tutulungan nila. Dahil lang sa akin kaya sya pumayag na tumulong." Malungkot ang pagkakasabi noon ni Keiko halata kong ayaw nyang madamay ang taong ito sa laban pero huli na ang lahat.


Kailangan namin ng tulong at sila ang pupuwedeng tumulong sa amin.


Nagdaan ang ilang linggo hanggang dumating sa punto na kailangan na talaga ang rebolusyon. Nagkaroon ng malaking laban at huli na ng malaman naming nasawi ang pangkat ng itinuturing na UNO ni Keiko. Nawala rin si Keiko sa amin at ako ang natira para maganap ang hinaharap.


Gayon pa man marami ang nagbago. Marami ang nagbago sa hinaharap at ngayon may bago na kaming anak ni Andrago. Masaya kami sa Christmas eve ng tumama ang isang bomba na matagal na palang nakalagay sa mansyon ng isa sa aming kaibigan.


Masaya kami noon. Ang problema lang sumabog kami. Isang malaking pagsabog.


"Bwisit. Bakit ba kailangang mangyari yun?" tanong ni Hiroshi.


"Ayos lang kayong lahat?" tanong ni Lyllia at ibinaba na ang Shield na ginawa nya. Nailigtas kami noon at nadala nya kami sa isang lugar.


Subalit may naiwan. Isang baby at ang hindi alam ng mommy at daddy nito na naiwan sya. Lahat sila... lahat sila ay nawalan ng ala-ala.


Tanging ako, si Andrago at si Lyllia lang angka-alala sa pangyayari. Lahat ay masaya sa kanilang buhay. Lahat ay nalimot ang batang naiwan. Gayon pa man, lahat pa rin kami ay magkakaibigan.


Nabuhay kami sa ibang pangalan. Na sa ngayon ay hindi nyo na maaring malaman.


Ako si Erth "SKY" Miuri Angeles ay nagpapa-alam na.


Dahil sa sandaling malingat pa ako'y siguradong dadarating na sila.


Ngayon, sa'yo na ang baril na ito. Ang tanong lang,


.. Ikakasa mo ba?


*Smirk*



----------

Play the theme song of dyosang demonyita for the ending song.


Salamat sa mga bumasa!!

Dyosang Demonyita(kakasa ka ba?) A.R. SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon