DYOSANG DEMONYITA
-unang rampa
Naglalakad ako ngayon papunta sa auditorium ng school. Bagong lipat lang ako ng school fourth year High school na ako. Alam nyo yung sa sobrang ganda ko sikat ako? Tapos hindi lang sa buong school kundi hanggang sa loob ng Principals Office.
Bawat taon lumilipat ako ng school dahil sa madaming hindi kinakaya ang pagka-demonyita ko. E mga weak pala sila e. Alam na hindi ako nagpapatalo tapos gaganunin nila ako? Bugbugan na lang ng salita oh!
Tss.. kakainis. Ngayon naman dito ako sa school kung saan marami akong kamag-anak. Isa sa teacher dito tito ko. Kaya naman medyo behave ako. Medyo lang. Pasalamat na lang sila dahil kapag hindi ako ang inumpisahan hindi ko talaga pinapatulan.
Mabalik nga sa bwisit na paglalakad sa auditorium. May padating daw na bisita. E PI naman oh. Kung hindi dahil sa grade hindi ako pupunta dyan e. Sabi kasi ni tito kapag hindi ako pumunta sa PO daw ang deretsyo ko tapos ang grade ko na 98.9 ay bababa ng 96.856 aba, ang kababaan kong nota ay 97 sa lahat ng subject tapos bababaan ako ni tito ng ganyan. Muntanga lang. E kapag si tito na ang nagsabi siguradong tototohanin nya kaya naman no choice punta na lang ng auditorioum.
Maganda akong naglalakad sa hallway suot ang super high hills ko at kung hindi ka naman ba talaga mabwibwisit sa posporo!
"POSPORO ILAG!!!" Huh? Napatingin ako sa sumigaw. Syempre sumigaw e. Nasa kaliwa ko sya at medyo malayo sa akin nasa birmuda grass sya at base sa suot nya dito rin sya nag-aaral.
"Anong sabi mo??!!" Medyo galit na sabi ko pero biglang..
*boogsh*
"Ouch fvk!"
"Aray ko ang braso ko!" Ininda ko ang sakit ng braso ko na napakudkud sa semento. Kasabay ng pagtingin ko sa hinayupak na na nakadagan sa akin.
Nakita ko rin yung lalaki kanina na si posporo boy sa paanan nitong blond hair na kano na ito na nakasalpak ang mukha sa dibdib ko.
"S**t umalis ka nga!" Sigaw ko at inalis ko ang mukha nya sa dibdib ko.
"Hoy ikaw posporo boy! Ang pepervert nyo! Sigurado akong plinano ninyo ito para makatyasing bwisit kayo!" Inis na sabi ko. Sya naman ininspeksyon yung posporo nya tapos ibinulsa.
"Are you alright?" Tanong noong kano kaya sa kanya ko ibinaling ang galit ko.
"Damn you! You perv! Stay away from me or I will make your life a living hell! At ikaw bastardong taga school na ito. Iwasan mo na ako kung hindi matitikman mo ang galit ko!!" Matapos ko silang sigawan ay padabog na akong naglakad papunta sa auditorioum. Bwisit na araw talaga. Sana matapos na.
Noong nakarating na ako dumeretsyo na ako sa uupuan ko. Sa harap iyon katabi ng principal at kung inaakala nyog nakatalikod kami sa tao nagkakamali kayo dahil nasa mismong stage kami.
BINABASA MO ANG
Dyosang Demonyita(kakasa ka ba?) A.R. Series
Historia CortaTingin ng lahat sa kanya ay isang Dyosa. Mula pagkabata ay kinatatakutan sya. Noong una'y gusto syang ibully ng lahat pero dahil sa kagustuhan ng kanyang magulang hindi sya nagpaapi ngunit hindi rin naman sya nagpapaapi. natutu syang lumaban, natuto...