No Name

331 7 0
                                    

I stared at my wristwatch habang hinihintay magtime and at the same time, tinititigan ko yung nasa harap ko habang natutulog siya. Almost 9:30 na.

"Gising na, baka malate tayo." I started poking his cheeks. Ang cute niya kapag tulog. Lagi kong iniisip kung bakit lagi ko siyang kasama kapag ganitong oras at tuwing lunch.

Hindi siya kumibo at parang ang himbing ng tulog nang bigla siyang dumilat. Tumitig sakin yung brown niyang mata and I have to admit, he's damn attractive.

"Maya nalang," Kumunot ang noo niya "ang aga pa kaya."

I raised my brow at tinitigan ko siya. Try me. Hindi siya gumalaw at nakipagtitigan din sakin and after a few seconds umiwas na ako ng tingin kasi feeling ko umiinit yung pisngi ko.

"Bahala ka nga dyan." Kinuha ko yung gamit ko, tumayo sa kinauupuan at naglakad palayo pero nagawa niya akong pigilan dahil hinawakan niya yung kamay ko. "Tatayo o tatayo?" I don't even know why kung bakit ko siya tinatarayan at mas lalo na kung bakit ko siya hinihintay.

Tumayo na siya then he gave me a shy smile. "Meron ka?" Kinuha niya yung gamit niya at sumabay na sakin maglakad.

Pinanliitan ko siya ng mata at pinalo sa braso. What the hell? Binilisan ko ang lakad at lumabas na ng library.

"Wait lang!" Rinig kong sabi niya pero hindi ako tumigil sa pagpalakad and I rolled my eyes. "Lily wait!" Hinawakan niya ako sa kamay kaya hinarap ko na siya. "Lemme catch my breath for a second."

Kumunot ang noo ko, "Lily?" Tinanggal ko yung kamay ko sa kamay niya, "sa pagkakaalam ko Analliyah yung pangalan ko. Nasan yung 'Lily' dun?"

He gave me a sly grin like he knows something na hindi ko alam then he patted my head, leaving me hanging. He didn't even bother answering my question. He's mysterious like hell.

Thing is, I don't even know his name. I don't have the slightest idea kung ano yung pangalan niya and all I know is he's just a guy, of course. Feeling ko hindi siya dito nag-aaral sa school namin but that's impossible kasi hindi nagpapapasok ng mga outsiders ang guards when it's school hours.

Kapag tinatanong ko naman yung pangalan niya it's either hindi niya sasagutin or ngingitian lang niya ako, ayoko namang tanungin yung mga kaibigan ko kasi nakakahiya. I actually tried asking my bestie kung kilala niya pero ang sabi lang niya "he looks familiar pero hindi ko alam kung ano yung pangalan niya".

I shaked off those thoughts at naglakad na papuntang classroom nang tinawag ako ni Bree.

"San ka nagpunta? Nagrecess ka ba?" Sumabay siya sakin sa paglakad at inalok niya ako nung mik-mik na hawak niya pero inayawan ko.

"Tinignan ko lang yung computer lab kung nagawa na." Nice lie Ana.

Napa-oh nalang siya at inubos na yung mik-mik niya.

Bigla akong napatingin sa kaliwa ko at nakita ko siya na natutulog sa ilalim ng puno kaya kinalabit ko si Bree.

"Kilala mo yun?" Tinuro ko siya at tumingin ako kay Bree.

Tumingin si Bree sa tinuro ko tsaka niya tinignang mabuti, kumunot ang noo niya at umiling. Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Oh wait," Biglang tumigil si Bree kaya napatigil din ako, "I think I kinda know him, nakita ko na siya somewhere." Napatingin siya sa taas trying to remember something. "Mil-Nilo? Nilo yata? I'm not sure." She gave me an apologetic smile.

Nginitian ko nalang siya tsaka sinulyapan ko siya ng huling beses at nagpatuloy na sa paglalakad.

After ng last subject before lunch, pumunta na kaagad ako sa library at hinanap yung usual spot na lagi naming unuupuan. It's not like I'm expecting for him to be there or anything. Nung nakita ko na yung table, nakita ko siyang nagbabasa ng cook book sa upuan namin.

Lumapit ako doon at naupo sa harap niya tsaka ko siya tinitigan. Itinabi niya yung librong binabasa niya tsaka niya ako tinitigan kaya napaiwas na ako ng tingin.

"Kumain ka na?" Tanong niya sakin, hindi pa rin niya inaalis yung tingin niya.

Umiling ako at ibinalik sa kanya yung tanong pero hindi niya ako sinagot. Humarap siya sa gilid niya at may kinuha tsaka niya inilagay sa mesa.

"Kainin mo muna yan." Nilagay niya sa harap ko yung tinapay.

Kinuha ko yun tsaka ko hinati sa gitna at iniabot sa kanya yung kalahati pero tinignan lang niya yun.

"Hindi ka pa din kumakain, hati tayo." Nginitian ko siya tsaka ko nilagay sa kamay niya yung kalahati nung tinapay.

Inubos niya kaagad yung tinapay at tinitigan ako habang kumakain kaya bigla akong naconscious.

"What?" Pinahiran ko yung gilid ng labi ko, "may dumi ba?" Kumuha ako ng panyo just to make sure at pinunasan ko yung labi ko.

Umiling siya at ngumiti tsaka niya pinanggigilan yung pisngi ko. Pinalo ko yung kamay niya tsaka ko inubos yung sandwich at sinamaan ko siya ng tingin.

Umayos siya ng upo at humalumbaba and that made him look like a model. Tamang-tama lang yung liwanag na tumatama sa mukha niya at mas lalo kong nakita yung pagkabrown ng mga mata niya. I was too mesmerized by his perfection nang may naalala ako bigla.

"Nakita kita kaninang nakahiga sa ilalim ng puno malapit dito sa library." Napatingin siya sakin dahil dun. "Tinanong ko sa kaibigan ko kung kilala ka niya." Tinignan ko siya.

Kumunot ang noo niya, he looked troubled for a second at biglang naging emotionless yung mukha niya.

"Anong sabi niya?" He said, looking away from me na parang bang may tinatago siyang lihim sa mga mata niya.

"Sabi niya nakita ka daw niya somewhere." Tinitigan ko siyang mabuti. He really looked troubled and he's trying to hide it. "Nilo daw pangalan mo."

Biglang nawala yung troubled look niya at tumingin sakin tsaka siya ngumiti then he patted my head.

"That's not my name." Tumawa siya ng mahina at umayos ng upo. "Pero kung gusto mong malaman, medyo malapit na yung pangalan ko dun."

Lumaki yung mata ko at napatitig ako sa kanya. Is he serious? Nag-isip ako ng possible names pero hindi ko sinabi 'cause I know na kahit masabi ko yung totoong pangalan niya, he won't say if that's really his name or not.

"Bakit kasi ayaw mong sabihin." I rolled my eyes tsaka ako yumuko sa table.

"It's not yet the right time." I can feel him smiling then I slowly drifted to sleep.

FrazzledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon