Simula nang makarating ako sa Library nakatulala lang ako, my mind is a mess. Sa sobrang dami ng gawain hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Malapit na kasi ang exams, about two weeks from now. Ang nakakainis lang, kung kailan malapit nang matapos ang isang quarter tsaka lang sila nagbibigay ng projects and activities.
The other thing that messes up my mind the most ay yung napanaginipan ko, I know I should just shake that off and do my work pero iba yung sinasabi ng instincts ko and when it comes to my instincts, I'm always right. These past few years taught me how to trust myself.
Napabuntong hininga ako at ipinikit ko ang aking mata, trying to clear up my mind dahil masyadong nakakapagod mag-isip.
"Something bothering you?" Umupo si Mico sa harap ko and he look so worried. "Okay ka lang?"
Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. "Ang dami kasing gagawin this week." I let out a frustrated groan at humalumbaba. "Nakakapagod."
"Projects?" Kumunot ang noo niya. "I can help you if you want." Ngumiti siya sa na parang wala lang sa kanya na tumulong.
"Thanks." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. "Cheer mo nalang ako, okay na yun."
Napatawa siya sa sinabi ko then he patted my head. "Easy ka lang, don't overthink." Ngumiti siya ng mapang-asar. "Pangit ka na nga, papangit ka pa." Lumaki yung ngiti niya sa labi.
"Ang sama mo." Pinalo ko siya then I rolled my eyes playfully.
"Joke lang." Nag-peace sign siya at nagpacute. "But seriously though, when you need help just tell me."
Nginitian ko siya at lumipad nananaman yung isip ko kung saan-saan. Bigla niya akong hinila patayo at lumapit kami sa isang malaking salamin sa dulo ng Library.
Sumimangot siya habang tinitignan niya yung itsura ko. "You look so stressed out." Inayos niya yung kilay kong medyo nakakunot then he pinched my cheeks.
Tinanggal ko yung kamay niya at nagkusot ako ng mata. Pumunta ako sa isang sulok at umupo sa sahig tsaka ko sinandal yung ulo ko sa isang shelf at pumikit.
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko then he squeezed my hand pero hindi ko nalang ito pinansin. A few minutes later I didn't even realize na nakatulog na pala ako.
"Ana, saan ka pupunta?" Tanong sakin nung batang lalaki, puno ng lungkot ang mga mata niya.
Naramdaman kong uminit ang mga mata ko. "Sorry aalis na daw kami sabi ni mama" Tsaka ako napahagulgol.
Niyakap niya ako na mas lalo nagpabigat sa damdamin ko. "Okay lang yan Ana." Naramdaman kong nagpahid siya ng luha. "Babalik ka naman di ba?" Kumalas siya sa yakap tsaka ngumiti ng malungkot.
Tinitigan kong sandali yung mga mata niya tsaka ako umiling at nagpahid ng luha. "Hindi na daw," Nagsimula ulit tumulo ang luha sa aking mga mata "sa malayo daw kami pupunta."
Ngumiti lang ng malungkot yung batang lalaki tsaka niya hinawakan yung kamay ko. "Kapag lumaki na tayo, hahanapin kita." Pinahiran niya yung mga luhang natira sa aking pisngi.
"Hihintaying kita." Ngumiti nalang din ako ng malungkot sa kanya.
"Basta, wag mo akong kakalimutan ah." Ngumiti siya at unti-unting lumabo ang ang kanyang mukha.
Bigla akong nagising na may kaunting luha na tumulo sa aking mata. Doon ko lang napansin na nasa Library pa rin ako at wala na si Mico.
Medyo naaninag ko ang mukha nung bata sa panaginip ko. Medyo kamukha niya si Mico. I got goosebumps sa mga naiisip kong posibleng nangyari noon pero wala akong maalala.
What the hell was that all about? Napapadalas na yung mga panaginip ko tungkol doon sa bata and it feels so real.
"Gising ka na pala." Nakita ko siyang naglalakad papunta sa pwesto ko.
Nagkusot ako ng mata at nag-inat. "Anong oras na?" Masyado yatang napatagal yung tulog ko.
"3:45." He grinned. "Ang tagal mong matulog."
Nanlaki yung mata ko. What the hell? "Seryoso?" Tumango siya at ipinakita yung relo niya sakin, I mentally cussed nung malaman kong nagsasabi siya ng totoo. Nagbuntong hininga nalang ako.
"Mico, nagkita na ba tayo dati?" Tinitigan ko siyang mabuti para makita yung reaction niya.
"Bakit mo naman natanong?" Kumunot yung noo niya.
Nagkibit balikat ako at umiwas ng tingin. "Ang weird lang kasi, parang nakita na kita somewhere."
Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa kawalan. "Baka kamukha ko lang?" Ngumiti siya at ibinalik niya yung tingin niya sakin.
I just shrugged. Bakit sa tuwing hindi ka masaya I can feel something that's off. Tinitigan kong mabuti yung brown niyang mga mata. I can't read them. Umiwas ako ng tingin at tumingin din sa kawalan, wondering who's the kid I've been dreaming about lately na medyo kamukha ni Mico. What are you thinking? Who the hell are you?
---
Gonna edit this chapter soon
![](https://img.wattpad.com/cover/31776261-288-k468991.jpg)