Usual place, usual time. The only thing na unusual is wala siya dito.
Two days ko na siyang hindi nakikita simula nung nakatulog ako sa library, napapaisip tuloy ako kung may nagawa akong mali sa kanya. It's not like I care about him anyway. Umupo ako ng maayos at nagsimulang magsulat ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko. It's really boring without him around, huh?
May narinig akong boses na hindi masyadong malayo mula sa kinauupuan ko. "Ano nang gagawin mo?" Hindi ko na sana papansinin yung boses na narinig ko kasi hindi naman ako chismosa kaso narinig ko siyang magsalita. "Hindi ko na alam." Siya yun, kilala ko yung boses niya.
Iniwan ko yung gamit ko at hinanap kung saan nanggagaling yung boses tsaka ako nagtago medyo malapit sa pwesto nila. May kasama siyang matangkad na lalaki pero hindi ko makita yung mukha kasi madilim sa pwesto nila.
Hinawakan niya yung batok niya and he seemed troubled. "Everything's going to be fine." Sabi niya then he looked around kaya napaatras ako mas lalo sa shelf na pinagtataguan ko. "Akong bahala."
Nag-iba yung mood ng kausap niya. "Ikaw bahala?" Kinuhelyuhan siya yung lalaki. "What the hell is wrong with you, wala ka na ngang plano tapos ikaw pa rin ang bahala?" Pwersahan niyang tinanggal ang pagkakasakal sa kanya nung lalaki at naging seryoso.
"Everything's under control, ano bang hindi mo naiintindihan?" Pinamulsa niya yung dalawa niyang kamay, keeping his cool. "Wag ka nang manggulo, I can explain everything once na malaman niya kung anong meron," Nagbuntong hininga siya. "Just stay away from this."
Anong meron? Finocuse ko kung mata ko sa kausap niyang lalaki pero hindi ko talaga maaninag ng mabuti yung mukha niya. I know eavesdropping is bad but he's a mysterious guy, wala akong alam tungkol sa kanya at least I have reasons.
"You better fix this," Tinitigan siyang mabuti nung lalaki. "Kung hindi mo kaya, just stay away from her." Nung umalis na yung lalaki, napaupo siya sa sahig staring outside the window.
Dali-dali akong umalis sa pwesto ko at pumunta sa table na lagi naming inuupuan. Stay away from who? Naguguluhan ako. My heart is still racing dahil sa napakinggan ko. Don't tell me ako yung pinag-uusapan nila? I got goosebumps kaya yumuko sa table.
Nakikita ko pa rin yung troubled expression niya kanina. Binaling ko yung ulo ko sa kanan at tumingin sa bintana, wondering kung tungkol saan yung ping-uusapan nila kanina. Sino ka? Bigla akong natulala.
Maya-maya pa'y naramdaman ko na may umupo sa harap ko and I came back to my senses at napaupo ako ng maayos. He's staring at the window. Napatitig ako sa brown niyang mga mata, those eyes hide secrets that I'll never know na kahit nagniningning ito, there's still darkness somewhere behind it. Sino ka? Napaisip ulit ako. What are you hiding?
Napansin niyang nakatitig ako sa kanya kaya napatingin siya sa direksyon ko at ngumiti. "Long time no see." Nawala yung mga mata niya dahil sa ngiti niya. Biglang nag-iba yung mood ko at napakunot yung noo ko. I suddenly forgot the thoughts na iniisip ko kanina.
"San ka galing?" Naghalumbaba ako still frowning. "Two days kang hindi nagpakita."
Sandali siyang natigilan at napaiwas ng tingin. "Naging busy lang." Tumingin ulit siya sakin at ngumiti ng pang-asar, "Namiss mo ko?" Then he wiggled his brows.
I stared at him with a blank face at tinaas ko yung isa kong kilay. "Excuse me?" I rolled my eyes sa sobrang kayabangan niya. "Kapal." I whispered.
"Sama nito." Napatawa siya ng mahina at ginulo yung buhok ko kaya napalo ko yung kamay niya. "Ouch."
"Anong ginawa mo nung wala ka?" I know I should stop getting curious about every single little thing, I can't help it, I'm Analliyah the curious cat.
Napakamot siya sa batok niya. "Wala lang yun."
Tinaasan ko siya ng kilay, waiting for him to say the reason pero tumitig lang siya sakin with a shy smile.
Napabuntong hininga muna siya at biglang nagbago yung expression niya. Bad idea Ana, bad idea.
"Na-ospital kasi si Mama, ako muna yung pinagbantay ni Dad." He gave me a sad smile at umiwas ng tingin.
I apologized kasi pinilit ko siya. "Sabihin mo kay Tita, get well soon."
Nginitian lang niya ako at humalumbaba siya tsaka tumingin sa bintana. His eyes are full of emotions and thoughts that I can't read.
I know there's something more to his reasons. Hindi nalang ako nagsalita at tinitigan ko nalang siya. Why won't you say it? Getting drowned in his eyes every second. Tell me. Naisip ko nananaman yung pinag-usapan nila kanina.
I really hate overthinking mas lalo na kapag wala akong alam kung ano na yung nangyayari. He's a guy full of secrets, I can feel it. Makikita mo na sa mata niya that he's mysterious, he's a trouble. A guy I shouldn't get to know.
There's something in him that makes me want to know more. The words just suddenly came out of my mouth. "Bakit ayaw mong sabihin yung pangalan mo?" Staring directly to his eyes searching for something.
Dahan-dahan siya napatingin sakin at tumitig sandali. Malungkot pa rin yung mga mata niya. He gave me a sad smile and patted my head.
![](https://img.wattpad.com/cover/31776261-288-k468991.jpg)