Tinititigan ko lang siya habang nagbabasa ng The Da Vinci Code. Napapakunot ang noo niya minsan at nanlalaki yung mata niya. He look so cute. Napangiti nalang ako at umiling.
Bigla siyang napatingin sakin at kinunot ang kanyang noo. "What?" Ibinaba niya ang libro at tinignan akong maigi. "Bakit ka ngumingiti mag-isa?" Bigla siyang napatawa, "Nababaliw ka na?"
I rolled my eyes ang let out a chuckle. "Para ka kasing ewan," Pinigilan ko yung tawang lalabas dapat sa bibig ko, "Epic yung expressions mo." Napatawa ako ng mahina at tinignan ko yung libro. "Tungkol saan yan?" Tinuro ko yung librong binabasa niya.
Ngumiti siya at kinuha yung libro tsaka siya nagsimulang magbasa. "About sa Grail." He flipped through the pages scanning the book.
Kumunot yung noo ko. Grail? Mukhang naramdaman niya na hindi ko alam kung ano yun kaya napangiti siya then he patted my head.
"About din siya sa codes, hinahanap ng main character kung nasaan yung Grail."
Mas lalong kumunot yung noo ko. Huh? Mukha namang interesting yung book, I'll try to read it kapag natapos na siya.
"Gusto mong basahin?" Tanong niya sakin pero yung atensyon niya ay nasa libro. "Bigay ko sayo pagnatapos ko na."
Tumango nalang ako at tumingin sa bintana, after a few minutes binaba na niya yung libro then he started poking my cheek.
"Lily." Kinurot niya yung pisngi ko nung hindi ako gumalaw. "Kumain ka na?" Tumigil siya sa pagkurot at humalumbaba.
I nodded in response at ibinalik sa kanya yung tanong pero hindi niya sinagot.
Napaisip ako, matagal na kaming magkasama pero hindi ko pa rin alam yung pangalan niya.
"Can I ask a question?" Umayos ako ng upo at tinitigan ko siya sa mata. Nabigla siya at dahan-dahang tumango. "Dito ka ba nag-aaral?"
Napangiti siya sa tanong ko at napa-iling. "Oo naman." Hinawakan niya yung batok niya. "Ngayon mo lang nalaman?"
I rolled my eyes. "Wala ka naman kasing sinasabi." Sinamaan ko siya ng tingin.
Napa-oh nalang siya tsaka niya nagsulat sa table gamit an daliri niya.
Tinitigan ko siya ng seryoso, napasin niya yun kaya tumitig din siya at tinanong niya kung bakit.
"Ang tagal na nating magkasama pero hindi ko pa rin alam yung pangalan mo." Umiwas ako ng tingin at tinignan ko yung kamay ko.
He let out a nervous laugh dahil sa sinabi ko. Tumingin ako sa kanya, he wants to say something pero mukhang hesitant siya jaya pinantaasan ko siya ng kilay.
"Ha-ha, bakit?" Kinamot niya yung batok niya at napayuko. He's nervous af.
"Pwede ulit magtanong?" Tinitigan ko siyang mabuti, hindi ko na hinintay yung sagot niya. "Anong pangalan mo?"
Hindi niya ako tinignan. "Kailangan pa ba nun?" He let out a nervous laugh. Pinantaasan ko siya ng kilay at tinitigan ko para mailang siya.
May nakita akong pawis na tumulo sa noo niya at agad niya naman itong pinahiran. After a few minutes, naramdaman niya na hindi talaga ako titigil hanggat hindi niya sinasabi kaya he met my gaze and let out a sigh.
"Mico." Umiwas siya ng tingin at yumuko.
Napangiti nalang ako at tumingin sa bintana. Susuko ka rin naman pala eh.
"Night Ma." Hinalikan ko yung pisngi ni Mama at umakyat na sa sarili kong kwarto. Napangiti nalang akong bigla sa di malamang dahilan. Mico. Nakaramdam na ako ng antok kaya nahiga na ako sa kama and I slowly drifted to sleep.
"Hoy, di pa tayo tapos!" Tinawag ako ng isang batang lalaki habang tumatakbo palapit sa akin.
I continued running kahit nahihirapan na akong huminga. "Yoko sayo, inaaway mo ko!" A tear escaped my eye kahit na napapatawa ako.
Biglang lumungkot yung mukha niya na parabang inagawan ng candy at tumigil na sa paghabol. "Di mo na ba naaalala yung promise natin?" Tinitigan ako nung bata.
Tumigil na ako sa pagtakbo at nilapitan yung batang nanghahabol sakin kanina. "Promise mo munang hindi mo na ako aawayin." I pouted my lips.
Napangiti siya sa sinabi ko, labas lahat ng ngipin. "Promise." He raised his pinky para makapagpinky swear kami. "Kahit anong mangyari, wag mo akong kakalimutan ah." Sabi niya sakin ng nakangiti.
Unti-unting nagblur ang itsura ng bata kaya hindi ko ito nakilala.
Nagising ako sa di malamang dahilan, umupo ako ng maayos at sinandal ko yung ulo ko sa headrest ng kama. 01:34 am palang. I stared at my ceiling."What the hell was that?" Napatawa ako ng kaunti. It feels real and it's so weird. Hindi ko nakita yung itsura ng bata kaya hindi ko na ito masyadong inisip at bumalik nalang sa pagtulog.