Chapter 1

49 1 0
                                    

Chapter 1

Another boring day of my college life. Puro quizzes, homeworks, recitations and looooong projects. Nakakabaliw na sa sobrang dami ng dapat aralin. Nakakapagod ng mag-aral.. Hay pero joke lang para sa akin din to. After three years alam kong magiging worth it lahat ng pagod kong to. Anyway, I'm Janica Anne C. Feliciano, 18 years old taking bs in tourism management in Xavier's University. Studious and competitive daw sabi nila pero kung ako tatanungin niyo sakto lang naman. Hindi naman ako ganun kasubsob sa pag aaral pero I love studying plus the fact na gusto ko yung kursong tinetake ko. Friendly ako sa mga taong hindi plastik at manggagamit. I HATE THEM. Lalo na yung mga akala mo santacruzan everyday dahil sa kakapal ng foundation nila. Eh kung atupagin nila ang pag aaral nila para hindi sila mangamatis sa exams.

May kapatid akong babae. Mas matanda siya ng isang taon at hindi maganda ang relasyon namin bilang magkapatid. Hindi ko din matandaan kung kinoconsider niya ba talaga ako bilang kapatid kasi simula palang ata ng pagkakapanganak sa akin ni mama galit na siya. Ewan ko ba. Ganun din ang tatay ko sa akin. Marami kaming pera pero kahit kailan ni hindi nila ako magawang kausapin kahit na birthday, pasko, new year o kung anumang okasyon na dapat icelebrate ng buong pamilya. Si mama naman ay sumalangit na noong araw din ng kapanganakan ko. Kaya kung tatanungin niyo ako kung masaya ba ang childhood ko... wala talaga akong masasagot. Lahat na ginawa ko para mapansin ako nila papa at ate pero kahit kailan di nila nagawang tingnan ako. Sinubukan ko silang kausapin at lapitan pero sila itong lumalayo sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit. Lahat ng achievements ko mula elementary ay para sa kanila pero wala pa din. At hanggang ngayon eto ako nagpapakagenius at nerd. Gusto ko kasi pag nakatapos na ako, ako na ang tutustos sa gastusin ko. Lalo na at ganito ang pakikitungo nila. Gusto kong patunayan na kaya kong mamuhay nang hindi humihingi ng kahit anong uri ng tulong mula sa kanila. Pero umaasa pa din ako na maaayos ang lahat at magagawa din nila akong mahalin bilang kapatid at anak.

Maraming nakakapansin ng pagkahawig kami ni ate Rox Anne pero hindi ko masabing kapatid ko siya na ate ko siya. Kasi alam kong ayaw din niyang malaman ng mga bruhilda niyang kaibigan na may kapatid siyang walang alam gawin sa buhay kung hindi ang mag aral. Well ok lang naman sa akin yun kasi totoo naman talagang pala aral ako.

Hindi kagaya ni ate ang ganda manamit, ang ganda mag ayos at lahat nakukuha niya specially lalaki. Kaya lang pinaglalaruan lang niya lahat ng nakakarelasyon niya. Member din siya ng isang sorority sa university na pinapasukan namin. At ako naman academic organizations ang sinalihan ko. Oh diba? Sinong mag aakala na kapatid ko talaga siya.

"Hoy Janica! Ayan kana naman. Tulaley ka" sabi naman ni Cy, bestfriend ko. Ever since na tumapak ako sa unibersidad na ito. Siya na ang kasama ko. She's the best among the best people i've met in college. And alam na niya lahat sa akin. At wag na wag niyong subukang tarayan o inglesin yan nako magdudugo talaga ilong ninyo sakanya

"Che! Wag ka nga. Hindi ko maintindihan tong math. Kainis." Lahat na tanungin niyo sa akin wag lang equation sa math.

"Naka tunganga ka nanaman kasi kanina sa klase eh. Ayan nakuha mo." Habang pinagpapatuloy niya ang oag mememorize ng iata designators ng 240 airlines. Isa pang sabog utak na subject iyon.                             

"Boring kasi. Kakahilo puro numbers. Sige na paano ba ito?" Turo ko naman sa isang problem na hindi ko maintindihan. At yun itinuro niya sa akin kung paano.     

After 15 minutes..

"Jusmiyo marimar. Tapos na! Ba't naman kasi kelangan pang problemahin ang mga problems na yan eh" reklamo ko

"Sa buhay minsan kailangan mong hanapin ang solusyon sa mga problema. Minsan nakakalito, minsan magkakamali ka, minsan magiging tanga ka, minsan masasaktan ka at minsan iiyakan mo pa. Trial and error ika nga nila. Maraming pwedeng formula ang maaari mong gamitin para makuha ang final answer pero always keep in mind na hindi lahat ng final answer na nakukuha mo sa bawat equations ay right answer. Kailangan balansehin ang puso at utak. Pero at this moment mas kailangan mo ang utak kaya sa puso o sa nararamdaman mo. Isantabi mo yang pagka nega mo para matapos mo lahat yan. Minsan kasi you should give it a try kasi we all know na it's worth taking the risk." Sabay kindat niya sa akin pagkatapos ng kanyang napaka habang speech.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three Words I Should Have Said [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon