"Ma'am, why me?" I asked her with a wonder-struck expression.
" Because you're one of the perfect candidate for the pageant." Seryosong sabi niya.
" Ma'am I'm not." depensa ko agad.
" Don't worry young lady, Miss Kalikasan muna ang mauuna."
" What!?" halos mapasigaw na sambit ni Thalia dahil sa sinabi ni Mam. May iba pang binanggit si ma'am at hindi ko na naintindihan. Umalis na kami at tumungo sa canteen. Usap- usapan na din sa buong campus ang pag hahanda sa nasabing pageant.
"Hayaan niyo guys, matagal pa naman. Mapapag- handaan pa yun." sabi ni Julia.
"Bili na tayo baka malate pa tayo sa klase." saad ko naman. And with that, bumili na kami ng aming makakain.
"Thalia!" Sigaw ng isang boses.
Humarap kami sa pinanggalingan ng boses at ang Kuya niya lang pala.
"Why?""Sabay na tayong lahat mag lunch."
"At bakit naman?"
"Wala lang little sis." parang naiilang na sabi niya sabay tingin sa direction ko. Hindi ko alam kong ano ang nararamdaman ko once na tumitingin siya sa akin. Tulad ng sinabi niya sabay- sabay kaming kumain ng lunch, halos lahat ng mga mata ng mga studyante ay samin nakatingin dahil sa ingay at sa mga poging kasama namin.
"Next time ulit mag outing naman tayo." saad ni Kuya Nash habang naka akbay sa girlfriend niyang hilaw.
"Pre naman eh, lugi kami, ikaw may kasama kang jowa pano naman kaming single dito." biro ni Kuya Enzo kay Kuya Nash.
"Pre ang sabihin mo torpe ka Lang talaga at........." napatigil si Kuya Nash ng may dumating sa aming harapan.
"Kuya Nash pinapatawag ka raw po ni Mr. Jalos para sa darating na Mr and Ms. Kalikasan."
"Ahhh, sige susunod na lang ako dun. Salamat." sagot niya. Humarap naman siya sa amin at saktong tapos na kaming kumain.
"Kuya France salamat nga pala sa lunch, sa uulitin HAHAHAHA. Sige mauuna na kami baka malate pa kaming apat sa klase." saad ni Julia.
"Hahaha your always welcome, sige punta na din kami sa room namin. See you around."
Nang makadating na kami ay ganun pa rin, klase ng klase hanggang di ko namalayan na last subject na pala namin .
"By the way class I have to announce something before we start the discussion." Sabi ng guro namin. "This incoming July we have a pageant."
"Yun oh!"
"Whoah!, for real??"
"Sino kaya mapipili sa atin ulit, sana naman manalo minsan lang toh ehh."
Yan lang naman ang mga komentong narinig ko mula sa mga kaklase ko, hanggang hindi na natuloy yung sasabihin ni ma'am dahil sa kaingayan ng mga bida-bida kong mga kaklase hehe joke.
" Class listen! Ang ipanlalaban natin sa ating Grade 10 ay si Miss Revilla." nakangiti pa niyang saad. "Miss Revilla don't worry may partner ka dun. Please prepare yourself for the pageant. Magaganap ang pageant ay 2nd week ng July."
"Go Thalia."
"Keri mo yan!"
"Support ka namin!"
"May meeting bukas at kailangan dun yung mga kasali sa pageant. Pinag uusapan pa kung anong oras at—" napatigil si Ma'am sa pag sasalita nang may mag excuse.
YOU ARE READING
My First Love Become My Last
FanfictionGianna Agustin ay isang babaeng hindi naniniwala sa First love mo ay magiging Last mo, pero mag- babago lahat ng iyon kapag dumating ang isang lalaking Revilla. Ang dating tinatawag na bitter ay maiinlove sa taong makulit na lalaki. Hanggang sa...