Chapter Two

3 1 0
                                    

Take this

[Angel]

Halos dalawang linggo na akong naghihintay sa paramdam ni George. Halos dalawang linggo na rin akong naghihintay sa mga text at tawag niya. Ni hindi niya ako sinusundo o puntahan man lang dito at ni isang e-mail o chat hindi ko natanggap sa kanya.

Ni 'Ha' ni 'Ho' wala!

Ayoko naman isiping nakalimutan niya na ako, it's because I know he will not. I trust him. Alam ko naman busy siya sa negosyo nila at palagi naman siyang busy doon. Pero sumasagi pa rin sa isipan ko na marahil ay nakalimutan niya na ako at puro trabaho na lang ang inaatupag niya. Pero pakshet lang! Am I too paranoid? Alam kong hinding-hindi niya iyon magagawa sa'kin. Alam ko iyon. He loves me fairly.

Pero di pa rin ako mapalagay at inip na inip na ako sa kakahintay sa kanya. I badly missed him so much.

Gusto ko sanang puntahan siya sa office niya, pero feeling ko ay nabibigatan ang sarili ko na puntahan siya at baka maka-istorbo pa ako sa kanya.

Ngunit hindi ko lubusang maisip na hindi niya sinasagot ang mga texts at tawag ko sa kanya. Sana man lang kahit ni isang salita ay matanggap ko mula sa kanya. Pero wala talaga. Siguro ay maghihintay na lang ako hanggang magparamdam siya.

Mahal na mahal ko siya.

"Huy Angel, bat ka ba natutulala dyan? Ano ba yang iniisip mo? Kanina pa ako nagtatanong dito sa mga designs mo kung alin ba talaga ang bagay sa'kin?" Nagulantang na lang ako kay Hazzyle nang mahina niyang hinampas ang balikat ko. I slightly shook my head at saka humarap sa kanya at saka lumingon sa sketchpad na hinahawakan niya.

"A-ah, eh ito na lang bagay sayo." Nakita ko na lang na umiling-iling sya sa'kin at binaba ang sketchpad na hinahawakan niya at nilagay sa isang table.

Narito ako ngayon sa bahay ni Hazzyle habang nakaupo sa sofa niya. Iniwan ko ang boutique sa mga trabahador na nagbabantay doon at pinilit ako ni mommy na siya muna daw ang mag-mamanage doon. At ayun natalo nga ako ni mommy. Wala naman daw siyang gagawin, sinabi pa niyang boring siya ngayon at gusto niyang may gagawin siya. Si mommy talaga, may pa-boring-boring pa. Feeling bagets eh.

"Hay naku Angel, iniisip mo ba si George?"

"H-hindi ah!" I hardly objected and shook my head.

"Huwag ka na ngang magkaila dyan, obvious na eh!" Ipinatong nya naman ang kanang kamay niya sa kabilang balikat ko. "Kung iniisip mo talagang kinalimutan ka na ni George, subukan mo syang puntahan. Alamin mo." Seryoso niyang sabi sa'kin. I sighed.

"Ayoko namang maka-istorbo sa kanya dun. Alam kong busy siya."

"Kailan ka ba naka-disturb kay George? Hindi mo nga sya pinupuntahan. Almost 2 weeks ah. Ano naman klaseng istorbo yan, aalamin mo lang naman." Hay nako, pinipilit talaga ako nito. Sa totoo lang talaga ayokong puntahan sya. I'm not yet ready.

I sighed deeply. "Natatakot ako Hazzyle, paano na lang kung nakalimutan nya na talaga ako. Paano na lang kung hindi nya na ako mahal?" Gusto kong umiyak sa mga sinasabi ko. Ayokong isipin iyon, pero ewan ko ba pinipilit talaga ng utak kong isipin ang mga bagay na iyon. 'Wag naman sana.

"Alam mo Angel, ang nega mo. 'Wag mo munang isipin iyon, magpahinga ka muna dyan, kukuha lang ako ng meryenda natin." At saka humakbang paalis si Hazzyle papuntang kusina. At naiwan na lang akong tulala dito, hay.

Nang bumalik si Hazzyle na may dala-dalang tray na may lamang cookies at orange juice at saka umayos ako ng upo na kanina ay natutulala pa rin ako. I'm aware na wala talaga ako sa sarili at iniisip si George. Hay naku George, ginugulo mo na talaga ang isipan ko. Buti na lang mahal kita eh, hindi kita magawang kalimutan. Ikaw kaya nakalimutan mo na ba ako?

Bitter and the BetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon