Chapter Three

5 1 0
                                    

Sid Illiano was nice

[Angel]

Halos ilang araw ko nang kinikimkim ang lahat ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko lubusang maisip 'bat ako nagkakaganito, nang dahil sa lintik na pag-ibig na 'yan nawasak lahat ng mga sandaling masaya ako. Nang dahil ito sayo George! I'm really pissed-off. Bakit ba ganito na lang ang epekto mo sa'kin George? Bakit 'di mo magawang lubayan ang isipan ko? At bakit hindi ko pa rin magawang mag-move-on? Pakshet lang!

Ganito ba talagang masaktan? Unti-unti kang linalamon ng kung anong masakit sa damdamin mo? Ni hindi ka makatulog at hindi ka makakain. I think, I felt all the kinds of discomfort. I've almost killed myself, it sinks to my thought that I'm dying. OhMyGod, don't say that Angel! Stop saying those words, it's just a matter of shit! Love is really a shit!

George, you ruined my life. And I really hate you for that.

Nag-text sa'kin si mommy kung nasaan na ba ako, ni-relpy-an ko lang na narito ako ngayon sa bahay ni Hazzyle at dito na ako matutulog. Pero nagsisinungaling lang ako, sa totoo lang ay narito akong mag-isa sa bar. Gusto ko muna ng peace of mind, gusto ko munang uminom. I think, it will give a big help just to cope this shit feelings. Hindi naman ito ang first time kong uminom at pumunta sa ganitong klaseng bar. Minsan pumupunta kami ni Hazzyle, well it's just a sort of gimik. I think, wala namang masama.

Anyway, I remember what happened last time. Hindi ko lubusang mawari na yung binigay na calling card sa'kin ng lalaki nagdaang araw ay kinuha ko pa rin. Sa state of unconscious mind ba ako o kumati lang talaga ang kamay ko na kunin iyon? 'Wag nyong isipin na tinatanggap ko ang concern ng gwa--lalaking iyon. Oops! You should never say that. He's a boy. Starting now, you hate boys. Isn't right?

That boy? Well, wala akong pakialam sa concern nya. Nagpapakitang tao lang iyon. I think so.

May lumapit sa'kin isang bartender, marahil ay kukunin ang order ko.

"Just one bottle of tequila." Tugon ko sa kanya. Hello! Ayoko ko nga magpakahilo dito, baka mawala pa ako sa sarili ko ng hindi ko namamalayan lalo na't mag-isa lang ako dito. One bottle is enough. Gusto ko lang makanamnam ng alcohol. Tumango-tango lang sa'kin ang bartender at humakbang paalis.

Hindi naman nagtagal ay bumalik ang bartender pabalik sa lokasyon ko na may dala-dalang tequila.

"Ito na po ma'am, enjoy!" Hyper na ngiting tugon nito sa'kin. Babayaran ko sana sya nang agad-agad syang umalis. Ano ba naman ito!?

"Wait, here's the money!" Sigaw ko sa kanya. Medyo maingay kasi dito sa dahilang may tumutugtog na napakalakas na music. Are you sure Angel? Peace of mind talaga ang pinunta mo dito? I said to my thoughts. Well, I don't think so.

"No problem ma'am.." umiling-iling pa sya sakin habang wagayway ng dalawang kamay. "Sabi po kasi ni boss, libre po yan. Just for you." Hah? I don't understand, bakit naman libre? Just for me?

"Are you sure!?"

"Yes, ma'am!" Ngiting sagot nya sa'kin.

"Then, where is your boss?" Kibit-balikat lang ang isinagot nya sa'kin at paalis na tumakbong papalayo sa'kin. Bastos ah! Well, thanks for your boss.

Nang umiinom ako ay may mga narinig naman akong tili at mga nagsasalitang grupo ng babae sa 'di kalayuan ko. Mukhang mga bratinela!

"Oh my God, kakanta yung may-ari ng bar ngayon!"

"What? Really!? Oh gosh, I'm excited to hear his handsome voice na!"

"Ang gwapo nun noh? At saka ang hot-hot pa! Oh my God, I can't really wait na!"

Bitter and the BetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon