39

482 32 12
                                    

Kabanata 39: Asawa

"Are we still not killing anyone? Hihintayin pa ba nating tayo ang patayin nila?" Utas ni Earl.

"Not on my watch, Earl," Pumasok siya sa loob ng resort. Natigil ang palitan ng putok ng unti-unti siyang maaninag ng mga tauhan ni Lucas. Of course, they know her. Everyone knows her. Her physical appearance doesn't change a bit. Ganoon pa rin ang itsura niya base sa aking alaala at sa mga litratong kasama siya.

There's a change that is very evident when you see her. Her eyes change. Her eyes spoke innocence and kindness...a complete depiction of pureness but her eyes are different now. This is maybe one of the reasons why I don't recognize her as Kiah. She covered her face except her eyes. It feels like her eyes depict darkness and sadness. Because of everything that happened to her life for the past years, it's understandable that her pureness is long gone.

Pumanhik ako at pumwesto sa likod ni Vian. Hanggang ngayon ay minamasdan ko pa rin siya at hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon. Tila tumigil ang mundo ni Lucas. He smiled like a creep. Binitiwan niya ang buhat buhat niyang si Clio. Napadaing ako sa paraan na ginawa niya. Parang laruan lang na basta bastang itinapon si Clio.

Masyadong mabilis ang nangyari. Walang palitan ng mga salita. Agad na pinadaplis ni Vian ang bala sa binti ni Lucas. Napaluhod siya sa sahig at namilipit ang mukha ngunit nagawa niya pa ring tignan si Vian. Sinusubukang abutin ng kamay niya si Vian kahit na malayo pa siya sa amin. Mabilis ang paglipat ng kanyang asinta sa mga tauhan ni Lucas na nakaantabay nang matamaan siya.

Ilang minuto lang ay dumating na ang mga tao ni Parker kasama ang buong grupo. Gumilid si Vian sa tabi ni Earl Rodriguez upang makadaan ang mga tao ko at hindi na makatakas ang mga tauhan ni Lucas.

Tinapik ako ni Parker sa balikat nang mapansin ang pagkatuod ko sa kinatatayuan at ang mga titig ko kay Vian. "Lapitan mo."

Hawak sa braso si Lucas ng dalawang tauhan namin upang hindi makawala. Sinisigaw niya ang pangalan ni Vian. Unti-unting tumahimik nang mapatigil na ang helicoper. Nagpumiglas siya nang matapat kay Vian. Doon ay gumalaw ako palapit sa pwesto nila. Hindi niya mahahawakan si Vian. Hindi na!

"Mayroon akong biniling property para sa ating dalawa rito sa Zambales, Vian kapag magsasama na tayo. Gusto mo rito, hindi ba? Come with me...please."

Kita sa bawat pagkurap ng kanyang mata ang takot habang nakikita si Lucas na sinusubukang lumapit sa kanya.

"Don't make me want to kill you," Malumanay niya iyong sinabi ngunit may pagbabanta sa kanyang bawat salita.

Lucas smirk evilly, "At ano? Sasama ka sa anak ni Chesca? Hindi ako makakapayag!"

Wala sinagot si Vian kahit na nagwawala na si Lucas. Hinawakan niya ang braso ni Earl at hinatak patungo sa bandang hagdan paakyat kung nasaan ang helicopter at kung saan nilalapatan ng first aid ni Hunter si Clio.

"Hindi pa tayo tapos. Babalikan kita, Vian!"

"I will not let you do that, Lucas," bulong ko sa kanya nang dumaan siya sa aking gilid. Hawak-hawak pa rin siya ng mga tao ko.

Naging abala sina Parker sa paghuli sa mga tauhan ni Lucas. Ganoon na rin ang ginawa ko dahil sa totoo lang ay natatakot pa akong lapitan si Vian. Tila wala rin siyang balak na kausapin ako kaya mas lalong nadagdagan ang takot na nadarama.

Nagmadali silang puntahan kung nasaan si Clio. Ang unang dumalo kay Clio ay si Hunter.

Sa bawat pagpasok at paglabas ko ay saglit akong sumusulyap sa kanya at dinadasal na nakatingin din siya ngunit hindi. Abala siya sa pakikipag-usap kina Hunter at Earl. Hindi namin magalaw doon si Clio dahil hinihintay pa ang ambulansya na magdadala sa kanya sa pinakamalapit na ospital dito sa Zambales.

Without Her (Book 2 of Chimera Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon