28

328 30 3
                                    

Kabanata 28: Naliwanagan

A lot of people said that you can stop the rapist from raping you. Asking questions like "Why don't you stop it? Maybe it was because you liked it eventually." and telling things like "You should've said no." How I wish it could be that easy?! Can you stop a robber from robbing you when you told them no? Will he/she stop when you say no? No, they won't. Why is it not the same with rape? Why is it easy to put the victims at fault? But it's hard to see the reason that rape happened because of the rapist.

Matagal ko ng alam ang kaisipang ito ngunit ngayon ko lang pinaniwalaan na tama nga ito. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na sisihin ang sarili ko sa nangyari sa akin dahil wala akong kasalanan. Mas naiintindihan ko na ngayon ang sinasabi sa akin ni Janet noon.

"Kanina pa kita hinahanap," I managed to sound casual. I fixated my eyes towards the girl. She's close to crying and her eyes' pleading. Nakakita rin ako ng ginhawa ng Pumagitna ako sa kanila, "Mga kaibigan mo?"

Magaan kong hinawakan ang braso niya. Nanginginig ito at maging ang bibig niya. Hindi siya nakasagot sa tanong ko.

Hinawakan ng isa ang pulso ko saka nagsalita. "Excuse me, miss. Nag-uusap pa kasi kami ng kaibigan mo, pwede bang maiwan mo muna kami?"

Hawak ko ang kamay ng babae at hawak ng lalaki ang kabila kong kamay. Nang pumalo ng malakas ang hangin ay bumitaw ang balabal sa akin na naging dulot ng paglipad nito at pagkahulog sa buhangin.

Nalaglag ang panga ng lalaking may hawak ng aking pulso. Kumislap ang kanyang mata. Nililipad ang mahaba kong buhok. Ang ilang hibla nito'y sumasaboy na sa aking mukha. Unti-unting lumuwag ang hawak niya sa aking pulso. 

Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Umayos ng tindig at inayos ang gusot na damit.

"Hindi mo naman sinabi na may kaibigan kang maganda, Sonya."

"Gusto mo bang sumama sa amin ng kaibigan mo? Inaaya namin siyang uminom sa isang beerhouse dyan sa malapit ngunit ayaw niya," malambing nitong pakikitungo sa akin.

"Oo nga. Sama ka na sa amin. Mas marami, mas masaya!" Ipadadausdos ng isa ang kamay niya sa aking balikat para akbayan ako ngunit umiwas ako roon.

"No, aalis na kami," mariin kong sinabi.

"Sige na miss. Huwag naman kayong KJ ng kaibigan mo."

"Ano bang pangalan mo? Ako nga pala si Tonyo. Tara na sa beerhouse. Libre namin," Iginiya niya ako at ipinipilit na sumunod sa kanya ngunit hindi ako gumagalaw. Nasa likod ko lang si Sonya at pinoprotektahan siya.

"I said no. Ano bang hindi mo maintindihan sa salitang iyon?" tugon ko.

Hinawakan ko si Sonya at igigiya na paalis. Hindi sumunod ang dalawa sa amin. Tinanong ko kung ayos lang ba si Sonya at sumagot siya ng pagtungo. Isasama ko na lang siya marahil pabalik sa resort.

Hindi pa kami nakakalampas sa malaking bato kung saan ako nagtago kanina ay narinig ko ang boses ng isa sa mga lalaki kanina.

"Saan ba kayo? Ihatid na namin kayo," Hinawakan niyang muli ang pulso ko. Nang ginawa niya iyon ay hinawakan ko ang pulso niya gamit ang kamay na hawak niya. I twisted his arms and use my other hand to pushed his elbow. Napatagilid siya at napapilipit sa sakit. Pakiramdam ko sa ginawa ko ay nabalian siya.

"What's hard to understand? I clearly said no!" I spat angrily.

Nilapitan ako ng isa para ipaghiganti ang ginawa ko sa kaibigan niya ngunit tumigil siya agad. "Pasalamat ka at hindi ako nananakit ng babae!" Naduduwag niyang tugon at nagmamadaling inalalayan ang kaibigan niya para isama na palayo sa amin. 

"Ang balabal mo," Sabi ni Sonya sa maliit na tinig.

Muntikan ko ng makalimutan. Tinakbo ko ang maliit na distansya. Mabuti at hindi nilipad sa malayo ito. Bigay pa naman ito ni Janet. Hindi na ako nag-abalang iaayos ito. Matapos kong ipagpag ay inikot ko na lang ito sa aking leeg para hindi na liparin.

"Gusto mo bang sumama sa resort? Taga saan ka ba? Ihahatid na kita baka sundan ka ulit ng mga iyon."

"Oo, sige sabay na tayo. Dyan din ako nagtatrabaho sa resort. Magpapasundo na lang ako sa kapatid ko. Matagal na akong pinopormahan ng isa roon. Iyong binalian mo. Ayaw nila akong tigilan dahil hindi ko sila matanggihan ng diretso. Nahihiya kasi ako baka isipin nilang nagmamaganda ako."

"Ang mga lalaki, akala nila ay nagpapapilit lang ang isang babae kapag sinabi nitong hindi. A no is a hard no. A maybe is still a nol," I uttered while we're walking back to the resort.

"Sonya!"

"Kuya!" sambit ni Sonya nang makita ang taong sumigaw sa malayo. Nag-angat din ako ng tingin kasunod niya at nakitang si Junel iyon.

Naglakad ito palapit sa amin. Pinasadahan lang niya ako ng tingin at itinuon ang pansin kay Sonya. Hindi niya ako nakilala. Ito marahil ang unang beses na hindi ko suot ang balabal ko kaya siguro ganoon.

Mabilis siya napalingon ulit sa akin. He's looking at my scarf. Well, it's kind of unique because no one is casually sporting a purple scarf other than me. It's rare.

"Kiah?" He asked.

"Magkakilala kayo, Kuya Junel? Tinulungan niya ako sa mga nambabastos sa akin kanina sa dalampasigan."

"Ginawa mo iyon?" Mukhang hindi pa rin siya makapaniwala na ako si Kiah at dumagdag pa ang sinabi ni Sonya. "Salamat!"

Kinailangang bumalik ni Sonya dahil hindi pa tapos ang shift niya sa resort. Paulit ulit siyang nagpasalamat sa akin bago tuluyang umalis.

"Ito ang unang beses kong makita ka ng walang balabal. Uh," He acted awkward.

Ang dalawang kamay ko ay magkahawak sa aking likod. Isang beses kong hinakbang ang kanang paa at tumango.

Natahimik kami ni Junel habang nakatayo roon sa dalampasigan. Ang malakas na hampas ng alon at hangin ang natatanging ingay. Hindi siya nagsasalita at lalong wala naman akong sasabihin.

"Gusto mo bang maglakad lakad muna?" tanong niya bilang pagbasag sa katahimikan.

Tumango lang ako. Nilabas ko ang cellphone ko para tingnan ko may mensahe si Earl sa akin ngunit wala maliban sa text ni Junel.

"Nagreply ka pala. Hindi ko na nabasa," tugon ko. Tinanong niya kung saang resort. Nandito pala siya para sa akin at hindi para kay Sonya. "Paano mo nahanap na nandito ako?"

Napakamot siya sa kanyang batok. "Inisa-isa ko na lang ang mga resort dito. Bale pangatlong resort ko na itong napuntahan."

Napaawang ang bibig ko sa gulat at may halong hiya. "Pasensya na. Nawala sa isip kong sabihin kung saan."

"Nagulat ako ng ayain mo ako na kumain sa labas."

Itinuro ko ang buhangin para maupo dahil malayu-layo na rin ang nalakad naman mula sa resort.

"Is it that weird?" I asked. His eyes widened. It is the first he heard me talking in English with my usual accent. I eventually chuckled. "Nakilala mo ako dahil sa balabal ko. Ngayon lang ako nagpakita ng ganito. Hindi ka ba naweirduhan?"

"Kasi? Hindi ka naman Muslim?" Umiling siya. Hinanap niya ang aking mga mata bago idugtong ang sasabihin, "Nakilala kita dahil sa mga mata mo..." He chuckled as he continue, "Pero nakumpirma ko sa balabal mo."

I smiled. "Hindi naman kakaiba ang mata ko."

Marahan siyang umiling, "Malungkot ang iyong mga mata. Madalas ipinapakita ng mga mata natin ang sinisigaw ng iyong puso na hindi kaýang sabihin ng ating mga bibig. Madalas kong basahin ang mga tao gamit ang mga mata nila."

"Talaga?" I teased. Hindi ako naniniwala. "Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon?" Hinawakan ko ang kanyang pisngi para iharap sa akin at maipakita ko sa kanya ang aking mga mata.

"Malungkot pa rin ang mata mo ngunit hindi na gaya noon. Para kang naliwanagan."

Without Her (Book 2 of Chimera Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon