26

399 31 3
                                    

Kabanata 26: Failed

Ilang kasinungalingan pa ang sinabi ko tungkol sa relasyon namin ni Earl para mapaniwala ko si Junel. Sa huli ay nagpalitan kami ng numero.

Nang makabalik kami ay agad akong pumuslit sa kwarto ni Elijah para makapag-usap kami.

"He really thinks I am you, Vian. Hindi niya ba mahahalata? Mas matangkad ka sa akin! Ngayon lang pumasok sa isip ko, natatakot ako na baka alam niyang nagsisinungaling ako."

Napag-isipan ko na ito bago ko pa papasukin sa security firm si Elijah. Earl helped me to forge every document from the Luxus Clinic to every hospital I underwent annual checkups. What could go wrong? Walang ibang dahilan si Ian para hindi maniwala sa binuo kong kasinungalingan.

Alam ni Elijah ang buong detalye ng kwento namin ni Ian. Sinabi ko iyon bago pa namin maplano ang pagpapanggap. Iyon kasi ang pangunahing interes ni Elijah, lovelife. Magaling siyang makisama kaya naging magaan ang pagkukwento ko sa kanya noon. Makikita sa kanyang mata at mga sinasabi ay interes niya sa mga kwento ko noon kaya lahat ng detalye ay nasabi ko.

Nagpunta sa site si Ian at hinayaan na hindi sumama si Elijah sa kanya. Akala niya ay iniiwasan siya nito dahil sa nangyari kahapon sa dalampasigan. Ang totoo ay umiiwas si Elijah para makuha siya ni Lucas Valentin. Mahihirapan si Lucas kung kasa-kasama ni Elijah si Ian.

Sumunod sa amin sa azucarera si Elijah. Sinasamahan namin si Ma'am Eliane hanggang sa trabaho niya. Napansin ko na ang driver nina Ian ay nakasunod kay Elijah at sinusundan ang bawat galaw niya.

Nagtagumpay kaming maiwala ang drayber na pinasunod ni Ian kay Elijah. Si Earl ang dumakip kay Elijah patungo kay Lucas. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Earl nang nasa byahe na kami nina Ma'am Eliane patungo sa Lucena kung nasaan sina Ian at iba pa.

Earl:
2nd floor 8 o'clock east. 45 minutes. We also get the driver.

Nakasalubong namin na papalabas ng parking si Ian. His eyes looked worried but really angry. Hindi ko alam kung nakita ko na ganito siya kagalit.

Ang mga nangyari nitong nakaraang tatlong araw ay nagpagulo ng isip ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang pag-aalala niya kay Elijah nang malaman niya na siya si Vian. Ang kaisipan na dahil mahal niya akong talaga ay panandaliang sumagi sa isip ko. Why would he cheat though? Did he really cheat on me? Nagsinungaling ba si Kim ng gabing iyon? Bakit? Para saan?

The first time I saw him on the cruise ship, his eyes looked dark. It was as if melancholy consumed him. When Elijah started to become sketchy and gave off signs that she's Keziah Vian, I saw his eyes glistened. He looked genuinely happy and hopeful. It was like it was the first time in forever that he became so alive.

"Where's Clio?" He spat.

Agad siyang umalis matapos makatanggap ng tawag sa kanyang telepono. That must be Lucas. I have to get out of here.

Sa pag-alala ni Ma'am Eliane kay Ian ay agad din kaming umuwi sa mansyon at hindi na inabala pang katagpuin ang iba niyang kasama. Agad akong humiwalay kay Kiara.

Pumunta ako sa isang talyer kung saan kakilala ni Earl ang may-ari. Ito ang pinaka malapit na lugar sa Ilaya kung manggagaling sa lugar ng mga De La Rosa. Agad akong nakilala ng may-ari. Itinuro niya sa akin ang gagamitin kong sasakyan.

Sa isang resort na malapit sa warehouse ko ipinarada ang gamit na sasakyan. Nilakad ko ang patungo sa warehouse. Sa masukal na kagubutan ako dumaan upang maitago ang sarili. Pumasok ako sa isang lagusan sa ilalim ng lupa. Ang dulo nito ay ang magdadala sa akin sa isang pinto sa bandang silangan na sahig ng unang palapag ng warehouse.

Nasa bandang timog sila ng warehouse kaya hindi nila mapapansin ang paglabas ko sa lagusan. Kaming dalawa ni Earl ang nakakaalam tungkol sa sikretong lagusan na ito sa warehouse.

Ipinusisyon ko ang sarili sa utos ni Earl sa text. East 8 o'clock. Where could that be? Tumapat iyon sa ilang mga patong na kahon. Nakatago ang mga gamit ko sa mga patung-patong na kahon. Ang madalas na ginagamit kong sniper rifle ay narito rin. Dumapa ako at nanatiling kalmado. Nakatukod ang siko sa sahig ng ikalawang palapag.

I adjusted the lens and computed the right position to take my shot. It's not even far like in Subic so this could be an easy one. Nakapikit ang isang mata ko habang sinisipat sa lente kung nasaan si Lucas Valentin. I only have to pull the trigger and it's finished.

Naranasan na ni Lucas ang paghihirap. Siguro ay naranasan niya rin ang takot na naranasan ko na naiisip na may humahabol sa akin. Gusto kong iparanas sa kanya ang sakit at hirap na pinaranas niya kay mom nang patayin niya ito. Gusto kong ipaghiganti ang kahalayang ginawa niya sa akin at sa ginawa niya sa patay na katawan ni mom. He's evil and he deserve to die.

It's what I'm trying to instill in my head as I aim my gun to Lucas' head. Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na tama ang gagawin ko dahil masama siyang tao. He left me with no choice. An eye for an eye. Buhay sa buhay. Iyon ang kapalit ng ginawa niya.

My eyes watered. Nanginginig ang buong katawan ko. Taliwas sa dapat na kalmado kong estado kapag nasa likod ng baril. Hindi ko magawa. Ilang beses ko mang utuin ang sarili ko na masama siyang tao at dapat siyang mamatay ay hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Hindi kaya ng konsensya ko ang pumatay ng tao. Naalala ko ang lalaking pinatay ni Earl.

Nagpipigil ako ng paghinga. Pakiramdam ko ay unti-unting nalulusaw ang isip ko at hindi na ako makapag-isip ng tama. Patuloy ang pag-agos ng luha ko at nanlalabo na ang paningin ko na sumisipat ng lokasyon ni Lucas sa ibaba.

Bakit ka naduduwag, Keziah Vian? He ruined your life. He killed your mom. Kung may mga taong dapat mamatay sa mundong ito ay isa si Lucas doon.

Pinatama ko ang bala sa binti ni Lucas. Agad nagkagulo sa ibaba. Tinutukan ni Earl ang nagtangkang kunin si Elijah sa upuan kung saan siya nakagapos. May ilang tao na inalalayan si Lucas na makatayo. Ipinatama ko sa kawalan ang ilang bala ko. Ang sumunod na bala ay pinatama ko para hindi nila malapitan si Elijah at matangay. Agad tumakas ang mga tao ni Lucas at akay akay ito. Agad na kinalasan ni Earl si Elijah at nakipagpalitan ng putok sa mga tao ni Lucas.

"Traydor!" sigaw na malakas ni Lucas na rinig sa buong warehouse. Nakita niya ang ginawa ni Earl at sigurado akong hindi niya iyon palalampasin.

I heaved. I failed big time. Dinampot ko ang isang baril at binibit pababa para kumustahin si Elijah. I'm glad she's okay.

Malakas na kalabog ng malaking bakal na pinto ng warehouse ang narinig namin. Nang makababa akong tuluyan ay agad akong nagtago sa bakal na column. Ilang armadong lalaki ang sumuyod sa kabuuan ng warehouse.

Agad hinanap ng mata ko si Ian. They are late. I expected that Ian would catch Lucas in case I failed to kill him. They're late! Wala na si Lucas. It was because I failed. Dahil naduwag ako.

Without Her (Book 2 of Chimera Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon