Chapter 3
Keeiche’s POV
Ang aga ko naman ‘ata sa school ngayon ? Konti pa lang kasi ang tao eh . Hindi muna ako pumasok sa classroom namin . May tambayan ako dito sa school eh , ‘dun sa napakalaking puno ng mangga na nasa pinakalikod sa school . Well , hindi talaga siya pinakalikod dahil may mini-forest pa na bubungaran mo kung sa likod ka dadaan . Siguro , ikalawa sa pinakalikod . Ang alam ko walang pumupunta ‘dun kasi may kapre daw at kung ano pang maligno ang nandoon . Tss , so childish . Hindi naman ako naniniwala ‘dun eh .
Merong wooden bench doon . Naupo ako at may nakita akong dalawang stick ng kahoy . May naiisip akong gawin . Actually , hindi ko na sinisubukan ‘yun mula ng umalis ako ng Japan . Kinuha ko ‘yun at kumanta .
BOOGSH !
Nabigla na lang ako ng may bumagsak o mas tamang sabihin nadapa sa harapan ko . Hindi ko naman nakita na may lumalapit pala dahil nakapikit ako . Nagulat na lang ako ng makita siya ..
Kiera’s POV
Masaya ako ng papunta ako ng school . Actually , ang aga ko nga eh . 5:30 AM pa lang . Ang OA ba ? Hehe , sorry na naman , excited lang . Pero hindi muna ako lumabas ng sasakyan . Natatakot kasi ako . Hindi dahil madilim-dilim pa , kundi dahil first day ko ngayon sa school . Napakunot-noo pa ang driver namin at palingon-lingon sa akin kung bakit hindi pa ako bumababa . Tumingin ako sa relo ko at nagulat ako ng 6:00 na pala . Bumaba na lang ako para makauwi na si manong driver . Phew ! May kaunti ng estudyante na pumapasok . Ang taba ng guard . Hehe , sorry na . Napansin ko lang naman .
“Dun na lang dadaan sa likod . “
At ‘yun nga , doon na ako dumaan . Matagal din akong nakapunta doon , ang laki kasi ng school eh . Mas malaki pa sa inaasahan ko .
‘Yun nga nakarating rin ako at dire-deritsong pumasok .
*lakad*
*lakad*
*lakad*
Naku … Naku po ! Bakit ang daming puno dito sa likod ? Sa totoo lang , kunti pa ang nalalakad ko . Hindi naman masyadong matataas ang mga puno . Hmmm , tumingin ako sa itaas at isa lang ang nangingibaw sa lahat ng mga puno at iyun ay isang puno rin . Hehe , totoo ‘yun . Kung hindi ako nagkakamali , iyun ay puno ng mangga .
“Bahala na … “
Kung iniisip n’yu ‘yun , well , tama kayo . Ang punong mangga nga ang ginawa kong guide . Hindi ko napansin kanina pero ang ganda pala dito . Para siyang man-made forest . Habang naglalakad ako ay nakatingalaako dahil doon ako nakatingin sa punong mangga na ginawa kong guide .
*lakad*
*lakad*
*lakad*
Malapita na ako . Teka ? May naririnig akong nagda-drum ng sticks at kumakanta pa .
I’m at a payphone trying to call home
All of my change I spent on you
Where have the times gone , baby it’s all wrong
Where are the plans we made for two ?
Wow ! Ang galing niyang mag-drum . Parang pinaglalaruan lang niya ang sticks . Pina-ikot-ikot niya pa yung sticks habang nagda-drum . Sa bench lang naman niya pinupukpok ‘yung sticks pero parang .. basta .. totoo ?
Yeah , I , I know it’s hard to remember ,
The people we used to be ..
It’s even harder to picture ,