18th

82.1K 2.1K 750
                                    

Naramdaman ko ang kung sinong lumapit sa akin para alalayan. Ngunit hindi ko nagawang kumilos at tila napako nalamang ako sa kinatatayuan, tulala sa hagdanan kung saan ko sila hinabol ng tingin kanina at kung saan ko sila huling nakita.


My breathing becomes rough, tila ayaw kayanin ng isip ko at ng nararamdaman ko ang nasaksihan kanina.


"Hija, halika ihahatid kita sa kwarto mo," para akong robot na sumama kay Tiya Ysabella. Kahit nang makapasok kami sa kwarto ay hindi ko nagawang magsalita, my tears dripped down on my face as I feel so numb.


Tila 'yong sakit ay siyang dahilan upang wala na akong maramdaman.


"Kia, makakasama sa dinadala mo ang pag-iyak."


"A-akala ko, a-akala ko kaya kong tanggapin. Akala ko kaya kong bitawan, hindi p-pala... No'ng makita ko 'yong saya ni Meast ng malaman niyang magiging daddy na siya, nakaramdam ako ng inggit. K-kung nauna ko bang sabihin na magkaka baby kami, gano'n ba magiging reaksyon niya?" wala sa sariling nilingon ko si tiya na bakas ang pag-aalala at awa sa mukha niya. She tried to dry my tears, but she failed.


"H-handa na sana akong ipaalam s-sa kaniya, pero tulad sa kung paano siya naunang makilala ni Meast, nauna rin siyang sabihin na nagkaka-baby na sila. Ngayon alam k-ko na, siguro nga dapat, dapat itigil ko na ang kahibangan ko...Dahil wala akong magiging laban kay Valierie, una palang alam ko ng wala akong laban. Siya 'yong nauna, siya ang may karapatan."


"Kung may mahahanap lang sana ako agad mailalayo na kita rito," naiiyak na sabi ni tiya at mabilis akong niyakap. I cried, I cried about everything. Pakiramdam ko'y muli kong naramdaman ang pagiging walang halaga.


One moment he makes me feel so wanted, and the next he treats me like nothing happened. Kinalimutan niya ako, kasi masaya na siya. Gano'n naman 'di ba? When someone's happy over something you had nothing to do with, they will forget about you.


Sana hindi na lang ako nag-isip na sabihin sa kaniya, sana hindi ako umasa na baka kaya kong ipaglaban sila.


He asked me if I could fight for him too?


Should I still fight now? Kung kitang kita mismo ng dalawang mata ko ang kasiyahan sa mga mata niya. He doesn't need me. Iyon ang pinaka nakita ko. Hindi ko kailangan na ipaglaban siya dahil lumalaban na siya kasama ng taong tunay na mahal niya.


Hindi ako mananalo sa isang larong ako lang ang lumalaban mag-isa. Habang lumalaban siya para sa kanilang dalawa.


I am nothing compared to Val. Isa lang akong malaking tuldok sa pagitan nilang dalawa kung pipilitin ko pang pumagitna.


Sa huli, ako rin ang maiichapwera. Tama nga ang sabi nila. You deserve what you tolerate.


"Hija tahan na, alalahanin mo na lang ang anak mo. Kahit para sa kaniya, magpakatatag ka huh? Hindi mo kailangan si Meast. Tutulungan ko kayo, 'wag ka nang umiyak," hinaplos ni Tiya ang buhok ko.


"Ikukuha kita ng tubig, babalik ako ah? Tahan na," hindi ko siya pinakinggan. Nanatili akong nakaupo at nakatingin sa kawalan. Eto ang unang pagkakataon na makaramdam ako na tila pinupunit ang kaloob-looban ko. Pakiramdam ko may bagay na unti-unting nawawasak sa dibdib ko. I was shocked, at hanggang ngayon hindi ako makaahon mula sa gulat sa nasaksihan kanina.

Carrying the CEO's Child (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon