25th

89.2K 2.1K 402
                                    

Weeks passed, August and Clover stayed with me. They didn't leave me, alone. Sa t'wing aalis ang isa ay naiiwan ang isa kaya minsan nag-aalala na ako sa trabaho nila.


Last week, when we visited the same OB, Dra. Jimenez, para alamin ang gender ni baby, ko. And we were so happy to know that he was a boy. May copy pa ako noon at ang dalawang ugok nag request din ng copy for them. Kagabi nga lang nagtatalo sila kung anong magiging name. Hinayaan ko na lang kasi mas mukhang excited sila kaysa sa akin. While deep inside me, I am also thinking of his name.


Nakasuot ako ngayon ng daster dress dahil umbok na talaga ang tiyan ko ng lumabas ako ng kwarto. I was wondering where August was. Si Clover lang kasi ang naabutan ko.


"Morning Clover, si August?"


"Aga-aga siya hanap mo? Nandito naman ako eh! Basta! Hindi ko alam, umalis, lumipad, nangibang bansa, patay na!" halatang nagtatampong sabi niya at pinagpatuloy ang paglalampaso ng sahig.


Aba't ang aga-aga rin hina-high blood ako ng isang 'to ah.


"Hoy Mcdo! Kinakausap kita ng maayos ah babatukan talaga kita!" agad naman siyang napataas ng kamay ng akmang babatukan ko talaga siya.


"Easy happy meal, joke lang eh. . .'Wag high blood, si baby, baka mahulog."


"Asan nga?"


"Lumuwas muna, may ipinapagawa ang boss naming asul ang buhok," natahimik ako at sapo ang tiyan na tinalikuran siya. I wonder if they are already married. Sa t'wing bumibisita kasi si Tiya never niyang binanggit si Meast.


"Okay thanks! Have you eaten breakfast? "


"Not yet! Let me prepare it for you, " nauna siya sa'kin na pumasok at ipinaghain ako ng almusal. Marami iyon kumpara sa dating kain ko. Kaya minsan na c-conscious na ako because I really gained weight. Habang lumalaki ang tiyan ko ay lumalaki rin ang katawan ko at nadadagdaan ang timbang.


"Dapat marami kang kainin para healthy si baby."


"Nagmumukha naman na akong balyena."


"Sexy ka pa rin sa paningin ko happy meal."


"Ulol."


"Totoo naman! Promise walang halong bola o pangloloko, " napailing na lang ako at nagsimula ng kumain. Pagkatapos ay agad din akong nagpaalam, May ginagawa kasi akong garden at katulong ko sila, medyo malago na rin ang mga flowers kaya masyado akong ingat na ingat at madalas kong pagtuunan ng pansin. Sa likuran lang naman ng bahay kaya okay na okay for me.


Ng magsimula ng maginit ay saka ko naisipang pumasok, naroroon na si August katabi ni Clover, they are both staring at Clover's laptop na halos ayaw na nilang ilayo ang mga mata nila sa screen. What are they doing? Hindi man lang nga nila napansin na nakapasok na ako at ng tuluyan akong makalapit at sinilip ang tinitingnan nila ay halos manlaki ang mata ko. Kumuha ako ng nakarolyong news paper sa gilid at pinokpok iyon sa mga ulo nila.

Carrying the CEO's Child (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon