22nd

87.9K 2.1K 190
                                    

Hindi tumigil ang pagbuhos ng luha ko habang naglalakad palabas ng bahay ni Meast. Kasama ko si Tiya Ysabella at siya ang may dala ng iba kong gamit. Nalaman niya ang nangyari at kanina pa niya ako pinapatahan.


"Kiara?" para akong napako sa kinatatayuan ng narinig ang pamilyar na boses na matagal kong namiss gaya ng pagkamiss ko sa best friend ko. Mas lalo akong napaiyak at marahang naglakad palapit sa kaniya.


"A-August!"


"Grabe naman, ngayon na lang tayo nagkita ulit tapos nag-iiyak ka? Sino may gawa niyan sa'yo s-salvage ko?" Umiiyak man ay nagawa kong ngumiti dahil sa kaniya. I hugged him so tight. Noon pa man, may isa ng katangian si August na talagang magugustuhan mo.


He has this personality na kapag kasama mo siya gagaan ang pakiramdam mo. He's so good to be true. 'Yong tipong kapag kasama mo siya, saglit mong makakalimutan ang mga problema mo.


"I miss you, August."


"Ayokong magsabi ng I miss you too, hangga't hindi mo sinasabi sa 'kin kung bakit ka umiiyak. Sibuyas ba ako? Para maiyak ka?"


"Sira!" Mahina akong natawa at lumayo sa kaniya. He stares at my eyes and when he looks at Meast house, biglang sumeryoso ang mukha niya


"Hindi ko na itatanong kung bakit, pero gusto kong malaman kung saan ka pupunta." Nilingon ko si Tiya na nanatiling tahimik sa likuran ko. Sumusulyap sa kaniya si August.


"Somewhere, where I could find peace."


"Ihahatid ko na kayo."


"Hindi na kailangan hijo," pagsingit ni tiya.


"I insist, po, Kiara's my friend too. I can't let her leave like this. Ihahatid ko na po kayo, kahit 'yon lang po," nilingon ako ni August at tinuyo niya ang mga luha ko.


"Kung 'yan ang gusto mo sige," Kinuha ni August ang mga dala namin bago niya kami inalalayan. Sabi ni tiya dadaanin daw namin 'yong may-ari ng tutuluyan ko kasi siya ang magtuturo ng daan.


"Kapag nalaman ni Mavis na nagkita tayo, tiyak matutuwa 'yon."


"Huwag, 'wag mo munang sabihin sa kaniya."


"Bakit?"


"Marami na siyang pinagdaanan. Ayokong madagdag sa isipin niya, kapag nalaman niyang nagkita tayo ipapahanap niya ako, ayokong malaman niya ang sitwasyon ko at pinagdadaanan ko. Gusto ko kapag nagkita kaming dalawa okay na ako at maibabalik ko na 'yong kiara noon na madalas masaya lang."


Pare-pareho kaming natahimik sa loob ng sasakyan hanggang sa mapuntahan namin 'yong dating katrabaho ni Tiya.


Malayo layo ang biniyahe namin, at talagang namangha ako ng makita ang view ng bahay. Kakaiba pala talaga sa probinsya. Nakakawala ng stress dahil sa sariwang hangin. Masyadong payapa at malayo sa ingay mula sa mga sasakyan.

Carrying the CEO's Child (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon