Note before reading:
I asked some of my friends to ask their elders about the telephone. My family was not sure about it because they grew up in Mindanao, not in Luzon. There was a telephone service around that time but the rich and the government only has it. It was expensive so people rather wrote letters.
Bireley's was a drink available in the Philippines around this period. Sa pagkakaalam ko, may chocolate, orange, grape, at pineapple flavors. Wala na siya sa Pilipinas ngayon pero available pa rin siya sa ibang Asian countries like Japan and it was recently phased out in Thailand (based on my research). Avenue, a drink I will also be mentioning was a drink available in the country during this time period that doesn't exist anymore.
This time period, 4 years lang din each term ng president pero pwede naman siyang tumakbo ulit. Parang USA lang ang style. A person can run twice for the presidential position. This method wasn't changed up until after the Marcos regime when the constitution was rewritten and an individual can only have one term (if they are elected as a president or vice president) with a six-year span. The last person who was elected and re-elected was former president Ferdinand Marcos Sr.
Late note: I republished this chapter in April 30, 2022 and this means malapit na ang elections. The elections for this year will be on May 9 and I hope that anyone who reads this that can already vote will be giving their vote to the most capable person in each position. Vote wisely.
-<>-
Bakit nandito itong si Victor sa Buluan? Di'ba sabi ni Isay nasa Ilocos Sur si Victor ngayon at nagbabakasyon?
Baka'y napagala lang ito rito. Huminga ako nang malalim at tinignan ang kasama niya. Pamilyar din ang hubog ng katawan at mukhang kilala ko rin. Para bang nakita ko na ang babaeng kasama niya ng maraming beses.
Kumalma ka nga Barbara, baka ay kamag-anak niya lang ang kasama niya.
Lumiko sila sa lugar na mas kakaunti lang ang tao. Mas lumaki lang ang pagdududa ko habang nakabuntot ako sa kanila. Baka naman at mali lang ang akala ko pero hindi ko rin matanggal sa isipan na posibleng mangyari yun. Nagawa na ni Victor ito dati kaya pwede niyang gawin ulit. I know it's probably my biases acting up but I can't help but think about it.
Maaring hindi mabuti na sundan ko sila kaya paatras akong naglakad para makalayo na ako sa kanilang dalawa habang nakatingin pa rin sa papalayong likod ni Victor at ng kasama niya. Bumaba ang kamay ni Victor sa baywang ng babae at nanlaki ang mata ko roon. I also saw he slightly bit on her earlobe.
Napatalon ako ng kaunti nang may mabunggo ako, akala ko puno pero mainit naman yun nabunggo ko kaya lumingon na ako para makita kung ano yun.
Mas nanlaki ang mata kong noong nakilala ko kung ano... este sino ang nabunggo ko.
"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Alessandro at dumistansya na sa kanya. Humihingal siya, na parang galing sa pagtakbo. Siguro hindi niya ako napansin sa pagliko niya kasi nasa may likuan na pala ako ngayon.
BINABASA MO ANG
It Was Perfect (Flora Series #2)
Ficción históricaA family reunion made Angela Samaña's family fly from Manila to Cabawan, Cebu that summer. Faced with a strange familiarity of the place, Angela makes a peculiar discovery about one of her possible past lives. Settled in and headphones on, Angela t...