CHAPTER#04 (Luna, The Tutor)

75 4 0
                                    

LUNA'S POV.

Today is saturday, and I'm happy with that. Atleast tapos narin ang one hell week ko sa school.

Pakiramdam ko nga parang tinatamad ako ngayong pumasok sa school, ewan ko sa bawat hakbang ko kasi sa corridor pakiramdam ko iba ako.

Yun bang hindi ako belong kasama sila? Lalo pa at yung dalawa kong mga kaibigan ay magaganda, mula ulo hanggang paa. Haayyyy..

Kriiingg...

Calling: Ate Leigh

"Hellow ate?"

[Hellow Zelie. May tumawag sakin kanina, ang sabi gusto ka daw i-hire para maging tutor ng anak niya.]

"Ah, sige ate. Forward mo nalang sakin yung number----"

[No need. Susunduin ka na diyan ng family driver nila in 20 minutes.]

O_O

"Ha?? Paanong---"

[I already accepted the request. Sorry baby kung hindi ko nasabi sayo agad, pero kasi I think mababait sila. At tsaka matanda na yung tuturuan mo kaya hindi ka mahihirapan.]

Sabi ko na.

Lagi naman.

Lagi kasing ganyan si ate, magugulat nalang ako na may tatawag sa akin na sasabihin kung kailan ako magsisimulang matutor.

Samantalang hindi ko alam na may tuturuan pala ako?

Pero okay lang, kasi wala namang problema sa binibigay ni ate ng mga bago kong itututor kasi lahat naman halos ay mababait.

Yung iba nga gusto dun narin ako sa kanila matulog. Hehe.

"Okay sige sige. Aayusin ko na yung mga gamit ko. Tapos ititext nalang kita pagdating ko dun o kung ano man ang maging problema."

[Sigee! Bye babyyyy!]

"Bye ate."

Toot!

Nagtataka kayo kung bakit hindi ako nag po-'po' or nago-'opo' man lang sa ate ko? Well kasi sabi niya nakakatanda daw yun, kaya wag nalang daw. Hehe. Masunurin naman ako kay hindi ko na ginawa.

Inayos ko na yung mga gagamitin kong libro, pens, papers, calculator at tsaka sticky note-pad. Mahilig akong gumamit ng post-it kasi medyo may pagka-makakalimutin ako.  Inayos ko na rin ang sarili ko para presentable naman akong makikita nila.

Papalabas palang ako ng kwarto ng may narinig na akong busina sa labas ng bahay.

Dali-dali akong lumabas at tinanong kung sino sila.

World War III or Meant to be ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon