Chapter#2 (The Suplado, The Hearthrob, and The Playboy)

73 4 0
                                    

JULIETTE'SPOV

"SWITCH!" Narinig kong sabi ni Sir Mendoza. I've been here since the last four years of my life. And ngayon ko lang na-meet yung mga katabi ko ngayon, pero I feel comfortable. I don't know why pero..

"Fiends!" Sumang-ayon kaagad ako sa friendship na in-offer nung transferee. Tumalikod na ako para kausapin ang kung sino mang tao sa likod ko.. pero dapat siguro hindi nalang ako tumalikod.

"Hi beautiful! " tss.

"I'm not beautiful.." huehue. Pabebe Juliette?

"How about prett----"

"Nor pretty. I'm Juliette." Malamig kong sabi at tsaka nangalumbaba.

"So you feel boring while talking to me huh?" Sarkastiko nitong sabi. So what??

"So?"

"Haha. Hindi mo ba alam na maraming nangangarap diyan sa pwesto na meron ka?" WHAT?? Sapagkakaalam ko, nakasarado naman ang pinto. Summer ngayon. Ayon nga at tirik na tirik ang araw. Pero bakit parang ang hangin naman dito sa pwesto ko?? "Marami ang nagkakandarapa para lang tingnan ko. Tss. Pasalamat ka at maganda ka."

-_-"

Sa mga narinig ko parang umakyat lahat ng dugo mula daliri ko sa paa, papuntang anit sa ulo ko. Nyetang toh! Makapagsalita akala mo kung sino. Ano ba tingin niya sa sarili niya MAKAPANGYARIHAN?? TSS.

"So ano pinapalabas mo? Maging thankful ako kasi nakausap ko ang isang katulad mo, ganon?"

"Bakit, hindi mo ba alam na -----"

"Hindi ko alam at WALA akong balak malaman. Wala akong pakielam kung maraming nagpapantasya sayo. Kasi hindi naman ako kasama dun." Hindi ko na siya hinintay na sumagot o mag react man lang sa sinabi ko dahil WALA NAMAN AKONG PAKIELAM SA MGA KAYABANGAN NA SASABIHIN NIYA.

Lumingon nalang ako sa bang direksyon kung saan hindi ko siya matatanaw. Naiirita ako sa mga katulad niya. Sa gestures at attitudes niya. Porket sikat at gwapo, kailangan angkinin ang monicker na playboy? Teka nga muna, bakit parang nanahimik yung isa dito?? Lumingon ako sa kung nasan man siya..

O_o

Pero katulad nung una, pinagsisisihan ko din na ito ang ginawa ko.

"As if you don't know me, I'm Romieow" para akong tarsier dun sa sobrang laki ng mga mata ko sa nakikita ko. Hindi ako makagalaw.. dahil isang maling move, pagsisisihan ko na gumalaw pa ako. A-ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Sobra! Isang maling galaw Juliette, isang maling galaw. Mahahalikan mo siya.~>_

"A-anong sinsabi mo diyan?! Napapraning ka na ba?!" Bwiset tong Romieow na toh. Sarap balatan ng buhay!! Grrr!

"Saglit lang, wala naman akong sinabing masama ah? Bakit galit na galit ka diyan?" Naka- ngisi nitong sabi. Bakit, ano bang sinabi ko? Wait.. syete. Wala pa lang connect yung sinagot ko sa kanya kanina. -_- Eh bakit ba. Bwiset kasi siya!

" Wala!" Palusot ko nalang. Bakit kasi parang antagal matapos ng 5 minutes eh. Hindi nalang ako kumibo at baka mali nanaman ang masabi ko. Tumingin nalang ako sa ibang direksyon.

Nakita ko si Storm. Ang dakilang walang pakielam sa mundo. He doesn't care to anybody. Siya ang dakilang suplado ng eskwelahan na ito, na walang ginawa kung hindi ang matulog sa klase.

Pero kahit ganoon, he gets high grades. If I'm not mistaken, he is one of the candidates running for valedictorian. Siya rin yung tinamaan ng libro nung transferee kanina.

Ewan ko ba diyan, parang pinaglihi sa sama ng loob. Yun bang parang naging mapait yung lasa ng champurado? Well, nakakatuwang tingnan yung sitwasyon nila ni Rayne. Sila pala kasi yung magkatalikuran. Hindi sila nag-uusap.

Si Storm nakadukmo lang sa desk ng upuan niya, habang si Rayne ay parang nawawala na sa katinuan na iniikot-ikot yung dulo ng buhok niya.

Sa tabi naman nila ay nahagip ng mga mata ko ang noo'y kausap ni Luna sa si Dawn, also known as 'Tucker' he's second name. Siya ang hearthrob ng campus. Gwapo, mayaman, matalino, magaling sa sports.. in short, perfect. Pero dahil wala naman talagang perfect, almost lang. Ideal guy yan.

Parehas sila ni Storm, yun nga lang mas naapreciate si Dawn kasi mas friendly siya. Madalas yang i-partner sa akin, dahil nga sa kung anong title meron ako. Ayos naman siya, yun nga lang medyo may pagka-bully.

Judgemental siya pagdating sa iba. Mas nakikita niya ang Outside appearance kaysa sa Inside appearance ng isang tao.

Kaya kung hindi ako nagkakamali, katakot-takot na panlalait na ang inabot ni Luna sa pag-uusap nila ngayon. Hindi kasi ang tipo ni Luna ang pupurihin ni Tucker.

Pero syempre mawawala ba naman ang pangalang Romieow sa usapan? Lalo pa't malalapit silang magkakaibigan nila Storm at Tucker.

Kahit ayaw ko siyang pag-usapan. Hhm. Sabi nila siya daw ay Playboy ng school. Maybe because according to him, One Girl Is Not Enough. Tulad ngayon, ibang babae naman ang kalandian niya-- sorry for the term. Marami.. ay hindi pala,

SOBRANG DAMI na pala ng naging babae niyan at patuloy na dumadami despite of the fact na alam na halos ng buong populasyon ng mga kababaihan dito kung anong ugali meron siya.

I think the word "Playboy" is not enough to describe him, it should be lalaking malandi, na walang pinipili.

"Okay class time's up! Let me take all your attention please."

"Hayyy.." nagkatinginan kaming tatlo nila Rayne at Luna kasi iisa ang nasabi namin nung makabalik kami sa original position namin. Tama nga ako, yung isa tinulugan at samantalang yung isa naman, kinausap nga pero nilait naman.

_

________________________________________________________________________________________________________

♥Equaltwo

World War III or Meant to be ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon