Chapter #12 (Hindi Kita Iiwan.)

29 2 0
                                    

JULIETTE' POV.

"Hanggang ngayon ba wala pa rin si Rayne?" Tanong ni Luna na ngayo'y nagliligpit na ng gamit niya sa bag.

"Wala pa. Wala daw yata kasi si Madame dun kanina, kaya hinintay pa daw nila." Pagkatapos ay ipinasok ko na sa bag ko ang huling notebook na nakalabas.

"Hihintayin pa ba natin siya?"

Sakto namang tumunog yung phone ko. Ito ang sasagot sa tanong ni Luna.

"Ito sabi niya oh." Iniharap ko sa kanya ang screen ng phone ko.

From: RayneUlan.

Girls wag niyo na kong hintayin. Kita nalang tayo bukas. :)

"Kakaiba talaga siya." Napailing nalang si Luna. "Nga pala Juliette, diba magpapa-print ka pa ng mga fliers mo, para sa announcement ng volleyball team?"

Oo nga pala. Malapit na kasi ang Regional Volleyball Competion at kulang pa rin kami ng members. Kaya kailangan ko na talagang mamigay ng fliers para alam din nilang magkakaroon na ng try-out.

"Ah oo. Gusto mo ko samahan?" Nakita kong kumunot ang noo niya. Tapos bigla niya kong hinawakan sa noo.

"May sakit ka Jul?" Anong problema nito?

"Huh?" Yun nalang ang nasabi ko.

"Kasi three years ago, ang kilala kong Juliette ay mas gustong mag-isa. As in walang kasama. So anong nangya—-" Di ko na siya pinatapos. Dami pang sinasabi.

"Kung ayaw mo, edi—" Siya naman yung hindi nagpatapos sakin.

"Sabi ko nga alis na tayo eh. Nako ang bagal-bagal mo namang maglakad. May alam akong malapit na printing shop diyan sa labas ng school." Sus.

Tulad mo Luna, hindi din ako makapaniwala sa nangyayari. Una dahil parang mas prefer ko na ang laging may kasama at kausap .. in short parang nagugustuhan ko na ang magkaroon ng mga kaibigan. Second is, akala ko ba tahimik ka?? Parang nagiging pala-salita ka na yata ah??

Katulad ng sinabi ni Luna, sinamahan niya ako sa malapit na printing shop sa labas school namin. Actually hindi lang siya para sa printing, computer shop kasi talaga siya. Madami nga ang nagco-computer ngayon eh.

"Ita-type mo pa lang ba? O naka-save na?" Napatingin ako kay Luna at tsaka inilabas sa bulsa ang flashdrive ko.

"Try-out yung pangalan ng file." Sabi ko.

"Ilan ba ang kulang sa team niyo?" Biglang tanong ni Luna.

"Lima. Madami kasi ang gumraduate na last school year, plus yung mga lumipat pa ng ibang school."

"Si Rayne kaya? Grabe ang galing niya palang maglaro ng basketball noh?"

Oo, tama si Luna. Sa totoo lang habang naglalaro si Rayne kanina, parang hindi babae ang tingin ko sa kanya eh. Mas maangas pa siyang tingnan sa mga kasama naming maglaro na mga lalake.

"Yes hellow?" Napatingin ako kay Luna. May kausap siya sa phone. "Pero ate—- oo sige. Ipapaliwanang ko nalang."

"Anong meron?" I asked nang maibaba na niya yung tawag.

"Pinapauwi kasi ako ni ate ngayon. May sasabihin daw siyang importante." Biglang lumungkot yung expression ng mukha niya. Anong problema nito?

"Go ahead. Salamat sa pagsama sakin."

"Pero ayaw kitang iwan dito." Tss. Ang kulit.

"Mas importante ang sasabihin ng ate mo and besides kaya ko na ito." Mukha namang malapit ng matapos.

World War III or Meant to be ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon