Chapter #13 (W.W.3 Their Version)

29 2 0
                                    

JULIETTE'S POV.

"Grabe. Nakakainis talaga yung lalaki na yun!" Tapos ay ginulo nanaman niya yung buhok niya. For the 9th time around.

"Rayne, pang siyam mo ng ulit yan." Sabi naman ng nagsusulat na Luna.

Well, free kaming makipag-usap ngayon kasi wala pa ang first subject teacher namin. Napag-alaman namin na may sakit pala yung adviser namin ngayon, that's why iba ang magha-handle samin ngayon.

"Nga pala, kailan na daw punta niyo sa orphanage?" Tanong ko. Ang sabi kasi samin ni Rayne, pagtupong daw sa ini-sponsoran na Orphanage ng school namin yung pinaka parusa nila.

"Sa Saturday na daw. Bwisit kasi talaga eh! Ehdi sana pahinga ko yung araw na yun! Haiisstt!!" Tapos ginulo nanaman niya yung buhok niya.

"Para namang wala kang partisipasyon sa kasalanan." I said.

"I know Jul. I know." Tapos ay tiningnan niya ako sa mata. Malamang, san pa ba? "Pero kasi, akala ko ba snobbers yun?! Tapos yun pala, parang hindi lalaki na sagot din naman ng sagot. Lalaki ba yun?"

Kami rin naman Rayne ay hindi makapaniwala sa kinikilos ni Storm sa ngayon. It either, he likes you or he is apoplectic with you. Well I guess the second one is the answer.

"Rayne, lahat naman nagbabago. Walang permanente sa mundo." WOAH. Rayne and I was flabbergasted about what Luna said. Bigla na ngang sisingit, magbibitaw pa ng words of wisdom. Haha. This girl is really jaw-dropping.

"May pinagdadaanan Luna??" -Rayne.

Kung nagtataka kayo kung bakit sa kung anu-ano ng sinabi ni Rayne tungkol kay Storm ay hindi pa rin ito nagrereact, ito ay sa kadahilanang wala sila ngayon sa mga upuan nila. Yup, lahat sila.

"Hi girls." Ay hindi pala. May polusyon kasi na dumating. -_-

"Hi." Matipid na sagot ni Luna at hindi man lang nagawang tumingin kay Romie-ow.

"Hellow." Bati din ni Ulan.

Hey! Bakit niyo ba siya kinakausap?!

"Hi Juliette." Tapos ay ngumisi pa siya. Ano akala niya gwapo siyang tingnan?!---- okay sige. Oo na! Oo na! Kainis. Tss. "Uy kausapin mo naman ako."

"I don't talk to strangers." Tipid kong sagot. "Ah Rayne, Luna .. alis muna ko. May hihiramin lang akong libro sa library." Tumayo na ako.

"Teka Juliette." Napatingin ako kay Luna. "Pasuyo na rin ako niting libro na 'to. Salamat." Isang libro lang naman yung nasa papel, nilista na kasi ni Luna yung title nung libro. Naglakad na rin ako agad papuntang library.

Kaunti lang ang tao ngayon dito kaya pwede akong magpalamig ng ulo dito. Hindi pa ako ready na makita ang malanding polusyon na yon. Naiinis pa rin ako tuwing nakikita ko siya.

Nag ikot-ikot muna ako sa mga shelves. I love reading novels, that's why madalas akong tumatambay dito sa library. Wala naman kasing rules kung hanggang anong oras lang pwede ang estudyante dito, kaya ayun naging favorite tambayan ko na 'to.

Hindi ako tahimik na tao, pero mas gusto kong mamalagi sa tahimik na lugar. Lalo na kapag nagbabasa, mas naiintindihan ko kasi yung binabasa ko kapag tahimik.

Gusto ko sanang magbasa, kaya lang parang nawalan naman ako nt gana. Ikaw ba naman eh makita mo yung taong ayaw na ayaw mong makita sa ngayon, kung di ka manggalaiti. Grrr. Bat ba andito yang polusyon na yan?!

"Hi Juliette. :)" wtf?! Hindi ko siya pinansin, pero hinawakan niya ako. "Hey. Wala namang snob-ban diyan."

"Don't touch me." Sabi ko nalang. Expecting that he will let go my hand.

World War III or Meant to be ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon